Chapter six!!*Trishanity Point of View*
"Tito Iyotttttt!!!"
"OMG! Tito Iyot why are you so matagal po?"
"Hello kids, and may i correct it's Elliot not iyot!hmf."sambit ni Elliot sa magkambal ko.
"Eh, why are you so matagal nga po tito Iyot?"ani ni Hyacinth.
"May dinaanan lang si tito, princess." Ginulo nito ang buhok ni Hyacinth at kinarga niya habang nkahawak sa kanang-kamay nito si Kyler.
"Eh, ano po dinaanan niyo?"tanong ni Hyacinth.
Napabuntong hininga ang binata. Napakakulit talaga ng magkambal na ito.
"Ahh adults staff kiddo. Where's your mom?"
"Ayon po". Turo sakin ng dalawa.
Andito ako sa counter. Tinutulungan ko silang magserve andami kasi ng costumer ngayon.
"Hi." Bati nya sakin. Isang matamis na ngiti ang binungad niya saakin.
"Hello, kumusta?" Parang antagal namin hindi nagkita, samantalang palagi naman sya andito o kaya naman bumibisita siya sa bahay.
"I'm good. Still handsome. What about you?" Napataas kilay ako sa sinabi niya.
"Lakas ng hangin natin hah. At sinong nagsabing gwapo ka? Ah yung fiancee mo and mama mo? Hay nako Elliot ka! ang bigat ng upuan mo hah." Sabay ikot ng aking mata.
"Tse.. di ba pwedeng mag- agree ka na lang? Panira ka talaga eh nuh?" Ngumuso ito. Akala mo naman bagay sa kanya, mukha na siyang pato. Hahahaha!
"Hay naku ewan ko sayo. Doon ka muna, marami akong ginagawa dito oh." Pagtataboy ko sa kanya, pero di parin ito umalis.
Sinamaan ko siya ng tingin. Hay. Bahala nga siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging close parin kami. Pagkatapos ng Alumni home-coming nagpaalam na kami sa isa't isa. Kinabukasan nagulat na lang ako ng mapagbuksam ko sya ng pinto sa labas ng bahay namin. Simula noon palagi na sya bumibisita. Namimiss niya daw ang mga bata. Sus! Di na lang sabihin na wala lang sya magawa eh.
"Flower delivery to Ms. Villaspin," kunot-noo akong napatingin sa entrance ng restaurant. Ito yung LaLaking palaging nagdideliver ng bulaklak. Halos araw-araw pa nga.
"Ayeee! Boss may pa bulaklak ka na nman oh!", sinamaan ko ng tingin si Aika. Echus talaga nito! Kanino na naman kaya galing?
"Hay naku boss, sana araw-araw din may nagpapadala sa akin ng bulaklak" tsk, isa pa tuh si Mae. Kahit sayo na lang yan eh.
"Oo nga, haba ng hair mo boss!" Sibat pa ni Aika.
"Sino kaya nagpapadala ng mga bulaklak nuh? Ang swerte mo diyan sa admirer mo boss. Sweet kahit unknown identity," kinikilig na sabi ni Mae.
"Ms. Villaspin po?" Lumapit yung delivery boy sa counter.
" Kanino ba kasi galing itong mga bulaklak?" Binabalot na naman ako ng kuryusidad. Paano ba naman kasi, pagkatapos ng Alumni home-coming isang lingo na ang nakakaraan , araw-araw na akong nakakatangap ng bulaklak. Minsan chocolates ,at minsan may kasama pang love letters.
"Sa nagngangalan pong C.K. Sorry ma'am hindi ko po pwede sabihin baka ako naman po ang mawalan ng trabaho."
"Urgh! Okay!" Iniabot nito saakin ang resibo. pinirmahan ko lang iyon at umalis na sya.
Palaging ganun ang sinasabi nya. Palaging may nakasulat na ❤️C.K ang letter na kasama ng bulaklak o kaya chocolates. Noong una , sweet pa yung dating niya sakin. Pero habang tumatagal natatakot na ako. Kinakabahan. Creepy!! Nakakatakot magkaroon ng secret admirer na walang identity baka mamaya hidekiller pala yun. Ay ano ba yan! Over thinking na tuloy ako!
BINABASA MO ANG
Loving the Stanger (COMPLETED)
RomanceWARNING:||: R-18.|| Un-edited °||° not suitable for perfectionist :) Meet Trishanity Villaspin. A very simple woman. Simple lamang ang buhay niya hanggang sa mangyari ang isang gabing hindi inaasahan. Who said that alcohol is good and addictive...