Chapter 20

4.7K 206 36
                                    

Jillian Fuentes


Sino ba ang hindi maiirita sa Luwi na yan? Halatang dumidiskarte para masolo niya si Anne. Kung hindi ako nakabantay gagawin niya lahat para magkasama sila sa iisang kwarto.

Halatang ginagaling niya. Pero hindi siya magtatagumpay sa mga binabalak niya.

Nakatingin ako kina Anne mula rito sa kinauupuan ko habang may mga ginagawa silang activities.

Hindi ako sumali sa kanila. Pero kapag nakita kong dumiskarte ulit yong Luwi na yon, makikita niya. Hindi ako pumunta rito para hayaan siyang mag enjoy kasama ang girlfriend ko. Ipaparamdam ko sa kanya kung sino ako sa buhay ni Anne. Mamatay siya sa selos at inggit.


"Sino ba diyan yong kaaway mo, Jill?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko, si Jean. May hawak siyang popcorn, at paminsan-minsan sumusubo.

Nandito rin si Jo.


"Buti naman nakarating kayo."

"Jill, popcorn gusto mo?"si Jo.

"Okay lang, katatapos kong kumain. Kanina pa ba kayo nandito?"

"Hindi naman, alam mo Jill late yong flight namin kahapon dumating kami rito ng midnight."si Jo.

Humalik sila sa pisngi ko saka sila umupo.

Nong nagsabi si Anne na pupunta siya ng Japan agad ko ring tinawagan tong dalawa kung pwede sila. Mabuti at mabilis ko silang napapayag dahil marami naman daw silang time. Mukhang ako lang ang super busy.


"Alin ba diyan, Jill? Wala naman may itsura diyan." si Jean.

"Yong maraming tattoo."

"Yan yon? Ano ka ba naman Jill, pagseselosan mo yan eh mukha namang......never mind. Sayang lang ang oras natin diyan. Tanda niyo si Arvie, yong kaibigan ni Yana? Mas may itsura pa ata yon pero hindi pinatulan ni Anne" si Jean

"Oo tanda ko yong taong yon. Oportunista, matindi yon kasi sinisiraan tayong tatlo kay Anne. Ganon siya kadesperate."si Jo na mukhang nagenjoy sa pagpili ng popcorn na isusunod niyang isubo.


"Nagpapameeting siya kahit gabing gabi na. Gusto ko nang sugurin sa kwarto niya, buti pinigilan ako ni Anne."

"Diskarteng bobo yon. Siguro hindi makasingit sayo kaya dumidiskarte kahit gabi na."natatawang saad ni Jean.

"May itsura naman siya Jean, kung ako man kay Jill kakabahan din ako lalo na ganyan ka effort magpapansin kay Anne."

"Bakit mo pa kasi pinagta-trabaho yang si sunget?"

"Jean, parang hindi mo naman kilala si Anne, mapride yan. Sabi ko nga sa kanya huwag na siyang magtrabaho. Ayaw niya, mabubugnot lang daw sya kakahintay sa akin sa bahay. Kahit papaano may pangarap siyang tumayo sa sarili niyang mga paa."

"Well, kung yon naman ang gusto ni Anne, bakit natin pipigilan? Mukhang masaya naman siya sa career niya."si Jo.

"I agree."si Jean.

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon