CHAPTER 36

2.1K 76 28
                                    

  Chapter Thirty-six :)


 


    *Trishanity's / Zaphire POV*

          MINSAN, KAHIT alam naman natin na mali, gagawin pa rin natin. Kahit alam natin na ikakapahamak natin, susuong ka pa rin. Lahat gagawin mo matulungan mo lang ang isa sa mga taong mahal mo. Kahit na minsan, nakakalimutan na natin ang sarili nating kaligtasan.

    Inosente ang mundo pero hindi ang mga tao. Ang mundong tahimik na ngayon ay ginulo. Humans and theirs cruelty! Hindi mo masasabi ang itinatakbo ng utak nila. May mga taong totoo kahit nakatalikod ka, ngunit may mga tao din na mabait lang kapag kaharap ka. Sadyang may mga tao talagang likas na ipinapakita ang totoong sila. Masama man sa paningin o hindi.

   Napabuntong hininga ako habang  binabagtas ang daan patungo sa lugar na sinabi ni Cameron. Quarter to nine na ng umalis ako sa bahay. Sinabi ko lang kina mommy na my kailangan lang akong bilihin. Alam kong nagtataka sila dahil simula ng nakausap si Cam ay balisa na ako. Kung pansin man nila yon o hindi wala na akong pakialam. Siniguro ko munang nakatulog na ang kambal bago ako umalis.

     Ewan pero kinakabahan ako sa ginagawa kong ito. I am doing right? Pero kapag hindi ako pumunta baka mapahamak si Cam. I promise to her that i will help her, no matter what. Even Zachary, he promised too. Pero hindi ko alam kung nasaan ngayon ang binata. Kung alam niya ba ang nangyayari kay Cameron.

   Kinabig ko ang manubela sa bandang kaliwa, iyon kasi ang nasa GPS. Mabuti na lang hindi matraffic. Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko, mga 10 minutes na lang bago ko marating ang lugar. Sabi ni Cameron wag daw ako magtitext o tumawag sa kanya, hintayin ko na lang daw ang tawag niya. Gusto kong maalis ang kaba sa dibdib ko, gusto kong isipin na magiging maayos lang ang lahat. Na magiging ligtas kami pareho.

      Tumunog ang message alert ko kaya binagalan ko myna ang pagpapatakbo ng kotse, kinuha ko ang cellphone sa dashboard saka binasa ang text.

    From: Cam

      Turn left. Meet me at the next building. The tallest one. Take care ate:)

Huh? Turn left? Eh ang sabi sa GPS turn right saka sa next next building pa ang location. Bakit nag-iba ng place ngayon? May nangyari ba?

   Isang text ulit ang nag pop sa cellphone ko.

     From: Cam

       That's the exact place ate.

   I tap the reply button. 'okay, I'll be there Cam:)'

   Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko kinabig ulit ang manubela pa kaliwa. Next building? Yumukod ako para masilip ko ang building na sinasabi ni Cameron. And there, i saw the only tall building. Mataas iyon kompara sa mga katabi nito.

      Pinagmasdan ko muna ang gusali  bago ako lumabas ng kotse. Medyo madilim ang paligid at walang tao na makikita. Creepy! Hindi ba talaga matao ang lugar na ito? Duh? Hindi dadalhin ng mga Ferreira ang hostage nila sa mataong lugar Zaphire! Napailing na lang ako sa naisip ko. 'God please guide me' usal ko bago naglakad. Habang papalapit ako mas lalo akong kinakabahan. I can hear my own heartbeat. Subrang bilis, na para bang may humahabol sa akin.

   I close my eyes then sigh heavily, the same time i put my foot steps on entrance. I use my cellphone as a flashlight. Bakit ba naman kasi walang bukas na ilaw?

   "Cam...... Cam ...... Cameron....." tawag ko.

  I can hear footsteps! Nagpalinga- linga ako.

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon