Chapter 65

1.1K 31 0
                                    



Anne Del Rio

Lahat ng kaibigan namin ay naririto na sa beach resort except kay Wendy, hindi siya sumama ngayong outing. Reunion pa naman dapat namin ito pero hindi siya nagparamdam, wala namang comment si Jillian, mukhang hindi na siya tutol sa bagong boyfriend ng kapatid niya.

Sina Jo at Samantha at ang cute nilang anak na si baby Jamsen ay naririto rin. Sila ang huling dumating.

Nakapagkwentuhan kami kaninang hapon at nagpicture taking kasama ang mga babies, sabay-sabay din kaming nagdinner.

At ngayon nandito na kami sa room ni Jian, ayaw na naman niyang matulog.

Ang dada Jillian ay nagugutom kaya nagpunta sa kitchen para kumain, hindi kasi siya nakakain ng maayos kaninang dinner. Hindi ko na siya sinamahan pa dahil sinusubukan kong patulugin itong anak namin.

"Baby, sleep na...."sambit ko habang karga siya.

Pero imbis na matulog ay humahagikgik siya sa sinabi ko.

".....sleep!" ulit ko, humagikgik na naman.

Akala ata niya nakikipaglaro pa ako. Wala akong nagawa kundi tumawa na lang din dahil nakakadala ang mga tawa niya.

".....let's go to bed, sleepy na si mommy."

Pinahiga ko na siya kaso dumapa saka gumapang at umupo dito sa ibabaw ng kama, may tinititigan siya.

Napatingin naman ako sa tinititigan niya-----yong pintuan.

Gumapang ulit siya at pilit na nagpapabuhat.

"Dah-dah-dah-dah-dah-dah."

Mukhang hinahanap niya ang dada niya kaya kahit inaantok na ako ay kinarga ko siya at lumabas kami ng kwarto.

Nagpunta kami ng dining.

"Oh, Anne. Gising pa pala si Jian?"si Jo. Andito pala siya kasama niya si Jillian.

"Ayaw matulog, hinahanap niya ang dada niya."sagot ko.

"Babe wait lang, iinom lang ako ng tubig."sabi ni Jillian.

"Okay."

Lumapit naman si Jo para halikan ang noo ni baby. "Ang lusog lusog naman ni baby Jian."

"Tulog na ba si Samanatha at si Jamsen?"tanong ko.

"Baka tulog na, hindi na nag-iingay si Jam, eh."

"Napagod siguro sa byahe."saad ko.

"Mukha nga. Paano Anne, bukas nalang ulit. Jill, goodnight na, tingnan ko muna yong mag-ina ko sa kwarto."

"Okay, Jo."

Lumapit naman si Jillian sa amin at saka niya kinuha si baby.

"Ayaw ba matulog ni Jian?"

"Naku, dada lagi ang sinasabi niya-----"

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon