" Good afternoon mrs. Gomez, Mr. Santiago. Salamat po sa pagpunta sa paanyaya ko. Ako nga po pala ang Adviser ni Andrea at Andrew. "
Bungad ng Guro sa harapan namin.Ngumiti ako nagbigay galang sakanya. pero si Andrei, Nakatayo lang. Nakatitig sa Guro. Parang walang Pakiramdam kaya siniko ko sya. Lumingon sya sakin.
" What? " Mahinang Saad nya. Mukang Iritado.
Bakit nanaman kaya??
" Magbigay galang ka sa Teacher-- "
" Ayoko. "
Nangunot noo ko. Bat biglang nagbago mood ng mokong na to? Kanina lang para syang bata na ang lambing-Lambing sakin tas pagdating dito, Muka na syang Iritado.
Palabas lang ba nya yung kanina sa harap ng mga katrabaho ko pati kay Andy? Tss." Pasensya kana ma'am kay Mr. Santiago. Nasaan nga po pala ngayon sila Andrea? " Wika ko pero sa gilid ng mata ko, Kitang kita ang di pagsang-Ayon na paningin ni Andrei nang tawagin ko syang Mr. Santiago.
ano ba gusto nya itawag ko sakanya habang kaharap teacher ng anak namin? Asawa ko? Tss .
" Wala po yun misis. Andun po sa Classroom, Ibang teacher po nila ang nagdidiscuss sakanila ngayon. Tagal nyo pong di nagpakita misis , Laging Lola ni Andrea ang napunta dito. "
" Ah opo eh. Binilin kopo sya kay mama. May inasikaso po kasi ako noon. "
" Ah okay po. Ay isa pa pala, may lagi rin nag-Aalaga sakanya dito. Lalaki misis. Malapit daw po sya sayo. Kahit po kasi si Andrea Close na close sakanya kaya di din namin mapigilan ang pagpunta nya dito."
" Sino daw ma'am? " Biglang singit ng katabi ko.
Dalawa kami ng guro, Napatingin sakanya." Ay hindi ko napo matandaan ang pangalan nya Mr. Santiago pero Kilalang-Kilala po sya ng anak ni Mrs.Gomez--- "
" Aysh. Can you stop Calling her Mrs.Gomez ma'am?? " Sarkastikong Saad nya.
" Andrei? " Paninita ko pero parang di nya ko naririnig.
Kunot noo ang teacher sa sinasabi nya. Di naiintindihan at di Kumportable sa Pagsusungit nya kaya hihingi sana ko uli ng Dispensa ng muli syang Magsalita.
" call her Mrs. Santiago because she is my wife. and Andrea is our daughter ma'am. " may Bakas ng Inis Sa pananalita.
Mas lalong Gumulo ang Muka ng Teacher. Pati ako napapakunot sa Pinagsasabi ni Andrei.
" Ma'am. Pasensya na. Kailangan po muna namin mag-Usap. Pupunta nalang po kami kanila Andrea mamaya. " Wika ko chaka Hinila sya sa hallway.
" Ano nanaman ba ginagawa mo? Di ka pa nakuntento sa pag iiskandalo mo sa Trabaho ko? pati dito sa Eskwelahan ni andrea Maggaganyan ka? Di mo kailangan idamay sa Inis mo ung Teacher ng anak ko Andrei!-- "
" Panong di sya isasali?? Kanina pa eh! Chaka anong Anak mo Iya? Anak natin. " Diin nya .
" Anung Kanina pa? Wala naman sya ginagawang Masama sayo ah-- "
" He repeatedly called you Mrs. Gomez. Naiirita ko. It Should be Mrs. Santiago baby. "
Napahawak ako sa Sintindo ko.
" Wala yung alam . ano bang malay non? Ang alam dito wala akong asawa , di Kilala ni Andrea ama nya-- "
" Oh eh sino yung lalaking nag-aalaga daw sa anak ko dito? Manliligaw mo? kaya nagpapalakas sa anak ko? "
Napatahimik ako. Sino nga ba yun? Si Andy kaya?
" si ano lang yun. "
" Sino? "
" Kuya mo. Dinadalaw nya lang si Andrea nung wala ko. "
Nakatitig lang sya sakin. Di Nagsasalita.
Maya-Maya din nauna maglakad sakin." Huli nya na yon. Di ko na sya hahayaang makalapit pa sainyo. "
BINABASA MO ANG
My Possesive Ex - Husband
RomanceGinto ang Lupang Tinatapakan mo, Habang ako Buhangin lang. Nababagay ba tayo sa Isat-Isa kung halos buong Mundo satin ay Humahadlang? Tadhana paba ang aasahan? O tayo na Mismo ang dapat gumawa ng Paraan? Ako si Mariyah Leen Gomez , At eto ang Kwento...