CHAPTER 5

4.7K 127 0
                                    

Chapter Five!

***

     Pinalibot ko ang tingin sa loob ng Grand Pavilion Hall  kung saan ginaganap ang Alumni home-coming party.

Maganda ang pagkakaayos ng party. Halatang pinaghandaan. Kahit na dito ako nagkapagtapos ng senior high, iilan lang ang kilala kong estudyante.

  Maraming tao ang nandoon. Lahat sila ay nakasuot ng maengranbong gown. May nakapaskil na matatamis na ngiti habang nakikipag-usao sa mga kaibigan na nag-iipon ipon.

  "Let's enjoy the party?" sambit sa akin ni Zhyne.

Tumango ako sa kanya at sabay kaming naglakad papunta sa bakanteng lamesa na naroon.

"Zhyne, is that you?" Sambit ng babae na lumapit kay Zhyne. Maganda siya, singkit ang mata, matangos ang ilong, at mapupula abg labi. Nakasuot ito ng fitted white long gown.

"Oh my Ghie! Claire is that you?"gulat na sambit ni Zhyne.

'ano daw si Claire, sinong Claire?'

"Yeah its me. God. Its been five years. Simula pagkagraduate hindi na tayo nagkita. Wow! It's nice to see you again." Nakatingin lang ako sa kanila habang nagyayakapan sila. Halata sa mga mukha nila ang kasiyahan, excitement at ang gulat.

"Oo nga, so your back i mean—, akala ko ba nasa States ka? Kailan ka umuwi?"ani ni Zhyne.

"Nang isang araw lang. Yung pinsan ko kasi ang kulit, hindi ako tinigilan hanggang di ako umuuwi. Eh sa bored na din ako sa States at bakasyon naman, kaya umuwi na lang din ako. Baka mga isang lingo din ang stay ko dito."sagoy ni Claire.

"Grabe, sa States ka na nakatira pero ang galing mo pa rin magtagalog."ani ni Zhyne.

"Well, kahit naman doon ako nakatira mas mahal ko pa rin ang lupang sinilangan ko. Mas masaya pa rin ako kapag Tagalog ang ginagamit kong salita."sambit ni Claire.

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Hindi naman sa chismosa ako, pero ang lapit  nila saakin kaya naririnig ko kung anong napag-uusapan nila.

At ang lintik kong kaibigan nakalimutan na siguro ako. Tsk!

Tumingin ako sa paligid ko. May mga sumasayaw sa gitna ng hall sa tugtug na melody music. May mga nagtatawanan, nagkukwento, nag-aasaran.

"Trish come here."sigaw sa akin ni Zhyne. Medyo maingay kaya kailangan niya pang sumigaw para marinig ko.

"By the way Claire. Kasama ko pala ang bestfriend ko. She's Trishanity Villaspin. Trish, si Claire one of ky close friends way back in highschool. Nagmeet na kayo before right? Kung naaalala niyo pa?" Pagpapakilala niya sa amin ni Claire.

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Zhyne. Nagkakilala na dati? Saan?

"Hi, nice to meet you Trish. Your beautiful," nagbiso kaming dalawa ni Claire.

"Nice to meet you too Claire."

"Hmf. Talaga nagkakilala na kami Zhyne? How? Where? Sorry i didn't recognize her that much."tanong ni Claire kay Zhyne.

'oo nga, saan nga ba?'

Parwho kaming nakatingin kay Zhyne. Napakunot-noo lang ito. Tila naweweirdohan sa amin dalawa.

"Dahhhh, nagmeet na kaya kayo sa party before. That's your birthday party Claire. Siya yung isinama ko sa bahay niyo," sambit ni Zhyne.

Tumawa naman si Clairw na akala ko hindi makapaniwala. Samantalang ako parang tangang natuklaw ng ahas sa tinatayuan ko.

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon