Jillian Fuentes
Kapag hiniwalayan pala ako ni Anne mukhang makukuha niya yong dalawang anak namin. Si Jian kaya niyang pasunurin nang dahil lang sa pagkain! Unbelievable.
Nanahimik ang loob ng kwarto baka tulog na sila. Nandito pa rin ako sa sofa nakahiga. Pagcheck ko ng messenger online pa si Anne kaya nagtype ako ng messsage.
["Ano bang kasalanan ko?"]tanong ko sa kanya dito sa messenger.
Aba nagtatype siya, gising pa pala ang masungit.
["Masyado kang mabait. Kakampihan mo pa ang mga yon kahit inaapi na ang anak ko at nilalait! Palibhasa hindi ikaw ang nagluwal sa mga ito kaya hindi mo alam ang hirap at sakit. Gusto mo kami pa ang mag-adjust para sa iba! Mukha mo!"]
Para akong sinampal sa huling message niya. Napahaplos tuloy ako sa pisngi ko.
["Ayoko lang ng gulo kaya pinapakalma kita kanina sa restaurant."]
["Wala akong pake sayo! Kung hindi mo kayang ipagtanggol ang anak mo. Aalis na lang kami rito!"]
Bigla akong napaupo. Kainis talaga sinusubukan na naman niya ako! Aish!
Humiga ulit ako dito sa sofa. Nagtype ako ng pagkahaba-haba. Nag-e-explain ako kung bakit ganito at bakit ganon blah blah blah! Pero binura ko rin lahat at nag-type na lang ako ng 'Sorry na babe' with sad emoticon saka ko sinend sa kanya pero hindi na siya nagreply.
Hay! Dito ako sa sofa natulog. Sumakit tuloy ang katawan ko paggising ko kinabukasan.
Maagang gumising si Anne para magluto. Amoy na amoy ko ang masarap na baked macaroni niya. Paglabas ko ng kwarto ay nasa kusina na silang tatlo.
"Good morning. Bati ko sa kanila."
Hinalikan ko ang noo ni Ashley na nasa rocker chair niya. "Good morning, dimples."
Pinuntahan ko naman si Jian at hinalikan ang noo niya. "Good morning chubby cheeks."
"Good morning dada." buti pa si Jian pinansin ako nakaupo na siya at naghihintay ng pagkain.
Pero ang maganda slash masungit kong asawa ay dedma lang. Nakatayo siya habang kumukuha ng mga plato kaya lumapit ako sa likuran niya at niyakap ko siya ng mahigpit saka ko siya hinalikan sa pisngi niya.
Wala siyang reaksyon. "Babe...."
"Bitawan mo nga ako."saad niya saka niya ako siniko sa tiyan. Ang sungit naman talaga!
Pinaghanda niya ng pagkain si Jian at kumain na rin siya. Kapag ganitong may tampuhan kami hindi ako makakain, wala akong gana.
"Dada, try it. It's delicious."sinubuan ako ni Jian ng baked mac, totoo namang napakasarap ng luto ng mommy niya at ito lang naman yong ipinagpalit sa akin nitong batang 'to. Kaya niya akong ipagpalit sa luto ng mommy niya.
".....mommy I want more."
"Okay, akin na yang plate mo. Nagustuhan mo ba?"
"Yes, mommy."
Binigyan ulit siya ni Anne, nang magkatitigan kami ng asawa ko ay inirapan niya ako. Ang sungit naman talaga! Mukhang nanggagaling sa kaibuturan ng puso niya yong galit niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you