May parte sa akin ang natuwa dahil natitiyak kong hindi na ako mahihirapan lalo na't hindi naman pala siya interesado sa akin. Ibig lang sabihin no'n ay wala siyang pakialam. May parte rin naman sa akin ang nalungkot nang dahil sa narinig. Nalungkot nga ba ako nang dahil lang sa sinabi niyang wala siyang pakialam sa akin, o baka naman nalungkot lang ako nang dahil sa nasaksihan ko kanina?
Maraming nagbago kay Travis. Medyo nagkaroon siya ng laman ngayon. Bahagyang tumangkad at naging matipuno ang katawan. Aaminin ko na medyo gumwapo nga siya ngayon at hindi ko ipagkakaila ang bagay na iyon. Tulad ng dati, naroroon na naman ang walang kwenta niyang emosyon. Lastly, ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti, hindi nga lang sa akin. Ngumiti siya sa girlfriend niya.
Ang buong akala ko dati, magagawa ko siyang pangitiin noon. Sa bagay, sino nga bang matutuwa sa mga paghahabol ng ginawa ko sa kanya noon? Wala naman akong ibang ibinigay sa kanya kung hindi ang dismaya at kahihiyan, hindi ba?
Pakiramdam ko tuloy ay gusto kong bumalik sa nakaraan. Kung maibabalik ko lang ang oras, e 'di sana ay hindi ko na siya ginulo. Kung hindi ko ba siya hinabol, may chance ba na maging magkaibigan kaming dalawa?
Kahit hindi na magkaibigan basta't tratuhin niya lang ako nang civil. Tratuhin niya akong bilang tao, hindi bilang isang ligaw na hayop na animong itinataboy palayo sa kanya.
"Tulala ka yata?" natatawang puna ni Nathalie pagkalipas ng ilang oras.
Dumiretsyo si Travis at yung girlfriend niya sa opisina nito. May ilang oras na silang nananatili roon sa loob. Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa nila roon. Ang sabi ni Nathalie ay hindi naman daw nagtatrabaho yung babae rito kaya naman hindi ko tuloy maintindihan kung bakit naroon pa rin sila hanggang ngayon.
Ano namang gagawin ng dentista sa opisina niya? May appointment ba si Travis sa kanya? Baka naman bubunutan niya ng ngipin si Travis?
"Empress..."
Kunot noo akong lumingon kay Nathalie nang bahagya niyang tinapik ang balikat ko. Tulad ng nakagawian ko na, naroroon na naman ang ngisi sa labi niya habang nakatitig sa akin.
"Tulala ka, ah? May problema ba?" natatawa niyang tanong bago siya humila ng upuan at umupo sa tabi ko. "Dahil ba 'to kay Travis?" dagdag niya pa.
Hindi ako kumibo kaya naman mas lalo siyang natawa.
"Gulat ka, ano? Nawala ka bigla sa sarili mo nung nakita mo siya kanina," puna niya pa na mas lalo kong ikinagalit. "Gwapo pa rin ba o baka naman nagseselos ka lang—"
"Hindi mo man lang sinabi sa akin na siya ang boss dito, Nathalie!" singhal ko.
Mabuti na lang at lunch break ngayon. Nasa cafeteria ang ilan sa mga kasama namin sa wing habang ang ilan naman ay natutulog. Medyo malayo sa amin ang cubicle ng mga natutulog kaya naman kahit na papaano ay kampante ako na walang makakarinig sa usapan naming dalawa ni Nathalie.
"Kung alam ko lang na siya ang boss dito, e 'di sana ay hindi na ako pumasok dito!" singhal ko pa na ikinatawa niya lang. "Sana pala bumiyahe na lang ako pabalik sa Spain..."
"Aalis ka na naman?" singhal niya dahilan upang masama ko siyang balingan ng tingin. "Sabagay, trabaho mo nga pala yan. Hilig mo nga pala ang tumakas."
"Nathalie, hindi mo kasi ko nage-gets," singhal ko na inismiran niya. "Alam mo naman yung hirap na dinanas ko nang dahil sa kanya, hindi ba? May isang taon din akong bumibisita sa psychiatrist nang dahil lang sa traumang inabot ko sa kanya! Palibhasa kasi, wala kang pakialam sa nararamdaman ko."
"Hindi ka naman magkakatrauma kung nung una pa lang, iniwasan mo na siya, Empress," aniya dahilan upang iiling iling akong nagbaba ng tingin. "Nandito na tayo, Empress. Nakita ka na niya. Nakita mo na siya. Sa tingin mo ba may magbabago pa kung aalis ka?"
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...