Chapter 38

3.6K 168 21
                                    

Anne Del Rio

Abala ako ngayon dito sa desk ko. Inaayos ang mga documents for signature ng mga clients ko. Ilang linggo na rin ang nakakalipas mula nong ma-hit ko ang four hundred percent na achievement.

Pagkabalik ko dito sa office after ng vacation leave, nagtreat ako para sa mga kaopisina ko dahil iyon ang request ni Lyn. Malaki ang naging papel niya sa achievement ko.

Sa totoo lang, mas lalong nakilala ang pangalan ko dito sa company mula nong ma-hit ko ang four hundred percent achievement. Nakakatuwa dahil madalas pa rin akong bigyan ng mga client ni Lyn na nase-search lang daw niya sa social media.

Parang hindi pa rin ako makapaniwala.

"Anne."

"Yes, Lyn?"

"Boss mo hindi mo kinaka-usap?"tanong niya sabay nguso kay Luwi na palabas ng office.

"Hindi ko siya madalas kinakausap. Kapag may kailangan akong ipa-approve saka lang ako lalapit sa kanya."sagot ko.

"Kumusta naman kayo ni Jill?"

"Okay naman kami, Lyn. Yon lang ba ang gusto mong malaman?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sus, nangamusta lang naman ako, Anne. Gusto mo ng kape?"

"Bakit, ipagtitimpla mo ba ako?"

"Oo naman para mawala yang init ng ulo mo."

"Sige." sabi ko. Tinuloy ko ang ginagawa ko nang mapansin ko na umiilaw ang phone niya.

"Lyn, may tawag ka."

Napatitig ako sa screen ng phone niya. Napakunot noo ako. Bakit parang pamilyar yong number na tumatawag sa kanya. Dinampot ko ang phone niya saka tiningnan ito. Hindi naka-save sa phone niya ang number kaya nakikita ko ang lahat ng numero.

Number ni Jillian? Hindi ako magkakamali dahil saulo ko ang number niya. Ang nakakapagtaka, paano niya nalaman ang number ni Lyn? Isa pa, bakit siya tatawag kay Lyn, online ako sa messenger ngayon.

Bago pa maagaw ni Lyn ang phone niya sa akin ay sinagot ko na ito.

"Naku, Anne! Magpapaliwanag ako." si Lyn.

Mukhang alam niya na si Jillian ang tumatawag. Pero hindi ko siya pinansin.

"Jillian?!" Walang umiimik sa kabilang linya. Lumabas ako ng office dala-dala ang phone ni Lyn.

"Alam kong ikaw to, Jillian. Kapag hindi ka sumagot maghihiwalay talaga tayo."

["Babe!"]

Napamaang ako. Sabi ko na nga ba. Napatingin ako kay Lyn na nasa pintuan ng office.

"Bakit ka tumatawag kay Lyn, ha?! May relasyon kayo?! Yong totoo!" Nanginginig ako sa galit. Sa dinami-dami ng babae si Lyn pa!

["Magpapaliwanag ako, babe."]

"Magpapaliwanag?! Huwag mo sabihin sa akin na babae mo nga si Lyn?!"

["No, babe. Makinig ka muna. Ako ang nagbibigay ng mga client kay Lyn para ibigay sayo."]

"Ano?!" Napapikit ako sa inis habang sapo ko ang noo ko.

["Sorry, gusto lang kitang tulungan, babe."]

Gusto kong maiyak! "Saka na lang tayo mag-usap, Jillian. Dahil nanginginig ako sa galit dahil sayo!"

["Babe!"]

Pinatay ko na ang call at bumalik sa loob ng office. Ibinigay ko kay Lyn ang phone niya nang hindi umiimik.

"Anne, sorry."

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon