CHAPTER 3

5.1K 140 0
                                    

HINATID KO muna sa school ang kambal ko bago ako pumasok sa trabaho. Hindi naman ako nahihirapan dahil malapit lang ang school nila sa restaurant nina Zhyne. Pareho silang kindergarten. Pagtanghali naman sinusundo ko na sila sa school, sabay-sabay kaming kumakain ng lunch pagkatapos ihahatid ko na sila kay Nanay Maya para maalagaan sila.

Gusto ni Zhyne na isama ko na lang sila sa restaurant pero hindi ako pumayag, baka kasi maka-istorbo sila. Maayos na rin yung nadoon sila kay Nanay Maya para makapagpahinga rin sila at makatulog pagtanghali.

"Good morning manager!,"

"Good morning ma'am Trish!" Bati sa akin ng mga staff ng restaurant.

"Good morning din. Saka ilang beses ko ba sasabihin na wag niyo ako tawagin na ma'am. Trisha is enough for me,"

"Eh kasi naman ma'am Trish kadapat-dapat ka naman po talaga tawagin na ma'am kasi isa kang huwaran na second boss sa amin," sagot ni Aika 'isa sa mga kaclose kung staff.

"Ano ba kayo. I'm just doing my job."

"Yun na nga po ma'am pero ang buti niyo po kasi," sagot naman ni Mae.

" Eh ma'am Trish di niyo po ba kasama sina kambal?" tanong ni Aika.

Lahat ng staff dito sa ZhyBier Cuisine (pangalan ng restaurant 'Zhyne Bieber = ZhyBier Cuisine') , ay close sa kambal ko. Nako'cutan daw kasi sila sa kabibohan ng mga ito.

"Hindi eh, weekend ngayon Aika may pasok sila."

"Eh sa sabado o lingo ba ma'am ,isasama mo sila?"

"Hindi ko pa sigurado but i'll try. Sasabihin ko na lang sa kanila na miss niyo na sila."

"Talaga ba ma'am? Sige asahan namin yan ma'am hah. Kung binata lang si Kyler ay naku jojowain ko talaga yun ma'am ! Gwapo na, matalino pa,"

Napailing na lang ako sa kakulitan ni Aika. Sa lahat ng staff siya ang pinakamadaldal.

"Ayy naku Aika! Tumigil ka nga di ka ba nahihiya kay ma'am Trish,"saad naman ni Mae. "Pero kung ako din talaga ma'am di ko lang siya jojowain, aasawahin ko pa." Isa din tuh eh.^__^

"Kayo talagang dalawa. Ohh siya tama na ang tsismisan, back to work dumadami na din ang costumer."

Agad naman kumilos ang mga ito. Dumiritso ako sa locker ko para makapagpalit ng uniform.

Minsan lang pumunta si Zhyne sa restaurant. Madalas nasa opisina siya ng ama dahil tinuturuan na ito kung paano mamahala ng kanilang business. Kaya ako ngayon ang pinagkakatiwalaan na mamahala ng restaurant.




Dahil sa dami ng costumer hindi ko napansin na tanghali na pala. 'naku! Ang mga bata!'

Kukunin ko na sana ang shoulder bag ko na marinig ko ang boses nina kambal.

"Mimi/ mommy!"

"Babies!" tumakbo sila papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit sabay halik sa magkabila kong pisngi.

"We miss you mommy"

" I miss you too babies. How's the school?"

"It's good mom. Look i have five star here and three star here. Teacher Aya say I'm very good," sagot ni Kyler at ipinakita ang dalawang kamay nito na may mga tatak na star.

"Me too mimi. Look i have many many many stars! I answered all the questions that teacher Aya asked. She said im very good too," pinakita rin ni Hyacinth ang dalawang kamay nito na may mga star din.

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon