CHAPTERS 7

4.5K 125 1
                                    

Chapter Seven :')

*TRISHANITY POV*


DALAWANG LINGO  na simula ng matangap ko sulat na iyon. Halos araw-araw na rin akong nakakatanggap ng magkatulad na sulat. Pareho iyon galing sa nagngangalang 'C.K.'

  Pero ang pinagtataka ko, noong una palagi niyang ipinapadala ay mga bulaklak o chocolate. Pero ngayon palagi ng box na may laman ng sulat. Weird!

  Gusto kong malaman kung bakit niya ito ginagawa. Kung totoo ba na kilala niya ang aking totoong mga magulang. Kung bakit ngayon lang niya ito ginagawa , i mean dalawapu't-dalawang taon na pero bakit ngayon niya lang sinasabi saakin ito. May mali! Pansin ko iyon. May kailangan siya, sigurado ako doon.

  Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko . Tumingin ako sa labas ng bintana. Lunan ako ng bus patungo sa lugar na makakasagot sa aking mga katanungan.  Hindi ako sigurado, ngunit posibleng may alam ang mga taong nag-ampon at nagpalaki saakin. Kahit kunting impormasyon man lang, alam kong may maitutulong iyon.

Sabi nila, kung naguguluhan ka sa isang bagay. Kung gusto mong malaman ang kasagutan sa mga tanung na nagpapagulo sayo. Kung gusto mo na sumaya. Kung gusto mong matahimik ang iyong kalooban. Bumalik ka. Balikan mo ang nakaraan. Ang lugar, ang taong dati mong nakasama, dahil nasa kanila ang kasagutan kung paano ka magiging malaya. Sana nga! Sana nga pagkatapos kung bumalik ay dalhin ako nito sa tamang landas ng kinabukasan.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Nervous? Excitement? Afraid? Nervous? Sa kung ano man ang kakahantungan nito. Kung ano ang resulta ng pagbalik ko. Excitement? Siguro, nagagalak ulit ako na makita sina mama at papa. Namimiss ko na sila. Afraid? Natatakot akong baka ipagtabuyan ulit nila ako. Natatakot ako sa kung ano ang sasabihin nila.




***


LUMANGHAP ako ng sariwang hangin pagkababa ko ng bus. Ang sarap ng hangin sa probinsiya. Napakasariwa!

   Pansin ko na medyo malaki na ang pagkakaiba ng lugar na ito. Medyo marami na ang mga sementadong bahay na kung dati ay kubo lamang at yari sa kawayan. Marami na din ibang gusali.  Maliliit na super market, karenderya, court.

Tumawid ako ng kalye.

"Tao po! Tao po!" Kumatok ako sa gate ng bahay. Ang dati kong tirahan. Ang bahay na kung saan ako lumaki.

I smile bitterly ng maalala ko ang sinabi ni Zhyne bago ako umalis. Sa kanya ko iniwan ang magkambal ko kanina. "If something go wrong, just call me. Pupuntahan kita agad or what if sumama na lang kaya ako? Hays oo nga pala hindi pwede. I have to manage the restaurant today, and the kids. Pero bhesh hah I'm always one call away. I know what happened the last time na umuwi ka. Take care yourself and let the god take care of everything."
 

Haysss. Always the best of best friend.

"Tao po! Tao po!" Sigaw ko ulit. Muli kong kinatok ang nakasaradong gate.

Mula sa aking kinatatayuan, nakikita ko ang bakuran ng bahay. Medyo marami na ang tuyong dahon sa paligid, may kataasan na din ang mga damo.

"Mama! Papa! Tao po!"muli kung pagtawag.

Napakunot-nuo ako pagkalipas ng ilang minuto. Wala pa rin tao na lumalabas. Naghintay pa ako ng sandali.

"Ayy 'iha, diyaan ka ba kina Mariel at Alberto pupunta?" Tumingin ako sa ginang na lumabas ng gate katabi ng bahay namin.

"Ahm magandang umaga po. Oho dyan po ako papunta. Nandyan po ba sila? Kanina pa kasi ako kumakatok eh."sagot ko sa knya.

Medyo may edad na ang ginang na sa tingin ko ay nasa forty o thirties na ang edad. Ngunit bakas parin ang kagandahang taglay nito.

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon