Anne Del Rio
Gusto ko mang pigilan ang oras pero parang nagbibiro rin talaga ito. Kung kailan kasama ko si Jillian saka naman mabilis ang ikot ng kamay ng relo. Katatapos namin magbreakfast ngayon naman naghahanda na kami para sa trabaho, pareho kaming may pasok. Lagi akong napapatingin sa wall clock, kailangan kasi 7:20AM makaalis na kami dito sa bahay.
"Babe, let's go."
"Okay."
Siya ang nagmaneho ng sasakyan ko, magpapasundo na lang daw siya sa kanyang driver sa tapat ng office ko. Habang nasa byahe kami, kwentuhan kaming mag-asawa, minsan natatawa kami sa mga pinag-uusapan namin, mga mabababaw lang na topic. Hanggang sa nakarating kami dito sa parking lot ng pinapasukan ko.
"Jillian, mag-iingat ka, ha?"
"Yes, babe. Huwag ka masyadong magpaka-stress. Nandyan na yong sundo ko."
"Okay, ikaw rin. I love you."
"I love you too, babe."
Humalik ako sa labi niya bago kami bumaba ng sasakyan. Naglakad ako papunta sa office ko, siya naman sa sasakyan niya. Nang lingon niya ulit ako, kinawayan ko siya. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako.
Pag-pasok ko ng office, hindi ako umiimik. Sigurado stress na naman ako nito at kahit si Lyn napapansin niya yong stress ko.
Hindi ko pa nahi-hit yong two hundred percent na sales kaya may dahilan si Luwi na stress-in ako. Samantalang yong ibang Area Manager na under niya ay hindi naman niya ini-stress gaya ko. Alam ko sinasadya niya at alam ko rin na mainit ang ulo niya sa akin. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya.
Yon nga lang, mukhang tagilid ako kulang pa ako ng sixty four percent. Saan ko pa ba kukunin yon?
Napapailing ako. Nagsimula agad ako sa trabaho. Ang dami ko nang tinawagan na clients, pero negative.
"Magkape ka muna, Anne. Ako na nagtimpla para sayo."si Lyn.
Napabuntong hininga ako saka ako tumingin sa kanya. "Salamat, Lyn."
Lumapit siya sa akin, saka siya bumulong. "Ano ka ba Anne. Pine-personal ka na ni Luwi. Galit ata sayo kasi nabigo siya sa pag-ibig niya sayo."
Napailing ako. Sira ulo siya kung ganon! "Lyn, mukhang hindi ko ata mahi-hit ngayon yong ine-expect niya."
"Okay lang yon, Anne. More than one hundred percent na ang ibinigay mo. Hayaan mo na. Tingnan mo naman, hindi ka 1na ngumingiti. Dati kahit ang suplada mo okay lang sa akin kasi alam ko happy ka rito sa work mo. Ngayon nag-aalala ako baka bigla mo kaming iwan."
"Lyn, hanggat kaya ko hindi ako aalis, mahal ko tong trabaho ko."
"Narinig ko nong nakaraan yong pag-uusap niyo ni RD at yong pag-uusap niyo ni Luwi.
Anne, tama lang yong ginawa mo. Huwag kang papayag na para kang ulam na ipapatikim sa iba. Naiinis na nga ako diyan kay Luwi. Pero secret lang yon, ha? Baka ako mapag-initan niyan."Tumango ako. "Salamat, Lyn, dahil nandito ka nakakausap ko. Minsan nawawala stress ko sa kadaldalan mo."
"Grabe ka talaga, Anne. Ay, wait may tawag ako."sabi niya saka siya lumayo sa akin at may kinausap sa phone. Lumingon pa siya sa akin at saka nagpunta ng table niya.
Itinuloy ko naman ang ginagawa ko. Tinawagan ko ang mga branch na hawak ko pero wala na ata silang maidadagdag pa. Nasagad na nila for this month.
_________________________________
Jillian Fuentes
"Hello, Lyn. Lunch niyo na ba? Papunta ako diyan sa office niyo. Gusto sana kitang makausap."
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you