Chapter 26

4.4K 200 7
                                    

Jillian Fuentes

After ng wedding namin ni Anne, wala akong choice kundi bumalik agad dito sa trabaho. Pagpasok ko ng opisina sinalubong ako ni Beth dala ang sandamakmak na pipirmahan. Nalula ako, ilang araw lang akong nawala ganito agad karami ang mga pipirmahan ko.

"Beth, hihinga lang ako saglit tapos gagawin ko na yan." Umupo ako dito sa swivel chair ko.

"Sure, Jill. I'll leave them here on your table. Call me when you're done."

Tumango ako at nagbukas ng laptop.

"By the way, Jill. Ito yong result ng background check kay Maria Luisita Santiago, here's the folder. Do you want me to go over it with you?"

Umiling ako. "Not now, Beth. Just leave it there. Unahin ko muna itong mga importante."

"Okay Jill."

Paglabas ng pinto ni Beth, naalala ko naman si Wendy, pupuntahan ko muna siya. Tumayo ako at lumabas ng pinto.

Kumatok ako dito sa office niya at pumasok. Napatingin ako sa buong sulok ng office niya isa lang nasabi ko. Ayos! Wala masyadong gamit o kalat, malinis. May nakadisplay na dalawang accoustic guitar sa tabi, bagay din ang pintura na combination ng black and white.

"Yes, Jill?" seryosong tanong niya. Nakaupo siya sa swivel chair habang nakaharap sa laptop niya.

"Kumusta ka Wendy? Komportable ka ba rito?" tanong ko, umupo ako rito sa couch habang nakapatong ang mga kamay ko sa back rest ng upuan.

"Okay lang ako. Kumusta ang kasal niyo ni Anne?"

"Masaya, at gusto kong magpasalamat sa tulong mo."

Sa totoo lang nakakapanghinayang dahil hindi siya nakadalo sa isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko. Pero wala akong magawa, siya lang ang maaasahan ko rito.

"Wala iyon. Kung hindi lang ako naaawa sayo, hindi ako magtatrabaho rito. Ang boring dito wala akong makausap na matino."

Intimidating si Wendy, yong iba naiilang sa kanya. Si Beth ang madalas magkwento sa akin tungkol dito sa kapatid ko. Sa katunayan, parang mas takot pa ang mga empleyado sa kanya kesa sa akin. "Wala ka kasing kaibigan dito kaya wala kang nakakausap."

Parang ako lang din, wala ring kinakausap masyado. Nakafocus ako sa trabaho, at madalas client lang ang kausap ko.

"Pwede ba akong magpasok ng tao rito?"

Tumango ako. "Oo naman basta qualified. Sabihan mo lang si Beth. Alam na niya ang gagawin."

"Ine-expect mo ba na tatagal ako rito, Jill?"

Nagkibit-balikat ako. Mahirap hulaan ang nasa isip ni Wendy.  "Hindi ko alam, pero makikiusap sana ako kung pwede huwag ka nang umalis dito. Dahil gusto ko rin bumuo ng pamilya at kahit ikaw pwede mong gawin ang gusto mo habang nagta-trabaho ka rito."

"Hindi ito ang passion ko, Jill. Pero natutuwa akong kausap ang mga clients mo lalo na kapag nakaharap ko yong mga manyak, masarap silang sampalin."

"Mukhang mauubusan ako ng client niyan."

Natatawa ako. Tumingin siya sa akin at hindi na umimik. Mukhang hindi na naman siya natutuwa. Lumabas na ako at bumalik dito sa office ko. Habang nagtatrabaho ako nagvibrate ang phone ko.

Pagtingin ko si Anne.

["Sa dinami-dami ba naman ng picture yong 2X2 pa talaga Jillian?!"]

Hindi ko maiwasang matawa. Kung makita lang ako ni Beth baka sabihan akong baliw.

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon