'Chapter Fifteen :)'
As my gift today 'mothers day, i post 2 chapters :)😘
Happy reading :)*TRISHANITY POV*
"MOMMY , diba po Cloud is Ulap in tagalog?" Napakunot nuo ako sa tanong ni Kyler sa akin.
"Oo baby, bakit?"
Tumango-tango ito saka tumingin kay Cloud na nagmamaneho pa rin. Nasa byahe pa rin kami dahil medyo inabot kami ng traffic.
"Ibig sabihin po, siya si Tiyo Ulap sa tagalog?"
"Huh?" nagtatakang tumingin dito si Cloud.
"Your name is Cloud, and you are our new tito. It means if we translate it in tagalog, your name will be Tiyo Ulap, right Hyacinth," tumingin si Kyler kay Hyacinth. Tumango-tango naman ang kakambal nito bilang pagsang-ayon.
"See? We are right, right mommy?"
Hindi ko napigilan ang kanina ko pang pinipigilan na tawa. I laughed as i nodded my head.
"Y-Yeah."
Tuwang-tuwa na pumalakpak ang dalawang bata. Tiningnan ko si Cloud na ngayon ay nakakunot nuo pa rin. He has an irritated look but he's still handsome— Err! Stop praising him self!
"Stop staring. Mas nakakailang ang tingin mo kaysa sa tawag sa akin ng mga bata." Inirapan ko ito saka tumingin sa kalye. "Really? Tiyo Ulap? What's with your kids?"
Nagkibit balikat lang ako, habang pinipigilan pa rin ang matawa.
"Nothing special but we are amazing, like what i always heard from other people," kibit balikat na sagot ni Kyler sa tanong sa akin ni Cloud.
I heard Cloud sighed. "Yeah, you two are both amazing like your mommy. AMAZING!." sinulyapan ako nito na may matamis na ngiti.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nag-iinit ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko din ay may paro-parong nagliliparan sa loob ng aking tiyan. Ang dugo ko sa katawan ay nararamdaman kong umaakyat patungo sa aking mukha. Fudge! Umiwas ako ng tingin para hindi niya maramdaman ang pamumula ko.
"Are you blushing?" nakangising tanong ni Cloud sa akin.
"H-hindi ahhh," hindi ako tumingin sa kanya.
"Really? Eh bakit namumula ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin kahit namumula man ang pisngi ko. " I-I'm not blushing!"
Tumawa lang ito, habang ako ay hindi alam kung paano itatago ang pamumula ng pisngi ko. Nakakainis dahil gusto ko na pigilan ang pamumula ng mukha ko pero pakiramdam ko ay lumalala lang ito.
" Inaaway mo ba si Mommy, Tito Cloud" biglang tanong ni Kyler kay Cloud.
"No kiddo. I'm not," natatawang sagot ng binata.
Sinamaan ko siya ng tingin!
" Eh bakit namumula si mommy? You okay momma?" nag-aalalang tanong ni Hyacinth.
Saglit akong tumingin sa dalawang bata saka tumango. "Okay lang si momma babies,"
"Ehh your face is red po kaya momma," nakapuot na ngayon si Hyacinth. Habang ang mga kamay nito ay nakakrus sa harap ng dibdib.
"I-its n-nothing."
"And now your stammering momma," segunda ni Kyler. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa baba na para bang nag-iisip.
BINABASA MO ANG
Loving the Stanger (COMPLETED)
RomanceWARNING:||: R-18.|| Un-edited °||° not suitable for perfectionist :) Meet Trishanity Villaspin. A very simple woman. Simple lamang ang buhay niya hanggang sa mangyari ang isang gabing hindi inaasahan. Who said that alcohol is good and addictive...