Chapter 32

4.1K 187 11
                                    

Anne Del Rio

Parang wala ako sa sarili ko. Nakatitig ako dito sa screen ng laptop ko nong lumapit sa akin si Lyn. "Anne, may ibibigay akong mga prospect clients baka sakali may mabingwit ka."

Inabot niya sa akin ang isang folder at nakalagay ang mga profile ng mga clients. Isa-isa ko itong binuklat at ganon na lang ang pagkamangha ko. "Lyn, malalaking client 'to. Saan mo nakuha?"

"Ah, nagsearch ako sa google at sa facebook."

"Google at facebook? Seryoso ka ba? I mean, Oo nga pwede tayong magsearch sa google at fb pero hindi lahat ng information ay available doon. Pero itong ibinigay mo kumpleto ang details."

"Anne, gusto kasi kitang tulungan. Tatalunin natin si Luwi. Di ba?"

"Sira! Bakit hindi kay Luwi mo ibinigay ang mga 'to. Siya ang boss mo hindi naman ako."

Kapag ako ang makakuha ng mga client na ito sa akin ang credit at ilang percentage lang ang makukuha ni Luwi. Pero kapag si Luwi ang nag-asikaso nito lahat ng credit ay sa kanya lang.

"Anne, syempre mas kampi ako sayo. Gusto kitang tulungan na ma-hit yong two hundred percent. Ayoko na naistress ka, eh. Isa pa, inayos ko na yan. Nandiyan lahat ng details kaya tatawagan mo na lang. Baka sakaling may makuha ka kahit isa man lang."

"Lyn, thank you ha?"

"Okay lang yan. Maliit na bagay. Sige babalik na ako sa table ko."

Tumango ako at nagsimula akong magdial. Nagring ang phone at may sumagot na boses ng babae.

"Thank you for calling Edge Wood Furnitures, how may I help you?"

"Good morning may I speak with Mr. Fred Monde?"

"Regarding saan, Mam?"

"Regarding po sa Insurance."

"May I know who's on the line, please?"

"Anne Del Rio from Good Life Insurance Company."

"Ms. Anne, I'm Tin, secretary ni Sir Fred. Nabanggit na niya sa akin na gusto niyang magpalit ng group Insurance. Can you schedule us for virtual meeting kahit today, para madiscuss natin about the Insurance."

"Sure, Miss Tin.  Pwede po ba kayo ng 10:00AM?"

"Yes. Pwede kami."

"Okay, I'll send the link Miss Tin sa email mo para sa virtual meeting. Thank you."

Wow, mukhang interested sila. Sunod-sunod kong tinawagan ang mga clients na nasa listahan at lahat sila interested.

Napakunot noo tuloy ako. As in walang kahirap-hirap na i-convince ang mga client na ibinigay ni Lyn. Napasabak tuloy ako sa sunod-sunod na virtual meeting. Nagset ako ng 25 minutes kada meeting para magdiscuss.

Eight big clients at lahat ay positive. Guni-guni ko lang ba 'to?

"Lyn!"

"Oh, Anne?" Lumapit siya sa akin.

"Hulog ka ata ng langit. Lahat ng ibinigay mo good deal. Isa pa, hindi mga pipitsugin na client ang mga binigay mo sa akin."

Parang kinikilig sa tuwa si Lyn. Halatang masaya din siya. "Ang galing mo talaga, Anne! Kaya pala pinipilit ni Luwi na ipang front ka kasi ganyan ka kagaling mag-convince."

"No, Lyn, hindi ko sila kinonvince. Tinanong ko lang kung anong Insurance ang kailangan nila at nong sinabi ko yong best offer ko. Okay agad sa kanila."

"Simula pa lang yan, Anne. Baka madagdagan pa yan. Magreresearch ulit ako para sayo."

"Okay." hindi makapaniwalang sagot ko.

Parang hindi pa nagsisink in sa utak ko yong nangyari at mukhang kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil marami akong aayusin na documents for signature ng mga clients.

Kailangan ko rin tawagan ang asawa ko. Nagring ang phone niya at sumagot siya.

"Jillian, mukhang late ako uuwi mga 10PM na. Marami akong gagawin."

"Okay lang babe, sabayan kitang mag over-time. Tapos magpapahatid ako sa driver ko diyan sa work mo para sabay na tayong uuwi."

"Sige, Jillian. Thank you."

Inabot na nga ako ng 10PM pati si Lyn tumulong na at ibang staff para sa typing at printing ng mga documents. Pagod na pagod ako paglabas ko ng office. Nauna nang umuwi si Lyn.

"Babe, grabeng pagkabusy yan, ah."

"Jilliaaaaan, pagod ako as in pagod."

Natatawa siyang humalik sa akin. "Uwi na tayo at mamaya massage kita. Bumili na ako ng food para hindi na tayo magluto kasi alam kong pagod ka."

"Jillian, alam mo ba hindi ako makapaniwala. Akala ko binibiro lang ako ni Lyn. Isipin mo, mga big clients ang mga ibinigay niya sa akin at bukas mako-close deal ko lahat dahil nagbigay na sila ng schedule para sa signing ng mga documents at payments kaya ang dami kong ginawa ngayon."

"Yayakapin ko yang si Lyn kapag nakita ko kasi tinulungan ka, babe."

"Ano ka, Jillian! Ayoko ngang yayakap ka sa iba!" agad akong kumontra.

_________________________________

Jillian Fuentes

Natatawa tuloy ako. "Aba, selos ata ang babe ko."

"Sino ba namang babae ang gugustuhing yumakap ang asawa nila sa ibang babae?"

"Oh, sige na, babe. Hindi na, masaya lang ako na tinulungan ka niya."

Tumango siya saka niya nilapit ang mukha niya sa braso ko. "Jillian, gutom na ako."

"Ahhhh araaay ko, babe!" Aray ang sakit! Kinagat niya tong braso ko.

"Nakakagutom, Jillian. Uwi na tayo?"

"Ito na, grabe ka. Ginawa mo akong fried chicken." saad ko habang hinahaplos yong kinagat niya. Nagmaneho ako pauwing bahay kasi halatang gutom na ang babe ko. Pati ako gusto na niyang kainin.

Pagdating ng bahay ako na ang nagprepare ng mga plato at baso. Kakain na lang ang babe ko, halatang pagod na pagod siya.

"Jillian, massage mo ako mamaya pagkatapos kong maligo, ha? Ang sakit ng likod ko."

"Oo babe ako bahala sayo."

Sumusubo na kami at halatang napapapikit ang babe ko sa pagod.

After kumain naghugas na ako ng plato kasi yan talaga role ko mula pa nong college kami, taga hugas na ako.

Naliligo naman ang babe ko. Nagwalis na rin ako, nagtapon ng basura. Ano pa bang hahanapin niya? Mamaya may massage pa siya. Sarap ng buhay ng babe ko, ah.

After niyang maligo sumunod naman ako. Binilisan ko kasi magpapamasahe pa siya. Mga ilang minutes lang natapos agad ako, tinuyo ko na rin ang buhok ko.

"Babe, massage ko na ba yang likod mo?"

"Oo, Jillian, please." Dumapa siya at naglagay ng unan sa dibdib niya.

Sinimulan ko nang imasahe siya sa balikat pababa sa likod, bewan hanggang binti niya. Mukhang sarap na sarap ang babe ko sa masahe ko. Ibang masahe naman kasi ang naiisip ko.

Gumapang ako pataas para icheck siya pero mukhang tulog na, nakapikit na siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya saka ako tumabi sa kanya. Kawawa naman ang babe ko, pagod na pagod.

Pero natutuwa ako, hindi ako binigo ng mga nakausap kong mga negosyante. Kaya bukas padadalhan ko ng mga regalo yong mga yon.

...

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon