CHAPTER 40

53 2 2
                                    

Why would I do that?

Nang dahil sa narinig ay mabilis na nag-init ang mukha ko. Bahagyang tumawa ang kapatid niya habang si Georgina naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang tahimik na lang na ngumiti.

Anong nakakatawa?

Bastos ba talaga ang bibig nito?

Ito ba yung kakambal ni Travis na sinasabi nilang mangkukulam?

Hindi ko alam kung bakit pero tila ba bahagya pa akong nakaramdam ng gulat sa nakita ko. Nang sandaling bumalik sa wisyo ay doon lang ako nagdesisyong tumayo mula sa kinauupuan ko para harapin ang tatlong ngayon ay walang ibang magawa kung hindi ang pagmasdan lahat ng kilos ko. Naroon si Travis upang bigyan ako ng kamay sa pagtayo ko ngunit sa halip na tanggapin iyon ay binalewala ko na lang siya. Nakita iyon ng kapatid niya kaya naman hindi na ako nagtaka nang bahagya itong napangisi habang nakahalukipkip na nakatitig sa aming dalawa ng kapatid niya.

"So, you're doing handjob or blow—"

"Shut your fucking mouth, Celeste!" singhal ni Travis.

Nang dahil sa narinig mula sa kakambal niya ay madramang dinama ni Celeste ang dibdib niya na animong nasaktan pa siya sa sinabi nito. Sa kabilang banda ay wala namang nagawa si Georgina kung hindi ang lihim na lang na mapanguso habang lihim na nakikinig sa pagtatalo ng dalawa sa harap namin.

"Don't you dare raise your voice, Chester! I'm still your Ate!" sambit ni Celeste sa kanya na inismiran naman ng kakambal niya. Nang sandaling magkaroon ng pagkakataon ay tsaka lang siya bumaling ng tingin sa akin habang kunot koong nakatitig sa pwesto ko. "So, ano nga bang ginagawa mo sa ilalim ng mesa ng kapatid ko kung hindi mo siya pinapaligaya, sige nga?"

"Celeste, tumigil ka nga," pagsabat ni Georgina na hindi niya naman nilingon. "I'm sure may dahilan si Empress. Right, Empress?" sambit nito bago bumaling ng tingin sa akin at ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit pero tila ba nahihiwagaan ako sa kung ano nga bang mayroon sa kanilang dalawa ni Travis. Hindi ba dapat ay magalit siya sa akin dahil nasa ilalim ako ng mesa ng asawa niya? Hindi ba dapat ay sinasabunutan niya na ako ngayon o hindi naman kaya ay isinusumpa? Nagpapaka propesyunal ka lang ba talaga, Georgina, o baka naman wala ka lang talagang... nararamdaman kay Travis?

Pero imposible. Kung wala siyang nararamdaman para kay Travis, bakit naririto siya ngayon sa opisina niya?

Ngumisi ako nang dahil sa naisip. Mahal man nila ang isa't isa o hindi, wala ka ng pakialam doon, Empress. Ano bang karapatan mo kay Travis gayong wala ka na rin namang nararamdaman para sa kanya?

"M-May... pinag-usapan lang kaming dalawa ni Travis kanina. Ang akala ko kasi... hindi pa tapos ang usapan naming dalawa kaya..." sambit ko bago nagnakaw ng tingin kay Travis na ngayon ay may multo na ng ngiti sa labi niya. "Hinintay ko siya."

"Liar," mahinang sambit ni Celeste dahilan upang kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya. "I'm sure may gagawin sana kayong dalawa rito kaya mo siya hinintay. Mukhang anxious yung kakambal ko kanina at hindi kumportable sa kilos niya. Mukhang hindi nakaputok—"

"Shut the fuck up, Celeste—"

"Oh, sige, Travis, itanggi mo!" nanlalaki ang mga matang pang-aasar ni Celeste sa kakambal niya na mas lalong ikinapula ng mukha ni Travis. "Ikaw, ha? Kaya pala ayaw mo akong pinapabisita rito, ah? May itinatago ka pa lang kagaguhan—"

"May pinag-usapan lang kaming dalawa ni Empress, Celeste," napipikong sambit ni Travis bago namumulang nag-iwas ng tingin sa kakambal niya. "At kung may gawin man kaming dalawa, labas ka na roon."

"Wala naman tayong gagawin, Travis," sagot ko sa kanya dahilan upang kunot noo siyang bumaling ng tingin sa akin.

Sa halip na bumaling ng tingin pabalik sa kanya ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang lumingon sa kakambal niya na ngayon ay walang ibang nagawa kung hindi ang nanlilit ang mga matang bumaling ng tingin sa akin.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon