CHAPTER 55

1.5K 59 8
                                    

Chapter Fifty-Five ;)

  Belated happy heart's day❤️

*ZAPHIRE POV*



    Naaalimpungatan na umupo ako mula sa pagkakahiga. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng gamot. Ospital! Kompermado iyon.

   Hospital gown na ang suot ko hindi na wedding dress. I look at my ring finger, walang singsing na nakasuot doon. Hindi natuloy ang kasal! Someone wants to kill Cloud! The loud bang! The gun! Cloud!

  "Si Cloud!" mahinang usal ko.

   Inilibot ko ang paningin ko sa silid, mom is sitting alone at the sofa.  She looks worried, hilam ang mata nito ng luha. Halatang galing lang sa pag-iyak.

   "Mommy! Nasaan po si Cloud?" nag-aalalang tanong ko.

   "Oh god!" Bulalas ni mama. Nagmamadaling lumapit ito saakin, may pinindot ito sa lamesa na nasa gilid ng  hinihigaan kong kama. "My daughter is awake!" sabi nito. "Are you okay? How are you feeling? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Tell me, wait. Ahmm... No... No.. lay down. Kailangan mong magpahinga." pigil ni mommy saakin ng akmang babangon ako.

  "Si- si Cloud mom?"

   "Anak,  mahiga ka muna—"

   "Mom, nasaan po si Cloud. Please tell me his okay."

   Hindi ito sumagot dahilan para lalo akong kabahan. 

   "Okay lang naman po siya diba? Nasaan siya? Mom, please gusto ko siyang makita. Dalhin niyo ako sa kanya." Pakiusap ko.

  "Anak. Lay down. You have to rest. Paparating na ang doctor, commom tell mommy kung ano ang masakit sayo? May nararamdaman ka ba?"

   "I-im... Im fine mom. I need to.... I need to si Cloud."

  
   Bago pa ito makapagsalita ay bumukas na ang pinto, iniluwa nito ang babaeng nakasuot ng puting gown— doctor.

  "Doc, where is Cloud? Is he okay? Can i visit him?"

   Ang doctor na ang tinanong ko dahil hindi naman ako sinasagot ni mommy.

  Sinulyapan ng doctor si mom bago ito naglakad palapit saakin. "His—"

  "Doc!" Mabilis na pigil ni mom dito.

  "What's wrong?" asik ko.

   Napabuntong hininga ang doctor bago ako nito sinuri. "You're okay now. Masyado ka lang nabigla. I recommended  a proper rest, eat healthy foods, and stress free. Wag kang masyadong mag-iisip, makakasama yan saiyo at sa baby mo."

  "Wait! What? A Baby?"

Tela nabingi ako sa narinig ko. Ako buntis? No!

  "Yes. You are nine weeks pregnant. Kaya kailangan doble ingat ka iha." Nakangiting sagot nito.

   Buntis ako? Masuyo kong hinaplos ang tiyan ko. May nabuo sa isang beses na nangyari saamin ni Cloud.

  "Naibigay ko na din ang mga kailangan mong vitamins sa guardian mo. Wag kang mag-alala, masustansiya si baby at malakas ang kapit niya. You can go home now." sabi nito bago humarap kay mommy. "I'll take my leave madaam." Paalam ng doctor sa parents ko.

  "Wait doc. S-si C-Cloud?"

   "I'm an obstetrician gynecologists, an OB-GYN. I don't know the situation of your fiancee. Excuse me." sagot nito bago lumabas ng silid.

  Bakit pakiramdam ko iniiwasan nilang sagutin ang tanong ko? Bakit? Wala naman nangyaring masama diba? Bakit ayaw nilang sabihin kung nasaan si Cloud?

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon