CHAPTER 1
***
"NAY MAYA, andito na hu ako! Nay!" Sigaw ko habang kumakatok sa pintuan ni Nanay maya, siya ang may-ari ng paupahan na tinutuluyan ko.
"Ohh iha andyan ka na pala, pasensya na at natagalan ang pagbukas ko ng pinto. Oh siya sige pasok ka," niluwagan niya ang pinto upang makapasok ako.
"Okay lang po iyon nay, ako nga dapat ang magpasensiya dahil nagabihan ako pag-uwi naabala ko pa tuloy ang tulog niyo, ang dami hu kasing customer ngayon sa restaurant eh. Pasensya na talaga Nay Maya,"
"Hay nakung bata ka sanay na ako saiyo, napakasipag mo naman kasi."
"Ganun po talaga inay kailangan para sa mga bata. Ahmm, asan nga po pala sila?"
"Ayon sa kwarto nakatulog na kanina pa. Natutuwa ako dyan sa mga anak mo ang bibibo nakakapawala ng stress, halika puntahan natin."
Pumasok kami sa isang silid. Doon ko nakita ang mga anak kong mahimbing na natutulog. ' ang kambal ko'.
"Nay, salamat po uli. Iuwi ko na sila para makapagpahinga na din kayo,"
"Ihatid ko na kayo. Ako na magbubuhat kay Hyacinth para di na siya magising."
Binuhat niya ang anak kong si Hyacinth at maingat ko naman binuhat ang isa kong anak na si Kyler.
"Hintayin mo ako dyan Trishanity, may kukunin lang ako,"pumasok siya sa kuridor pagkalipas ng ilang segundo bumalik din at may hawak na silopin. "Oh ito ibinalot na kita ng pagkain, kainin mo mamaya hah. Oh halika na gumayak na tayo para makapagpahinga ka na din."
Hinatid kami ni Nanay Maya sa kabilang bahay na kanyang paupahan. Katabi lamang iyon ng kanyang bahay niya.
"Salamat 'hu inay, oo nga pala bukas po ay ako muna ang mag-aalaga kina Kyler at Hyacinth wala po kasi akong pasok bukas at di muna ako magraraket ng trabaho para makapag family bonding naman kaming mag-iina," saad ko ng nakarating na kami sa bahay.
"Ganun ba, sige mabuti yan iha. Alis na ako hah kumain ka muna bago matulog."
"Sige inay, salamat po ulit!"
Hinatid ko si Nanay Maya sa labas ng pintuan bago ako bumalik sa kwarto namin ng kambal ko.
Pagkatapos ng nangyari noon 'limang taon na ang nakakaraan', dito na ako tumira sa Manila. Tinulungan ako ni Zhyne na makahanap ng matutuluyan at doon namin nakita ang apartment ni Nanay Maya. Naging mabuti ito sa akin. Natapos ko ang Senior High School dahil isang buwan na lang din iyon pero hindi na ako nakapag college.
Akala ko noon, yun na ang pinakamasamang nangyari sa akin pero mali ako. Ng maipanganak ko ang kambal ko doon muli nabuo ang pangarap ko hindi para sakin kun'di para sa mga anak ko.
'akalain mo nga naman, ang isang gabi na pagkakamali ay siya pang nagbigay sa akin ng dalawang angel.'
Sa una ang hirap ng naging sitwasyon ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pangastos o kaya kung saan ko iiwan ang anak ko kapag papasok ako sa trabaho. Hanggang sa dumating si nanay Maya 'ang may ari ng paupahan na tinitirahan namin, dito na daw siya sa manila maninirahan' kaya simula noon iniiwan ko sa kanya ang mga anak sa tuwing papasok ako sa trabaho. Wala naman siyang reklamo dahil wala naman siyang anak at nagiging kasiyahan niya ang mga anak ko.
Sa tulong din ni Zhyne naitaguyod ko ang kambal kong anak. Sa araw nagtatrabaho ako sa restaurant nila bilang Manager at sa gabi ay sumaside line ako ng pwedeng pagrakitan.
BINABASA MO ANG
Loving the Stanger (COMPLETED)
RomansaWARNING:||: R-18.|| Un-edited °||° not suitable for perfectionist :) Meet Trishanity Villaspin. A very simple woman. Simple lamang ang buhay niya hanggang sa mangyari ang isang gabing hindi inaasahan. Who said that alcohol is good and addictive...