'Chapter thirteen'
HELLO TO GabrielafayeTumanan, LesliePlando9, Ma131982, JeneferRanada1, Perfectlove27, intelligenMBK, DhanGsDlr, chingkat15, niece1122. Thank you for being my new follower❤️😘 Happy reading😘*TRISHANITY POV*
"KUMUSTA KA DITO, MY PRINCESS Zaphire?" tanong ni daddy Luke sa akin habang magkakaharap kaming kumakain. Wala pang isang lingo, tulad ng sabi ni CK pero umuwi na sila.
"Okay naman po dad." sagot ko.
"Pasensiya na iha. Wala kami dito sa mga unang lingo mo rito sa mansion. Hindi man lang tayo nakapag family bonding," paghingi ng paumanhin ni mommy Sarrah.
Nginuya ko muna ang pagkain sa bibig ko bago ako nagsalita. "Okay lang po mom. I understand."
"So, nabangit na ba sayo ni CK ang tungkol sa Welcome Party?" biglang tanong ni Dad.
I nod my head. "Yes po."
"I'll reschedule it." Tumingin si dad kay CK na kasalo din namin kumakain. "I'll make it two weeks from now. Make sure the securities of the surroundings are clear and safe CK."
"Yes Senior," sagot ni CK bago nagpatuloy pagkain.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at minsan ay nagkukwentuhan. Si Cameron tahimik lang habang kumakain. Nagsasalita lang ito kapag may itinatanong si Dad o mom.
"Dad, ahmm pwedepo ba ako lumabas ngayon," paalam ko kay dad bago pa siya matapos kumain.
Pinunasan nito ang gilid ng mga labi gamit ang table napkin. Saka kunot-nuong tumingin sa akin. "Where are you going princess?"
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Maglalakad lakad lang po. Kung okay lang naman dad. Naboboring na din po kasi ako dito sa mansion. I have nothing to do."
Tumango ito bago tumingin kay CK. " Sure but CK will accompany you. Hindi ka maaaaring umalis kapag hindi siya kasama."
Tiningnan ko muna si CK bago sumagot kay dad. "Okay dad."
"Can i come too?" biglang sabi ni Cameron . Napatingin kaming lahat sa kanya.
Kinunutan ito ng nuo ni Dad. "You have school."
"Pwede ba na wag muna ako pumasok ngayon dad. I want to have a sister bonding with ate Zaphire. Please." sagot nito sa malungkot na boses.
Her face failed! Napabuntong hininga na lang si mama. "Okay you'll come with your ate Zaphire."
"No. Your going to see school—"
Mom cut off dad. "Let her be Luke. It's her first time having a moment with her sister. Let them be." Hinawakan ni mommy ang kamay ni daddy.
Napabuntong hininga na lamang si daddy bago napipilitang tumango. "Okay."
Ang malungkot na mukha ni Cameron ay naging maaliwalas. "Yehey! Thanks dad, thank you mom!"
Mom nodded her head, same as dad.
Pinunasan ni dad ang gilid ng labi bago ito tumayo. Pero himarap muna ito sa akin bago umalis ng dining area.
"Zaphire, after this school year. Eho-home study na natin ang mga bata." ani ni dad bago lumabas ng dining area.
Tiningnan ko ang papalayong bulto ni dad. 'home school?'
BINABASA MO ANG
Loving the Stanger (COMPLETED)
RomanceWARNING:||: R-18.|| Un-edited °||° not suitable for perfectionist :) Meet Trishanity Villaspin. A very simple woman. Simple lamang ang buhay niya hanggang sa mangyari ang isang gabing hindi inaasahan. Who said that alcohol is good and addictive...