Nagising ako kinabukasan dahil sa Sinag ng araw na tumama sa mga mata ko.
Tumingin ako sa Paligid, Wala kong Kasama at Tanging Kumot lang ang nakatakip sa Hubo't Hubad na katawan ko.
Sumulyap din ako sa Orasan. 9am na pala. Siguro pumasok na sa Trabaho si Andrei ..Naalala ko bigla ang nangyari samin kagabi. Napangiti ako.Wala kong nararamdaman na pagsisisi.
Pag-Uwi nya kaya mamaya Lalambingin nya ko ulit? Magiging Okay naba kami?
Tumayo ko sa Higaan at Dumiretso sa Banyo.
Pagtapos kong Maligo, Inayos ko ang Kwarto maging ang sofa na nagulo namin sa Sala.
Gusto ko pag-Uwi nya, Wala syang Masabi. Malinis ang Bahay nya ..
Nagluto nadin ako ng Pagkain namin para mamayang Gabi.Alas Otso nang matapos ako sa Gawaing Bahay at Pagluluto, Sa Laki ba namn ng bahay nya na to malamang matatagalan talaga ko sa Paglilinis.
Nilibot ko ang mata ko, Siniguradong ni isang Alikabok Wala nakong makikita." Perfect. " Nakangiting wika ko.
Papanhik na sana ko sa taas nang magbukas ang Pinto, Si Andrei .. Nginitian ko sya ng abot langit .. Alam kong Matutuwa sya pagsisipag na Ginawa ko sa Bahay nya.
" Good Eveni-- "
" What the hell?? " bungad nya kaya Napatigil ako.
" B-Bakit? " utal na tanong ko. natatakot sa madilim na awrang pinapakita nya sakin.
Nilibot ko ang Paningin ko, Wala naman nang Kalat kahit saan.
" B-Bakit Andrei? " Muling pagtatanong ko.
" Are you the one who cleaned all of this? " aniya kaya Tumango ako.
" Why did you do That?! " Pasigaw na dugtong nya kaya napapitlag ako.Papalapit sya sakin, Paatras naman ako ng Paatras.
Masama parin ang tingin niya sakin." Did I order you to do this?? "
" H-Hindi--- "
" Oh e bat mo ginawa?! "
Napapikit ako sa Muling pagsigaw nya sakin.
Pakiramdam ko Grabe ang Galit nya sakin.Mali ba ang nagawa ko? Hindi ba maayos ang paglilinis ko? Bakit kailangan nya pa kong Sigawan? Akala ko matutuwa sya lalo sakin.
" Iya! " Muling sigaw nya dahilan para mapamulat ako. Di ko na napigilan pang Tumulo ang mga Luha ko.
Biglang nawala ang Galit sa Mukha nya nang makita kong naiyak na. Lalo syang Lumapit sakin at Pinunasan ang mga Luha ko gamit ang Hinlalaki nya.
" S-Sorry-- "
" L-Lagi ka nalang nagagalit sakin. K-Kahit gumawa ko ng tama, G-Galit ka pa din. "
Pagkatapos kong sabihin yon, Niyakap nya ko ng Mahigpit.
" S-Sorry. " Tanging narinig ko sakanya .
Bumitaw ako sa yakap, at Ngumiti sakanya.
Atleast kahit papano, nag-aalala padin sya sakin.
" Kain na tayo ? Nagluto ako para satin-- " "
" Kumain nako kanina. Aakyat nako. matulog kana. " Malamig na saad nya sakin.
Di nako Sumagot. Yumuko nalang ako at Tatalikuran na sana sya nang Muli syang Magsalita.
" Iya. "
" Bakit? "
" About Last night... " Paputol na saad nya. Nagpapakaba sakin.
" Forget all of it. I-Im Just Drunk. "Ilang segundong nanahimik kaming dalawa.. Mayamaya din ako na ang Nagkusa.
" A-Ayun ba? H-Hehe O-okay Sige. W-Wala yun sakin. " Pilit ngiting sagot ko kahit sa Loob ko napakahirap sabihin non.
" Good Then. " aniya Chaka Tuluyan nang Pumanhik paitaas.
( ABOUT LAST NIGHT.. FORGET ALL OF IT. IM JUST DRUNK. )
Napangisi ako nang mapakla nang Muling pumasok yun sa Isip ko chaka napailing-Iling.
Bat pa nga Ba ko Umaasa ? Bat ba hanggang ngayon Mahal padin Kita?
BINABASA MO ANG
My Possesive Ex - Husband
RomanceGinto ang Lupang Tinatapakan mo, Habang ako Buhangin lang. Nababagay ba tayo sa Isat-Isa kung halos buong Mundo satin ay Humahadlang? Tadhana paba ang aasahan? O tayo na Mismo ang dapat gumawa ng Paraan? Ako si Mariyah Leen Gomez , At eto ang Kwento...