CHAPTER 35

33 1 0
                                    

Is she asking me out? At bakit naman?

"U-Uhm," usal ko na animong nag-iisip na ikinangiti niya lang. "I-I don't think so. Nakatambak kasi lahat ng paper works ko ngayon. Sa totoo nga lang ay may hinahabol ako na... na kailangang ipasa rin ngayon." Ngumiti siya sa akin at binigyan ako ng isang tingin na animong hindi naniniwala sa mga paliwanag ko. "Ngayon na rin kasi ang deadline ng mga documents na kailangan kong ipasa sa department."

"Pwede kitang tulungan dyan, Empress, kung gusto mo," aniya sa mababang tinig na muli kong ikinatikom ng bibig. "Gusto ko lang sanang... makausap ka. Kahit na ngayon lang. Twenty minutes is enough for me, Miss Tyler, at hindi naman tayo magtatagal."

Marahan siyang tumawa. Tawa ng isang anghel ika nga nila.

"Don't worry dahil hindi naman ganoon kaistrikto si Travis," aniya pa.

Ramdam ko ang pag-angat ng kilay ko nang dahil sa sinabi niya. What the hell is she talking about? Kilala niya ba talaga ang boyfriend niya? Kung kilala niya nga ng buong buo si Travis, alam niya sa sarili niyang istrikto ito—at mayabang. Mayabang. Bwisit.

"At tsaka, ako ang bahala sa 'yo, Miss Tyler," aniya pa na hindi ko na kinibo pa. "I promise you, hindi aabot ng isang oras ang conversation natin. May kailangan lang talaga akong sabihin sa 'yo."

Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko siya, hindi ba? And besides, mukha naman akong komportable whenever I'm with her. May kakaiba sa presensya niya na talagang nakakapang hipnotismo. Ni hindi ko na nga namalayan ang sarili kong tumatango sa simple niyang request.

Nang umalis siya sa harapan ko, doon na ako nagdesisyong magtungo sa mesa ko. Muli na namang dumako ang tingin ko sa kapeng nakalapag sa mesa ko. Agad na umarko ang kilay ko nang hinawakan ko iyon at pinagmasdan.

May kasama itong note kanina, marahil ay kung kanino ito nanggaling. Nakita ko itong itinago ni Georgina sa bulsa ng coat niya. Sa paraan pa lang ng pagkakangiti niya kanina, alam ko na kung kanino galing ang kapeng ito.

Siya lang naman ang tangang hindi nakakaintindi na hindi nga ako umiinom ng kape!

"Ilang beses ko bang kailangang ulitin sa kanya iyon?" kunot noo kong tanong bago lumakad patungo sa trash bin at agad na hinulog doon ang kapeng binili niya para sa akin.

"Anong mayroon?"

Mabilis akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang boses na iyon. Kunot noo kong nilingon si Nathalie na ngayon ay panay sa pagnguya ng maning hawak niya. Marahan niya akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa bago siya ngumiwi.

"Nakita ko kayong nag-uusap ni Ma'am Salazar kanina..."

"May hiningi lang siya sa akin, Nathalie," pagod kong sambit bago ako dumiretsyo sa mesa ko.

Ang akala ko ay lulubayan niya na ako kapag nakita niya akong abala sa trabaho, pero mukhang nagkamali pa ako sa inakala ko dahil nanatili lang siya sa gilid ng desk ko habang tahimik na nakamasid sa akin.

Base sa itsura niya, mukhang alam ko na kung anong gagawin niya.

"Ano namang hihingiin niya sa 'yo, eh, nasa kanya na lahat?" aniya bago nanlaki ang mga mata niya nang may mapagtanto sa sarili. "Don't tell me she's asking you na isuko si Travis?"

"What?" reklamo kong singhal na tinawanan niya. "Baliw ka ba? Wala siyang ibang hinihingi sa akin maliban sa oras ko. Magkikita kami mamayang lunch para mag-usap. Ang sabi niya ay may sasabihin daw siyang importante sa akin."

"Tungkol saan daw?"

Nagkibit ako ng balikat dahil wala naman talaga akong alam. "Hindi ko alam. Hindi niya sinabi sa akin," sagot ko sa kanya.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon