Anne Del Rio"Hi, good morning. Sa Office ni Jillian Fuentes?"ang sabi ko sa receptionist pagpasok ko dito sa lobby ng JF Tower.
"May I have your name, please?"
"Anne Del Rio."
"May appointment po ba kayo kay Ma'am Jillian?"
Umiling ako. "Kailangan pa ba ng appointment?"
"Yes, Ma'am." sagot sa akin ng receptionist.
Kung pwede ko lang sanang sabihin na Miss, girlfriend niya ako. Baka pwede mo nang ituro ang Office ni Jillian?
"Kahit saglit lang. May iaabot lang sana ako sa kanya."
"I'm sorry Ma'am pero yong mga may appointment lang po ang pwedeng makipag usap kay Ma'am Jill. Kung gusto niyo po ipapa-schedule ko na lang po kayo."
May pagkadismaya akong naramdaman sa narinig ko. Nag leave pa naman ako sa trabaho para lang i-surprise si Jillian pero hindi pala ganon kadali ang makita siya.
"Di bale na lang, Miss. Thank you."sagot ko, naglakad ako palabas ng building pero bago pa ako makalapit sa pinto ay huminto muna ako. Napatingala ako saka ko inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng lobby.
Dito na ngayon nagtatrabaho si Jillian pagkatapos naming mag-aral ng kolehiyo. Ang ganda ng interior design. Mula rito sa kinatatayuan ko kita ang mataas na ceiling ng lobby. Napakaganda, sobrang proud ako kay Jillian dahil siya na ang tinitingala ng maraming tao ngayon. Sabagay kahit noon pa man ay marami ng fans ang bakulaw na iyon dahil sikat siya.
Napalingon ulit ako sa babaeng kausap ko kanina at busy na ito sa telepono. Ngayon na nga lang ako pupunta rito hindi pa ako makapasok. Iba talaga pag ang girlfriend mo ay isang Jillian Fuentes, kailangan mo pang magpaschedule.
Bakulaw na yon!
Hahakbang sana ulit ako palabas ng pintuan nang magdalawang isip ako. Sayang ang vacation leave ko. Isa pa, sayang din itong niluto ko para sa kanya. Lumapit ulit ako sa receptionist. Hinintay ko itong matapos makipag usap sa telepono saka ako nagsalita.
"Miss, paki schedule ako. Mga anong oras ba pwedeng makausap si Jillian? Kung pwede sana lunch time?"
"For a while Ma'am, tatawagan ko lang po yong secretary ni Ma'am Jill."
Naghintay ako. Saglit lang siyang nakipagusap sa telepono nong humarap ulit siya sa akin. "Ma'am, available daw po si Ma'am Jillian next Wednesday at two PM."
"Next Wednesday?!" hindi ko sinasadyang mapataas ang tono ng boses ko."Miss, ibig mo bang sabihin maghihintay pa ako ng isang linggo para lang makausap si Jillian?"
"Yes Ma'am, puno po kasi ang schedule ni Ma'am."
Anong araw pa lang ngayon. Tapos nextweek pa ang schedule ko para makita siya?!
"Miss paki sabi na lang dumaan ang girl....." Bigla akong napahinto sa pagsasalita. Tama bang sabihin ko na girlfriend ako ni Jillian? "....di bale na lang Miss. Paki sabi na lang na dumaan si Anne Del Rio. Thank you."
"Sige po, Ma'am."
Bagsak pareho ang mga balikat ko na papalabas ng building habang bitbit tong baunan. Akala ko naman masusurprise ko ang bakulaw na iyon. Pinagluto ko pa naman siya ng adobo.
"Anne?!"
Natigil ang pagmumuni-muni ko nong marinig kong tawagin ang pangalan ko.
"Saan ka pupunta?" tanong ulit sa akin. Dito ko napagtanto, si Wendy pala ang tumawag sa pangalan ko.
"Hi Wendy, nandito ka rin pala. Gusto ko sanang isurprise si Jillian kaso nextweek pa daw siya available kaya uuwi na lang ulit ako."
"Sinong nagsabi?"
"Yong receptionist." sagot ko.
"Tara, pagsasabihan ko yang receptionist na yan. Gaga pala siya, eh!"
"Huh? Naku hindi na. Makakapaghintay naman ako kung kelan kami pwedeng magkita ni Jill-----."
Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita nong hilain ni Wendy ang braso ko pabalik ng lobby saka humarap sa mga receptionist.
"Hoy kayo tatandaan niyo tong itsurang ito." sabay turo sa mukha ko nitong si Wendy. "....anytime pwede siyang pumunta rito at anytime pwede niyang makita ang kapatid ko. Naiintindihan niyo? Dahil kapag nalaman ni Jillian na hindi niyo pinapasok ang taong ito talsik kayo lahat sa trabaho."
Tulala ang mga receptionist pati na rin ako at hindi na ako nakaimik pa.
"Sige maiwan na kita, Anne. May iba pa kasi akong lakad."
"Ohh okay. Thank you, Wendy."
"Anytime. Sige, bye!" Pagkaalis niya saka ko itinuon ang pansin sa receptionist at nagtanong ulit.
"Miss saang floor ko ba makikita si Jillian?"
"37th floor Ma'am, Office of the President."
"Thank you." sagot ko saka ako dumiretso sa elevator. Pasalamat ako nakita ako ni Wendy, kung hindi nasayang lang ang pagod ko sa pagpunta rito. First time kong makapunta rito sa work place ni Jillian. At hindi ko inaasahan na ganito kataas ang building na ito.
"Office of the President." Ito ang paulit ulit kong sinasabi habang hinahanap ang office ni Jillian dito sa ika 37th floor ng gusali. Halos masuka ako sa elevator dahil sa taas nito. Ayon! Nakita ko na.
"Hey, who are you?"
Napahinto ako nang lapitan ako ng isang babae. Wala akong ibang kasama kaya malamang ako ang tinutukoy niya.
Tall and pretty. Ganyan ko mailalarawan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Mestiza, maganda at kulay blond ang buhok niya. Pero hindi lang iyon ang kapuna-puna rito.
Naalala ko tuloy si Ellaine pagkakita ko sa babaeng ito. Si Ellaine ay isa sa mga kaibigan namin ni Jillian. Katulad ni Ellaine malaki rin ang hinaharap nito. Parang hindi ito nahihiyang ipangalandakan ang mga malalaking boobs niya base sa V-cleavage na red blouse sa ilalim ng black buiseness suit nito.
Pero kung tutuusin hindi naman nailalayo ang tangkad namin. Kung hindi lang dahil sa naka-heels ito ng mga four inches na lalong nagpatangkad sa kanya malamang pareho lang kami ng height.
Manicured at pula ang mga kuko nito. Medyo masakit sa mata ang kulay ng kuko niya. Ipinareha siguro niya ang kulay na iyon sa kulay ng blouse niya. Pulang-pula din ang labi niya na kapag naidikit sa pader ay siguradong magiiwan iyon ng marka.
...
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you