Anne Del Rio
Two years later
"Bleh! Bleh!" sabay kaming napalingon ni Jillian kay Ashley, nakalabas ang dila nito habang bumibelat. Inaaway niya ang Ate Jian niya. Nasa sofa silang pareho at naglalaro nang biglang mang-away 'tong si bunso. Tahimik lang si Jian habang naglalaro mag-isa.
"Tignan mo yang batang yan, babe. Saan kaya niya natutunan iyan?"
"Ewan ko ba sa batang yan, baka sa mga napapanood niya o naririnig niya."
Hindi ko masabing baka nagmana lang sa akin, dahil dumadaloy sa kanya ang dugo ko. Huwag na, baka pagsimulan pa nang pangaasar sa akin ni Jillian kapag sinabi ko yon sa kanya.
"Bleh!"ayan na naman siya. Hindi siya pinapansin ng Ate niya kaya panay ang pang-aaway niya.
"Ashley, stop it. Kapag hindi ka tumigil diyan puputulin ko yang dila mo."saway ko sa kanya. Bigla siyang umiyak at tumakbo sa dada niya, mukhang magpapasaklolo na naman.
"Ang baby ko umiyak na. Pinagalitan ka ni Mommy? Aysus, kawawa naman ang baby ko."
Kinarga siya at yumakap agad siya sa batok ng dada niya, humihikbi siya na akala mo inapi ang itsura, dada's girl talaga siya.
"Naku Jillian kapag yan lumaki na matigas ang ulo ikaw ang sisisihin ko."
"Babe naman, alam mo namang ayokong umiiyak ang mga baby natin-----oh, don't cry baby. Love love ka ni dada at ni mommy at ni Ate Jian."
Spoiled yang bunso sa dada niya. Kahit may pagka-maldita lahat ng laruan at atensyon ay ibinibigay sa kanya, sa panganay mahigpit si Jillian. Buti na lang si Jian napakabait, malambing at tahimik kapag pinapagalitan, hihingi agad siya ng sorry. Maingay lang siya kapag napapasarap sa laro na mag-isa.
Etong si bunso kapag pinagalitan ko sasabayan niya ng malakas na iyak kaya ako minsan ang napapagsasabihan ni Jillian na huwag laging pinapagalitan yong bata.
Baliktad kami, kapag pinapagalitan niya si Jian todo pagtatanggol naman ako sa isa. Kapag itong bunso siya naman ang kakampi.
"Mommy, are you okay?"
Nakatingala si Jian sa harapan ko. Napansin siguro niya na malalim ang iniisip ko.
"Yes, baby. I'm fine." Yumuko ako para halikan ang pisngi niyang ma-chubby. Agad naman siyang bumalik sa sofa at naglaro.
Paglapit ni Jillian sa akin ay ipinakarga niya sa akin si Ashley, tahimik na siya at mukhang maamong tupa na ulit, pinaghahalikan ko ang pisngi niya kaya humagikgik siya. Kahit ano pa ang ugali ng mga anak ko pareho ko silang mahal na mahal.
"Maglalaro kami ni Jian ng volleyball sa garden babe, tuturuan ko siya."
"Okay, manonood kami ni Ashley."
Ayan ang bonding nilang mag-dada ang maglaro ng volleyball or any kind ng laro na ginagamitan ng bola. Kukuha muna ako ng prutas para habang nanonood kami ni bunso ay may kakainin kami.
"What do you want to eat, Ashley?"
Binuksan ko ang refrigerator para makapili siya.
"Ap--po, mommy."
"Apple?"
"Uhm-uhm"
"Gapes, mommy."
Tinuro niya yong grapes.
Sa edad niyang two years old mahigit ay may pagkabulol pa siya kapag nagsasalita hirap siyang ibigkas ang letter R at L. Pero kapag nangaaway siya direcho ang dila nito at kaya niyang ibigkas ang 'bleh!'.
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you