Magkasalubong ang mga kilay ko nang sandaling tumitig ako sa target na nasa malayo. May suot akong shooting glasses kaya naman mas lalo lang akong nahirapan sa pag-asinta ng baril na hawak ko.
Bitbit ang sama ng loob ko sa ginawa ni Travis kahapon, mabilis kong pinutok ang baril na naging resulta kung bakit tuluyan ko ngang napaputukan ang pulang tuldok sa ulo ng target na nasa malayo.
Mula sa pwesto ko, rinig ko ang pagpalakpak ni Lucas kaya naman ngingisi-ngisi kong ibinaba ang baril na hawak ko bago ako nagdesisyong lumapit sa mesa kung saan siya naghihintay.
Nanlalagkit na ang katawan ko sa sobrang pagpapawis. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kaming nagpaalipas ng oras sa shooting range na iyon. Sa katunayan nga ay ito pa lang ang kauna-unahang beses na sinubukan ko ang bagay na ito, kaya naman maging ang mentor na umagapay sa akin kanina ay tila ba bilib na bilib nang makita niyang napatamaan ko agad ang target nang hindi man lang nahihirapan.
"Sigurado ka bang ito ang first time mo sa ganitong sport?" natatawang saad ni Lucas dahilan upang kunot noo kong binaba ang salaming suot ko bago ako pabagsak na naupo sa upuang nasa gilid niya. "Para kasing experienced ka na sa larangang ito. Don't tell me..."
"Wag kang mag-isip ng kung ano-ano dyan," saad ko na ikinatawa niya. "Pwede bang paabot ng water na nandyan sa gilid mo?"
Tulad ng ipinakiusap ko sa kanya, agad niya iyong ibinigay sa akin. Kahit na bahagya pang hinihingal ay hindi na ako nagdalawang iaip pa na inumin ang tubig na ibinigay niya.
Actually, hindi ako mahilig sa sport na ito. Kung hindi nga lang ako inaya ni Lucas dito, e 'di sana ay nasa condo lang ako ngayon habang nagpapahinga. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naisipan kong subukan ang bagay na ito. Hindi ako magaling umasinta, sa totoo lang. Maging ako nga ay nagulat nang makita kong halos madurog yung target na nasa malayo nang dahil sa magkakasunod kong pagpapaputok kanina.
"Kumusta ang work?" tanong ni Lucas nang mapansin niyang tahimik ako sa gilid. "Pinapahirapan ka na naman ba?"
"Hindi na," sagot ko sa kanya bago nag-iwas ng tingin. "Balak ko na sanang magpasa ng resignation letter mamaya. Wala na akong nakikitang dahilan para manatili sa lugar na iyon kasama niya."
"Are you sure, Empress?" natatawa niyang sambit na hindi ko kinibo. "It's so unlikely of you. Parang dati lang ay para kang stalker kung makasunod sa kanya."
"Lahat ng tao napapagod, Lucas," sagot ko bago sumandal sa upuan ko at kunot noong lumingon sa kanya. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Kumusta ka na nga ba? I mean... naging maganda nga ba yung bakasyon mo sa Palawan?"
"Kahit na papano, naging peaceful naman. Nakakalungkot lang dahil hindi kayo nakasama," aniya na ikinanguso ko. "Boring ang buhay ko kapag wala kayo."
"Boring kamo ang buhay mo kapag wala si Nathalie," saad ko bago umismid na ikinatawa niya.
Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan tungkol sa mga whereabouts niya bago muling tumalon ang usapan namin sa resignation letter na nabanggit ko sa kanya kanina.
Oo, at buo na ang desisyon ko. Totoo ang sinabi ko. Wala na akong ibang nakikitang dahilan para magtrabaho kay Travis. In the first place ay hindi naman talaga dapat ako naririto. Hindi ako babalik dito sa Pilipinas kung hindi dahil kay Pablo. Si Pablo nga lang ang ahailan kung bakit biglaan ang pag-uwi ko. Nangungulila ako sa kanilang dalawa ni Nathalie nung mga naunang araw at aaminin kong thankful ako dahil nakita kong muli si Nathalie. Hindi ko nga lang lubos na maisip sa kung bakit sa dinami rami ng pagkakataon, bakit si Travis pa ang naging boss ko. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit sa dinami rami ng taong pwede kong makasama sa iisang workplace, yung lalaking iyon pa ang nakasama ko.
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...