Special Chapter 01

1.1K 22 1
                                    

Jillian Fuentes


📍Los Angeles, California


Kinaumagahan. Naramdaman kong napabalikwas si Anne tiningnan niya agad si baby dahil malakas ang iyak nito, mukhang gutom na siya.


Pagkatapos magpa-breastfeed ni Anne ay bumangon na siya para magpunta ng banyo. Maaga siyang naligo, kinarga ko naman si baby Ashley.

"Good morning baby."saad ko. Humikab siya saka ngumiti kaya lumabas ang mga dimples niya.

"....ang cute ng mga dimples mo. Kuhang kuha mo sa mommy mo. Alam mo ba na isa yan sa nagustuhan ko sa kanya nong una ko siyang makita? Tandang tanda ko pa, nakatayo siya sa harap ng klase noon para magpakilala dahil transferee siya. Kaso ang sungit ng mommy mo. Siya lang ata ang di kinikilig kapag nilalapitan ko siya noong college kami."

Hindi ko mapigilan na dampian ng mumunting halik ang pisngi ni baby. Para siyang nakikipag usap habang ibinubuka niya ang munti niyang bibig.

"Dada!"si Jian habang nakatingala, kababangon lang niya.

"Yes, baby?"

Umupo ako rito sa sofa dahil gusto ata ni Jian na humalik sa pisngi ko. Tama nga, pag-upo ko umakyat siya dito sa sofa saka siya humalik sa pisngi ko pagkatapos ay tinitigan niya ang kapatid niya.

"Oh hi baby Ashley, you're so cute."hinalikan niya sa noo si bunso. ".....dada bakit small si Ashley?"

"Kasi new born lang siya, anak. Ganito ka rin nong baby ka pa. Tatangkad din siya kagaya mo."

"Just like you? You're so tall dada."

"Yes baby, for sure magiging tall din kayong dalawa ni baby Ashley."

Marami pang tanong si Jian. Curious siya sa lahat ng bagay.

Pagkatapos ni Anne maligo ay umupo siya rito sa tabi namin. Para na kaming isang portrait dito habang nakaupo sa sofa. Pareho kaming masaya ng asawa ko lalo na ngayon nadagdagan ng isang member ang family namin.





📍Los Angeles, California Airport

MABILIS lumipas ang isang buwan, nang maasikaso ko na ang lahat ng documents ni baby Ashley, ay nagbook agad ako ng ticket pauwi.

Our second child is coming home! One month old na siya.

Nandito na kami sa airport.

Karga ko si Ashley, si Jian naman ay laging nakahawak sa kamay ni Anne. Kasama namin ang dalawang kasambahay na may tulak-tulak na mga luggage.

Sa katulad naming same sex couple ay hindi madaling magkaroon ng anak. Kailangan ng mahabang panahon, and of course money. Lahat ng kilos ay tutumbasan mo ng malaking halaga, pero thank God dahil lahat ay naiprovide ng kinikita ko sa kompanya.

"Babe, parang kelan lang noong si Jian ang iuuwi natin sa Philippines."saad ko habang naghihintay ng announcement para sa boarding.

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon