CHAPTER 4

4.9K 120 1
                                    

Chapter 4

*Trishanity Point of View*

"ZHYNE, kailangan ba talaga magpagawa pa ng gown? Eh isang gabi ko lang naman yun gagamitin diba. Mag-aaksaya lang tayo ng pera--,"

"Shut up," Itinirik nito ang mata. "Yan okay na, for sure you look gorgeous in that night." Sinipat nito ang sukat ng katawan niya .

"Zhyne may mga anak na ako."

Tinaasan siya nito ng kilay. "And so? Bakit may batas ba na kapag may anak na bawal ng mag-ayos? Eh, ikaw lang naman ang kilala kong ina na hindi nag-aayos sa sarili but still you look gorgeous and stunning."

Hindi na lang ako umimik. Kailan pa ba ako nanalo sa kanya?

"Dinner is ready,"ani ni Tita Anneika. Kakalabas lang nito ng kusina.

Andito ako ngayon sa bahay nina Zhyne. Katulad ng sinabi kanina ni Tita Anneika, susunduin ko sina kambal at magpapasukat na din ng gown.

"Okay. We're coming!"sigaw ni Zhyne.

Hinatid niya muna sa labas yung nagsukat sa amin ng gown.

Tiningnan ko ang kabuuhan ng bahay ng kaibigan ko, kahit ilang beses na akong nakapunta dito palagi pa rin akong namamangha. This not just a simple house. It can compare to a freaking mansion. High ceiling, expensive chandelier, sofa, marble flooring, expensive and elegant painting hanging on the glass walls. This house is too big for three people. Hindi naman nakakapagtaka kong ganoon ang itsura ng bahay ng mga ito. Mayaman ang mga ito at kilala sa business world.

"Hello to the world bheshy. Nasa Mars ka na ba o baka naman sa pluto ka na?"narinig kong ani ni Zhyne mula sa likuran ko.

Humarap ako sa kanya. "Hah? Ahm may sinasabi ka bheshy?"

"Sabi ko, kung nagkatuluyan na ba kayo ng allien sa Mars?"

"Hah? Allien?"

"Tse! Bakit ba kasi tulala ka dyan? Kanina pa ako nagsasalita. Mabuti pa yung parrot kahit di kinakausap sumasagot eh ikaw?"

Natatawa ako sa reaction ng bestfriend ko. Ang epik ng mukha niya. "Eh sorry ka, hindi ako tao ako eh, hindi parrot. Punta ka ng manila zoo, sigurado akong may parrot dun."

Mas lalo akong natawa. Grabe! Di maipinta ang pagmumukha niya. Buti na lang hindi ako artist. >_<

"Ano nakakatawa? Ayusin mo Trishanity wag mo ako pagtripan!"

Natawa na ako ng malakas ng binangit niya ang buo kung pangalan. Ibig sabihin nun pikon na siya. Hahahahaha!

"Sige tumawa ka pa. Kabagin ka sana! Tsee!" Nagmartsa siya paalis. Sinundan ko siya sa kusina habang tumatawa pa din.

"Hey, bestfriend sorry na. Ikaw naman, pikon na agad. Alam mo bang mas minamahal kita kapag napipikon ka!" inakbayan ko siya kahit napakunot-noo pa rin siya.

Di siya sumagot. 'Sus nagpikon ba talaga o nagpapalambing?'

"Bestfriend, sorry na kasi. I love you bheshy" hinalikan ko siya sa pisngi at tinusok-tusok ko ang tagiliran niya. 'alam ko naman na kahinaan niya tuh eh, haha'

Pilit siyang umiiwas pero nakaakbay ako sa kanya kaya hindi siya makapalag. Sinamaan niya ako ng tingin bago siya tumawa ng malakas.

"Okay- hahaha, enough na- hahaha, bestfriend- hahaha. Di na- hahaha ako- haha galit- hahaha," tumatawa siya habang umiiwas sa pagkiliti ko.

"Owws. Talaga di ka na galit? Sige nga tingnan natin" ngayon ay kiniliti ko na siya sa magkabilaang tagiliran.

"Ow shit! Hahaha enough! Hahahah tama na bhesh-hahhahaa. Mommy ,dadhahhaha daddy help. Hahaha."

Loving the Stanger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon