CHAPTER 57

1.4K 61 9
                                    

Chapter fifty-seven:)

*ZAPHIRE POV*

"BAKIT ANG TAGAL NILA?" tanong ko kay Elizabeth.

"Maghintay pa tayo."sagot ni Eli.

Napabuntong hininga ako. Paulit-ulit lang ang sinasabi niya eh, maghintay pa tayo'. Wala naman nangyayari. Mas lalo lang akong kinakabahan! Idagdag pa na hanggang ngayon ay wala pa sina dad. Fifteen minutes na kaya ang nakakalipas. Ano na ba kasi ang nangyayari? Baka napahamak na si Cloud!

Hinawakan ni Elizabeth ang kamay ko. "Think positive Rhyne."

"Eh ang tagal nila Elizabeth. Sumunod na kaya tayo."

"We can't. Hindi ka pwedeng mapahamak. Ako ang malalagot kay kuya kapag may nangyaring masama sayo. I'll take care of you and your baby. Please cooperate okay? Alam kong kinakabahan at natatakot ka. Ganoon din ako, natatakot ako sa kung ano man ang kalagayan ngayon ni kuya. He's under on comatose. Wala siyang laban sa kung ano man ang gagawin sa kanya. But here i am, pinapatatag ko ang loob ko dahil 'yon ang dapat gawin. 'Yon ang kailangan! Be brave Rhyne. I know you are"

Namilisbis ang mga luha sa pisngi ko, ngunit kaagad ko din utong pinunasan. Kasabay ng pagyakap ko ng mahigpit sa kanya.

"Salamat Eli. Thank you talaga." humihikbi na sabi ko. Tama siya, walang mangyayari ang pag-oover think ko.

She tap my head making me calm. Naghiwalay kami ng yakap ng may kumatok sa bintana ng kotse. Tinted ang salamin ng sasakyan, hindi kami makikita sa labas.

Mag-isang nakatayo sa labas si Elliot. Nasaan sina Zachary? Sumenyas ito na buksan ang pinto ng kotse, na kaagad naman sinunod ni Elizabeth.

"Why---?" Hindi na natapos ang pagsasalita ni Elizabeth ng bigla itong pokpokin ng baril sa ulo ni Elliot. Dahilan para mawalan ito ng malay.

Napanganga ako sa gulat. Hindi ko inaasahan iyon. Akala ko ba kakampi namin siya? Akala ko ba tinutulungan niya kami? Eh ano ito?

Nanginginig ako sa takot, matalim ang mga matang tumingin ako sa kanya. "You fool us!"

Nagkibit balikat lang ito pagkatapos ay may inilapat na puting tela sa bibig ko. After a second, my sight become blurry. Unti-unti akong nawawalan ng malay.

*THIRD PERSON POV*

"Sa Lower dick kayo banda Elliot at Rysel. Kami na ni Ashton sa taas. Alam niyo na ang gagawin kapag nakita niyo si Lexi." sabi ni Zachary sa mga kasama. Kakapasok pa lang nila sa yate. Ang tahimik lang ng paligid, tanging hampas ng alon ang maririnig. May nagsisilbing ilaw sa bawat kanto ng yate, din light lang ito kaya hindi masyadong maliwanag. "We'll see each other afterwards."

"Okay." sagot ni Rysel at hinila na si Elliot papunta sa baba. Samantalang sina Zachary at Ashton naman ay naglakad na patungo sa taas.

Elliot feels nervous. Kinakabahan siya sa dapat niyang gawin. Nasa unahan niya si Rysel, tahimik naman siyang nakasunod dito. Nang lumiko pakanan ang kasama ay tumigil siya sa paglalakad. Siniguro niya muna na nakalayo-layo na ito bago naglakad pabalik. Dahan-Dahan ang bawat hakbang niya palabas ng yate. Nagmamadaling tinungo niya ang kotseng sinasakyan nina Zaphire. Pagkalapit doon ay kumatok siya ng dalawang beses sa bintana. Makapal ang tinted ng salamin ng sasakyan niya kaya hindi niya makita ang pakay sa loob. After a second, his car doors open.

Elizabeth look at her shockingly. "Why-?" Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. Mabilis na pinokpok niya sa ulo nito ang hawak niyang baril. Nang mawalan ito ng malay, kaagad niya itong binuhat pababa ng sasakyan.

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon