CHAPTER 30

2.3K 66 12
                                    

Chapter Thirty :)

    *Trishanity's / Zaphire POV*

      SIMULA NG MAGKAUSAP kami ni Cloud sa Seville, dalawang lingo na ang nakakaraan, hanggang sa makauwi kami dito sa Pilipinas ay hindi ko na siya iniwasan. He's always with my family. Kahit minsan ay busy ito sa negosyo hindi niya pa rin nakakalimutan ang kumustahin ako at ang mga bata.

      "Aika, okay na ba 'yong order ng table 16?" Lumapit ako sa counter para macheck kung may mga kailangan pa. Yes, bumalik na ako sa pagtatrabaho dito sa restaurant ni Zhyne na ngayon ay pagmamay-ari ko na daw. Oo sa akin! Dahil hindi na daw maasikaso pa ito ni Zhyne. She's busy in our family business not just in the Philippines but all over the world. She was helping dad, total siya din naman ang magtuturn over ng lahat ng negosyo ng pamilya namin.

    "Yes boss," sagot ni Aika.

    "Okay."

  "Momma!"

  "Mommy!"

   Nakangiting tumingin ako sa pintuan ng restaurant. I'm not surprised when i saw my two little kids walking towards me. Napansin ko kasi ang sasakyan na Mercedes Benz ni Cloud na pumarada kanina. Kaya alam kong nandito na sila. 

    "Hey babies. How's school?" I open my arms to hug them. And give them a soft peck kiss.

   "I have Five stars." pinakita ni Hyacinth ang kamay nito na may Five stars. Ganun din ang ginawa  ni Kyler.

  "Me too momma,"

   "Ang gagaling naman ng mga anak ko." Umayos ako ng tayo saka hinawakan sila sa kamay. "Common let's eat. I prepared your favorite food."

   "Yehey!"

  Akmang bubuksan ko na ang pinto ng private office ko ng marinig ko si Cloud.

  "Baby,can i join?" His wearing white Gucci Sleeve and black Armani pants. Halatang galing sa trabaho ang binata.

   Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino kinakausap mo?"

   "Ikaw " nakangiting sagot nito.

  Inirapan ko siya. Tsk! "Join us. Pasalamat ka ikaw ang nagsundo sa mga anak ko."

  His smile widen. "Thank you baby!"

   "Isa pang baby mo Cloud. Papaalisin kita dito sa opisina ko!"

  Tinawanan niya lang ako saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng office ko. Naupo ito sa sofa katabi ng mga bata. Tingnan mo nga naman ang kakapalan ng mukha ng shokoy!

  "Boss ito na po yong pinahanda niyong pagkain niyo," ani ni Mae na may dala-dalang tray.  May kasama itong dalawa pang waiter na may dala din pagkain.

  "Thanks Mae." tinulungan ko siyang ibaba ang mga pagkain namin.  "Hoy Shokoy, pakiayos nga ng mesa na yon." itinuro ko kay Cloud ang lamesa na gagamitin namin.

  "Yes baby!" Sagot nito na sumaludo pa.

  Napailing na lang ako. Maayos naman ang mesa na yon pero inaasar ko lang talaga siya.

   "Mae, yung soup?" tanong ko kay Mae bago lumabas ng office.

  "Isusunod ko na lang po boss."

   "Sige salamat. Kumain na din kayo wag kayong magpapalipas ng gutom."

  "Yes boss. " sagot nito bago isinara ang pinto.

   "what's our food momma?" tanong ni kyler bago lumapit. Nakasunod sa kanya ang kakambal nito na si Hyacinth.

   "I'm hungry." segunda ni Cloud.

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon