CHAPTER3

1.1K 29 1
                                    

PRESENT TIME...



" Oh ang aga nyo naman umuwi nak? " Bungad mama pagpasok sa pinto.


" Si mom po kasi la , nagmamadaling umuwi. Ang saya pa naman po sa Birthday ni andrew La. Ang yaman po nila. " Sagot ni Andrea nang makalapit sa lola nya.

Masaya namang pinapakinggan sya ng ina ko.
Baby palang si andrea noon, Si mama na ang karamay ko. Nahihiya nga ako noon dahil may anak nako pero sakanya padin ako umaasa.
Okay lang naman daw kay mama dahil naiintindihan nya ang sinapit ko.


Kung alam ko lang na magiging ganon pala ang kapalaran ko, Di ko na sana sinunod ang puso ko noon. Sana iniwasan ko nalang sya. dipa umabot sa Ganito.
Sa ganitong Sitwasyon na walang Ama ang anak ko. Maging sa school nila, Yun ang tukso sakanya.
Na baka ampon lang kasi walang tatay.
Naaawa ko sa anak ko kaso wala akong magawa.
Kanina nga, Ni di man lang sya kinilala ng ama nya.
Hinusgahan agad kami ng sariling dugo't laman nya.


" Lola. si mommy, Hinila po ng papa ni Andrew." Nabalik ako sa wisyo nang banggitin ni Andrea yon.


Tumingin ng may kahulugan si mama sakin.
Alam kona ang iniisip nya, Kung bakit at sino yon?
kaya ngumiti ako at nagsalita.


" K-Kakilala ko pala kasi ang ama nung Andrew na yun ma. K-Kaklase ko dati. "


" ah . Anong pangalan ng ama ni Adrew apo? " Baling nya kay Andrea.


Napakalakas ng Pakiramdam ng mama ko. Mukhang nararamdaman nya ang pagkatamlay ko.


" A-Austin ma " Magsasalita na sana si Andrea pero inunahan kona sya.


" mommy hindi? Sabi po niya sa stage kanina, Andrei po. " Kunot noong sagot ng anak ko.
" Ano nga ba yun ? Andrei Santiago? Andrei Nico? Basta ganun po lola. "


Napakadaldal mo talaga nak.


" Andrei Nicolas Santiago ba apo? " saad ni mama habang nasakin ang paningin.


" hala ayun nga po lola! ang galing mo naman po! "

Napayuko ako matapos nun para maiwasan ang tingin ni mama sakin.

" Pasok kana sa kwarto nyo. mag-Usap lang kami ng mama mo ha? "

Diko na narinig pa sumagot si andrea. siguro ay tumango lang sya at rumekta sa kwarto---

" Mariyah Leen. " diin na tawag ni mama sakin.


inangat ko ang paningin ko, Seryoso ang mukha ni mama. di mo makitaan ng kahit anong emosyon.


" Siya ba? " ulit nya kaya tumango ako.
" Dyos ko naman anak. " Sinapo ni mama ang noo niya.


" H-Hindi ko naman alam ma. Sorry po. " wika ko habang may mga namumuo nang luha sa mata ko.


" Hindi ako galit nak. Nag-Alala lang ako. N-Nakilala nya ba ang anak nyo? "

Ngumisi ako chaka inayos ang mukha ko.


" Opo. "


" Eh kung Ganoon, alam nya na? "


"Hindi ma. " saad ko na ikinakunot noo ni mama.
" Akala nya anak namin ni Andy. Ng kuya niya. "


" Hay nako. "



" Sige na ma. Ayoko na sya pag-Usapan pa. tulog napo ako, Bukas nalang-- "


" nagpunta si Andy dito. Kulang daw sila ng empleyado baka daw gusto mo? sabi ko kayo na mag-Usap. bukas babalik yun. Sige na pahinga kana .. Muka kang wala nang lakas pag-Uwi nyo e. "

Mula nang itakwil ako ng asawa ko, Si Andy ang palaging sumusulpot pag kailangan ko ng tulong.
Lagi ko sya noon tinataboy pero makulit talaga.
Isang beses pa noon, Nawala ako sa sarili. binalak ko ipalaglag si Andrea pero biglang Sumulpot si Andy at pinigilan ako.
Lahat ng Pinupuntahan ko na pwedeng palaglagan ng bata, Lagi syang nasulpot.
Kahit papano daw ay pamangkon nya yon kaya ganon sya nag-Aalala ng sobra.


Hanggang ngayon, Patuloy parin sya sa paglapit sakin. Hinayaan ko nalang. Wala namang ginagawang masama ang tao. Close na close din sya kay Andrea. Para silang magtatay sa closeness nila.
Minsan naiisip ko na sana sya na nga lang talaga.


" Salamat po. " Nakangiting sagot ko kay mama.

Agad kong Binagsak ang katawan ko sa Higaan. Inisip ang mga nangyari kanina.


" You think I'll let you be happy with that man? Never Iya. Since the day you let me enter and touch your body, You are mine. I'll find you wherever you hide Baby. "

Paulit-Ulit na pumapasok sa isip ko.


Ibig sabihin ba non, M-Mahal nya pa ako?

Parang may namuong pag-Asa sa Puso ko
Hanggang ngayon diko maitatanggi na mahal ko padin ang lalaking yun kahit na ganun--

" hindi Iya. Galit lang talaga yun.Gusto lang nun maghiganti. Tama na pagpapakatanga sa pag-Ibig. " Saad ko sa sarili ko.

Kakaisip sa lalaking yun at sa sinabi nya, Diko namalayan nakatulog na pala ako.

---

" Wala ka talagang kadala-Dala. Inuto mo nanaman ang Anak ko. in Exchange, I will get my grand daughter Iya. Give her to me. " Utos ni Donya sakin habang nasa likod ko si Iya.


" Hindi Donya! Tama na yung ako ang tinatapaktapakan nyo , wag nyo na idamay pa ang anak ko! Ayokong maranasan nya ang naranasan ko sa bahay nyo-- "


" She had the blood of Santiago, Why will I do it to her? We will treat her there as a Princess. So give her to me. Magiging maganda ang buhay nya sa mansyon, Di tulad dito. na parang tirahan ng aso. naatim mong patirahin ang apo ko dito? wala ka talagang silbi. Nasayo naman na si Andrei eh, kaya magpalit tayo
.Ibigay mo ang Apo ko." aniya na akmang lalapit sakin pero naglabas ako ng kusilyo. Nakita ko ang gulat sa mukha nya.

" Mas maigi pang mamatay nalang kami ng magkasama kesa mapunta sa masamang pamilya nyo" Banta ko pero ngumis lang and donya.

" You really want to die? I'll grant your wish ija. " Saad niya chaka nilabas ang baril sa likuran niya at walang Alinlangang pinutok sakin.

agad nyang hinila si Andrea palayo sakin.

" mommy " Iyak ni Andrea habang hilahila sya ng Donya. huminto sila saglit chaka tumingin sa akin

" take a rest Mariyah and Say goodbye to your daughter. You will never see her again. "


"Hindiiiiiiiiiiiiiii! "Sigaw ko pagkamulat ko.


Napahawak ako sa Mukha ko. Pawis na Pawis ako. Binangungot pala ako. Akala ko ay totoo. Nakakatakot . Nakaktrauma ang Mga Santiago.



Pahiwatig ba to? Na di talaga ko dapat umasa na magkakaayos pa kami ng Ama nya?


Napatingin ako sa anak ko. Payapa syang natutulog kaya napangiti ako.


Hinding-Hindi ko hahayaan na malayo ka sakin anak.. kahit kapalit pa nun ay ang kasayahan na mararamdaman ng damdamin ko. Ako ang magiging Ama at Ina para sayo.
Ako lang.

My Possesive Ex - Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon