Chapter 29

4.3K 205 43
                                    


Anne Del Rio

Naka-ilang absent din ako ngayong buwan dahil sa kasal namin ni Jillian at yong reunion ng buong barkada. Ngayon ko lang nagagawa 'to nong magkaroon na ng oras si Jillian sa akin at sa mga kaibigan niya. Dati hindi ko magawang mag-absent kaya sinusulit ko ngayon.

Napangiti tuloy ako. Parang mas masarap umabsent sa trabaho lalo na nakakasama ko si Jillian. Madalas kong makita ang pagiging seryoso niya, siguro dahil na rin sa trabaho. Pero kahit ganon, malambing at mahalay pa rin siya kapag magkasama kaming dalawa.

Pagpasok ko dito sa office ipinatawag agad ako sa office ni Luwi. Ang pinagtataka ko bakit nandito si Mr. Delos Reyes ang aming Regional Director.

"Good morning, Sir." bati ko sa RD  "Good morning, Luwi." ganon din kay RM.

"Maupo ka, Anne." saad sa akin.

Magkakaharap kaming tatlo dito sa desk ni Luwi.

"How are you, Anne?"

"I'm fine, Sir."

"Baka nagtataka ka kung bakit ako naririto. May gusto akong idiscuss at the same time io-offer sa iyo."

Tumango ako.

"Didiretsahin na kita. Luwi has a prospect client who wants to place at least 1.2 billion pesos in insurance and investment. That's why I came here because Luwi asked me to help convince you to get this client." si RD.

"What is his profile, Sir?" tanong ko.

"He is a Filipino, a multi-billionaire, forty-nine years old. Most of his businesses are in India. Their family business is one of the largest electric motorcycle manufacturing companies and many others."

"Bakit po ako?"

Nakita kong nagtingan sila ni Luwi saka binalik ang atensyon sa akin.

"You are one of the outstanding employees of the company. Luwi has already met this client but it's difficult to convince him. Even though he has promised several times to get insurance from us, the deal hasn't gone through. Maybe if you talk to him, you can persuade him. If he requests to go out for dinner, accommodate him. If you can get this client, I'm sure you will be the top nationwide again, and you will be the most outstanding Area Manager once more."

Tumingin ako kay Luwi seryoso itong nakatitig sa akin.

"Thank you sa tiwala Sir pero pasensya na, baka mas mabuting ioffer niyo na lang iyan sa iba."

Halatang halata ang pagka-disappoint nila sa sinabi ko.

"Think about it, Anne. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, this is a big client. Both you and Luwi will get great incentives and promotions. It's normal for the client to invite you out sometimes. Alam mo yan, dapat ginagamit mo rin ang ganda mo, sayang kung palalagpasin mo ito."

Gamitin ang ganda ko? Seryoso ba sila? Para akong ibinubugaw.

"I'm sorry Sir pero hindi ako interested sa offer niyo. At isa pa, hindi po ako nagmamadali sa promotion. Kaya kong maghintay. Excuse me, I have something else to do."

Nag excuse ako kahit siya pa ang Regional Director, wala siyang karapatan na gawin sa akin 'to. Bumalik ako dito sa table ko na naiinis.

Hindi ako makapaniwala. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Nakita kong lumabas si Luwi at si RD. Mukhang aalis na si RD.

Ilang sandali pa, bumalik si Luwi at lumapit dito sa desk ko."Anne."

Nakatayo siya sa harapan ng desk ko.

"Luwi, alam mo ang hindi ko maintindihan sayo? Bakit kailangan mong idaan ito sa big boss? Samantalang magkasama tayo dito sa office, pwede mong idiscuss lahat iyon sa akin."

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon