CHAPTER17

896 30 1
                                    


ANDREI's POV ..



I Immediately went upstairs after saying those words to my Wife. Words that I know will hurt her feelings too. and I really meant that. I want her to experience being hurt As what is happening to me now.



Humiga ko sa kama at Tumitig sa Kisame. Iniisip ang Nakita kong Lungkot sa mata nya Kanina.


Is that Possible?



Muli kong naalala ang mga sinabi ng Kapatid ko kanina.
Tss. Malabo. Namalikmata lang siguro ako.



I tried to sleep. I closed my eyes but I could'nt get out of my mind what I heard from my brother and I saw sadness in my wife earlier. Parehong Nagtatalo sa Isip ko. Hindi ko na talaga alam kung sino ang dapat ko pang Paniwalaan. Hays.




Kinuha ko ang Cellphone ko sa Bulsa ko at nagbasa-Basa nalang sa Social media para makalimutan ang tungkol sa nangyari kanina.
May mga mensahe sakin galing sa Iba't Ibang sikat na Model dito sa bansa pero diko binabasa.



I will never be Interested in Them. Ever.



Hanggang sa Biglang nag Pop-Up ang Messenger ko.
( Crissa Del Rosario Sent you a Message )
Kumunot ang Noo ko chaka Binuksan ang mensahe nya sakin.



Crissa: Good Evening Handsome.🥰 Kamusta na ang Dream boy ko? I Miss you!



Mas lalong sumama ang mukha ko .. Si Crissa, Ang Babaeng Gustong-Gusto ni Mama noon para sakin. Isa din Sa Dahilan ng matinding pag-Aaway namin ng asawa ko.



Crissa: Seen?🥺



Me: What do you want?



Crissa: Naks. Di mo pala ko matitiis e. Wala naman , I Just saw you Online so I Immediately sent you a message. How's Life?




Di ko na sya nireplyan pa pagkabasa ko sa Huling Chat nya.
Wala naman kaming pag-Uusapan na Importante at isa pa, Hindi talaga ko Interesado sakanya noon pa man.




Crissa has been my friend since we were little. Our Parents Are Business Partners While Crissa and I were in the same class from elementary to college. Parehas kaming Nagunguna sa Klase taon-Taon, Minsan sya ang Top1 ako ang 2. Pero kadalasan, Ako ang 1 sya ang 2.
Dahil nga din sa Matagal na kaming magkakilala, Close na talaga kami sa Isa't Isa. Akala pa nga Ng iba May relasyon kaming dalawa. Na maging mga Magulang namin, Pabor sa HakaHaka na yun.





Di naman din Lingid sa Kaalaman ko na May Nararamdaman sakin si Crissa. Alam ko. Nagkukunwari lang akong walang Alam. Ayokong Syang masaktan dahil kahit papano Kaibigan ko sya at Kababata pa. Halos Iniwasan ko din ang mga Babae noon para sakanya pero nang Makilala ko si Iya,
Di ko na napigilan ang Sarili kong Mahumaling sakanya at Dun na nagsimula ang Lahat ..





Nung malaman nilang kami na Ni Iya, Nag-Iba ang pakikitungo sakin ni Crissa.Halos araw-Araw para nya kong Nililigawan .. Laging may dala na kung ano-Ano, Kahit kasama kopa si Iya Wala syang Pakielam pero di ko pa din sya pinapansin. Nakay Iya lang lahat ng Atensyon ko nun hanggang sa Maging mag-Asawa na kami, Mas lalong Lumalala ang Ginagawa ni Crissa sakin.
Diko din inaasahan na pati si Mama sasali na Sa Gulong nangyayari samin.
Lagi nya kong Kinakausap sa Harap ni Iya at sinasabi na Gusto nya si Crissa Maging Manugang, Napakatalentado ni Criss, Maganda at Kung ano ano pa.
Nasisigawan kona si Mama pag ginagawa nya yun sa harap ni Iya. Tinatanong ko si Iya sa nararamdaman nya pero sinasabi nya, okay lang. Naiintindihan nya ..
Akala ko Okay talaga pero di naman pala.




Isang Gabi, Nang Magkayayaan kaming Magkakatrabaho para mag-Inuman. Celebration sa Pagtaas ng sales namin ng Bwan na yon. Isa Sa dahilan, Si Crissa. Sya ang Brand Ambassador ng Produktong Binebenta namin.
Ayoko sanang Sumama pero di pwede, Ako ang Ceo . Kailangan ang Presensya ko dun. Lowbat ang Cellphone ko nun kaya Nakitext ako nun kay Crissa. Wala rin kasing Load yung iba kaya No choice, Sakanya lang ako nakahingi ng Pabor. Sabi nya pa sakin, Nagreply si Iya. Okay daw na mag-Inom ako kaya napanatag ako nun.
Nakakailang Inom pa lang ako nang maramdaman ko na ang Hilo, Siguro dahil di na sanay uminom o naninibago sa Ininom namin ..





Kasama ko nun ang Sekretarya kong Lalaki, sabi ko nun sakanya Ihatid ako sa bahay At wag akong Iwan. Okay daw.
Hanggang sa Magising ako Kinabukasan, Nasa Kwarto na ko ng bahay namin ni Iya.
Dumating si Mama, Wala si Iya namalengke kaya ako ang tumayo kahit na masakit pa ang Ulo ko.
at dun na nagsimulang Masira ang tiwala ko sa Asawa ko.
Pinakita sakin ni mama ang mga litrato ni Iya at Andy na magkayakap, at meron pa na animoy naghahalikan silang dalawa.





Pakiramdam ko Gumuho ang Mundo ko. Ang Kapatid ko at asawang mahal na mahal ko, Niloloko lang pala ako.
Sa Sobrang Galit ko, Muli akong Nagpakalasing. Umalis ako sa bahay at Di na nagsabi kung asan ako.
Umuuwi ako pag Lasing na Lasing na Chaka Natutulog. Ganun ang naging gawain ko araw-Araw hanggang sa nalaman ko na umalis si Iya, umuwi sakanila. Mas lalong Sumama ang Loob ko--




Biglang nag-Vibrate ang cellphone ko kaya nabalik ako sa Wisyo. May mensahe mula sa Gmail ko.
Agad ko yung Binuksan dahil ayun ang kanina kopang Inaabangan--





ANDREI NICOLAS SANTIAGO&ANDREA NICOLE GOMEZ:
0.0% NEGATIVE.





Nanlumo ako Bigla. Napangisi ng mapakla.



She's not really my daughter ..

My Possesive Ex - Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon