CHAPTER 34

37 2 0
                                    

Si Travis, magseselos?

That's the least thing na alam kong mangyayari sa buhay ko. Yung mukhang iyon, magseselos? At kung nagseselos nga siya sa nalaman niyang panliligaw sa akin ni Lucas, ano namang karapatan niya?

May girlfriend na siya. Malapit na rin silang magpakasal at halos kalat na kalat sa buong opisina na mahal na mahal nila yung isa't isa kaya naman yung malamang nagseselos siya sa nalaman niya, alam kong imposible iyon.

Si Travis, magseselos? Lolokohin ko lang ang sarili ko kung maniniwala ako sa bagay na iyon.

"I thought you're courting her," nakangusong sambit ni Nathalie nang ayain muli kami ni Lucas na pumunta sa club na pinuntahan namin noon.

Sa totoo nga lang ay nagpapasalamat ako dahil hindi na ganoon katambak ang trabaho ko sa opisina ngayon hindi tulad noon. Hindi na siya tulad ng dati na hindi na ako halos makahinga sa tambak na paper works. Hindi ko alam kung natauhan lang ba talaga si Travis, at kung natauhan ngang talaga siya sa ginawa niya sa akin, then good for him. Dapat lang! Mahiya naman siya sa balat niya, ano?

Tingin niya ba sa kanya lang umiikot ang mundo ko tulad noon? Tulad nga ng paulit-ulit kong sasabihin, nagising na ako sa bangungot na iyon. Oo, minahal ko siya dati pero dati iyon!

Pakiramdam ko tuloy ay nabagok ang ulo ko kaya ako biglang natauhan sa mga nagawa ko dati. Kung nagpatuloy lang ako sa paghahabol sa kanya, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.

Yun ay kung hindi ako natauhan sa ginawa niya dati.

"No," natatawang sagot ni Lucas bago bumaling sa akin na ikinanguso ko. "Alam kong ire-reject lang ako ni Empress kapag ginawa ko iyon. Ayaw ko rin namang masira ang pagkakaibigan naming dalawa kaya... hindi na ako magte-take ng risk."

"Sana all ganyan ang mindset, ano?" natatawang saad ni Natahlie bago niya pinaglaruan ang inumin niya at bumaling ng tingin sa akin na inismiran ko na lang. "May iba nga akong kilala dyan na... hindi pa titigil hanggat hindi pa napapahiya sa harap ng maraming tao..."

"Shut the fuck up, Nathalie," singhal ko na ikinatawa niya.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa ang kwentuhang iyon ay nauwi sa tawanan nang dahil sa mga kalolokohang ibinabahagi sa amin ni Nathalie. Kahit na may problema akong kinakaharap, hindi ko pa rin maitatangging kahit na papaano ay nababawasan lahat ng intindihin ko lalo na sa tuwing kasama ko silang dalawa. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko na may magiging kaibigan pala ako rito sa Pilipinas. Sa Barcelona kasi, wala akong ibang kasama kung hindi ang sarili ko lang at si Pablo. Si Pablo nga lang ang kasa-kasama ko sa bansang iyon, binubully pa ni Kuya Lucho.

"Hindi ko alam pero um-attend ako sa engagement party niya before," kwento pa ni Nathalie bago siya lumingon sa akin. "I wonder kung nandito ka lang dati, iimbitahan ka rin kaya niya sa engagement parry niya?"

"Huh?" kunot noo kong tanong na inismiran niya.

"About kay Travis, Empress," sagot naman ni Lucas bago siya uminom sa cocktail na hawak niya. "She's wondering kung invited ka rin kaya sa engagement party ni Travis last year kung nandito ka lang."

"Tanga siya kung iimbitahan niya ako at tsaka kung sakali mang inimbitahan niya ako, hindi pa rin ako a-attend, 'no," sagot ko na ikinatawa ni Nathalie. "Pwede bang ibahin niyo na lang ang usapan niyo? At bakit ba kasi napunta kay Travis ang usapan? Ang akala ko ba wala kang ganang pag-usapan yung tungkol sa trabaho rito, Nathalie? Anong nangyari sa sinabi mo kanina?"

"Iba naman kasi ito, Empress. Tsismis ito and besides, sino nga bang hindi magkakainteres sa buhay ni Travis?" natatawa niyang sambit bago siya lumingon sa mga mesang naroroon. "And speaking of the devil, tingnan niyo kung anong nakikita ko ngayon."

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon