Chapter 43

4.3K 197 15
                                    

Anne Del Rio

Papunta ako sa office ni Luwi dala-dala ang resignation letter ko. Kumatok ako rito sa office niya saka ko pinihit ang door knob.

"Yes, Anne?"

Lumapit ako sa kanya saka ko inilapag ang resignation letter dito sa ibabaw ng table niya. "Kailangan ko ng signature mo, Luwi." itinulak ko ang papel palapit sa kanya.

Kinuha niya iyon at binasa. Mukhang yong title lang ang binasa niya at hindi na ang nilalaman non. Halata ang pagbuntong hininga niya at saka siya sumandal sa kinauupuan niya. Tumitig siya sa akin.

"Para saan ito Anne? Kung magre-request ka na naman ng vacation leave kahit one week pa, go ahead papayagan kita. Hindi mo kailangan mag-resign."

Umiling ako. "No Luwi, hindi ako nagpunta rito para mag-request ulit ng leave. Immediate resignation ang ina-apply ko."

Napapailing siya.

"Binibigla mo naman ako, Anne. Para tuloy akong nabroken heart nong mabasa ko 'to." Hawak niya ang resignation letter ko pero itinulak niya ito pabalik sa akin. "What is your reason for leaving? Conflict ba? Nakukulangan ka ba sa benefits? Naiinis ka ba sa akin? Gusto ko yong honest na sagot mo."

"Hindi." Natatawa akong umiling sa mga tanong niya. "Wala itong kinalaman sayo Luwi. Relocation ang dahilan ng pag-alis ko dito sa company. Aalis kami ng bansa ng asawa ko." Hindi ko na in-elaborate sa kanya ang totoong dahilan ko.

Napahawak siya sa sintido niya at halata ang pamumula ng mukha niya. Hindi ko alam kung bakit siya namumula.

"Hindi na ako makakahanap pa ng kasing husay mo sa trabaho at kasing ganda mo, Anne. Magiging dry na ang araw ko kapag hindi na kita nakikita rito. Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako pumapasok sa opisinang ito dahil gusto kitang nakikita palagi."

"Luwi, pwede bang tigilan mo yan. Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan? May asawa ako."

"Hindi naman legal ang kasal niyo rito."

"Kahit sabihin mo pang hindi legal, may mutual agreement kaming dalawa ng asawa ko na hindi nakasulat sa papel. Kaya pirmahan mo na 'to Luwi, please lang."

Itinulak ko ulit ang papel papunta sa kanya.

"Pag-isipan mo munang mabuti, Anne. Ni hindi ka man lang nagbigay ng sign na magreresign ka. Masyado mo akong binigla." Itinulak ulit niya ang papel pabalik sa akin.

"Luwi, paglabas ko ng pintuan na yan hindi pa rin mababago ang isip ko. Aalis ako ng bansa kasama ang asawa ko. Kung hindi mo ito pipirmahan direct akong magpa-file ng resignation sa Regional Director. Ayaw lang kitang ma-by pass." paliwanag ko sa kanya.

"Kung ako nga hindi pumayag si RD pa kaya? Alam niya ang potensyal mo Anne." Ang hirap talagang i-convince ng taong ito. Para kaming naglalaro ng patintero.

"Decided na ako, Luwi. Iiwanan ko na sayo itong resignation letter ko. Babalikan ko mamaya at dapat naka-signed ka na diyan."

Lumabas na ako ng opisina niya dahil hindi kami matatapos na dalawa kung mananatili ako roon. Umupo na ako rito sa desk ko at lumapit agad si Lyn sa akin.

Okay na kaming dalawa ni Lyn. Nainis ako sa kanya nong nakaraan dahil nalaman ko na nakakausap niya si Jillian ng palihim. Alam din naman ni Lyn ang ugali ko. Mataray talaga ako kapag naiinis ako.

"Anne, talaga bang hindi na mababago ang isip mo?"

"Hindi na Lyn, nagpasa na ako ng resignation letter kay Luwi. Immediate iyon dahil gusto ni Jillian na ma-relax ang isip ko bago kami umalis papuntang ibang bansa."

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon