Anne Del Rio
Maaga akong nagising, katabi ko si Jillian na masarap ang tulog. Magkaharap kami kaya nagawa kong haplusin ang pisngi niya at mukhang naramdaman niya ang ginawa ko dahil gumalaw siya. Nagmulat siya ng mga mata at hinila niya ako palapit sa kanya.
"Babe." Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko. Kumilos ako para maabot naman ang mga labi niya at dinampian ko siya ng halik. Lubos ang kaligayahan ko dahil katabi ko ang taong mahal ko at tanggap na ng buong pamilya ko. Pati nga mga kamag-anak ko tanggap rin siya.
"Babe, ang aga mong maglambing."
Napangiti ako.
Pumikit ulit siya.
"Gusto lang kitang pagmasdan, Jillian, asawa ko."
"Anong iniisip mo, babe?"tanong niya habang nakapikit pa.
"Masaya lang ako na kasama kita, nahahawakan, natititigan...."
"Ako rin, babe. Yan din ang lagi kong nararamdaman para sa iyo."
Hinayaan ko siyang pumikit. Mukhang inaantok pa siya. Lumipas ang ilang minuto hindi na ako mapakali.
"Jillian, Sabado ngayon. Pwede bang ibigay mo muna ang weekend na ito para sa akin? Pwede ba kitang makasama?" Paglalambing ko sa kanya, try ko lang baka sakaling pagbigyan ako.
"Yes, babe. Para sayo at para hindi ka magtampo."
Tuwang-tuwa ako! Sumiksik ako sa kanya at yumakap nang mahigpit. Madalang ko siyang makasama ng Sabado dahil busy siya sa pagvisit ng mga factories nila.
"Babe, huwag ka na mag-alala dahil mula ngayon every weekend makakasama mo ako."
"Talaga, Jillian?!" Napaupo ako dito sa ibabaw ng kama sa sobrang tuwa ko. "Totoo ba yan, ha?"
"Oo, nag-usap na kami ni Wendy na pagtutulungan namin ang lahat. Alam mo, matalino siya. Kahit baguhan lang siya sa paghawak ng negosyo, nagagawa niya iyon ng maayos."
"Hanga ako sa inyong magkapatid, Jillian."
"Salamat, babe. Bumangon na nga tayo. Nagugutom na ako."
Gutom na naman ang Jillian. Laging tiyan niya ang iniisip niya. Sabay na kaming bumangon at nagpuntang kusina. As usual, ako ang magluluto. Kahit anong gawing practice rito kay Jillian madalas sunog ang niluluto o kaya naman basa. Puro lamon kasi ang alam.
"Jillian, kumusta naman ang mga kaibigan mo?"
"Okay naman sila. Si Jean madalas tumatawag sa akin o kaya dinadalaw ako sa office, ayon sira-ulo pa rin. Si Jo, kakamustahin ko siya dahil hindi siya masyadong nagpaparamdam ngayon."
"Baka naman masaya siya dahil kay Samantha kaya hindi nagpaparamdam."
"Oo nga, babe. Mukhang tinamaan si Jo kay Samantha at masaya ako para sa kanya."
Nakakatuwa ang mga magkakaibigan na ito. Mula college hanggang ngayon kami-kami pa rin at nadagdag si Samantha sa barkada. Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang si Jillian ay busy sa phone niya.
"Babe, nagchat si Mom pinapapunta tayo sa bahay nila. Nandon sila ni Dad, pupunta rin si Wendy."
"Bakit nasan ba si Wendy? Hindi na ba siya nakatira roon?"
"Hindi na, mahihiya yon kaya ayaw niyang tumira doon. May sarili na siyang condo."
"Ganon ba, ang akala ko doon pa rin siya. Sige anong oras ba tayo pupunta sa bahay ng parents mo?"
"Before lunch, babe."
"Okay. Sige."
Nagbreakfast muna kami pagkatapos naglinis kami ng bahay saka kami nagprepare. Pagdating ng eleven-thirty, nagbyahe na kami papunta sa bahay ng parents niya kung saan siya nakatira nong college kami. Ilang minuto rin ang byahe namin.
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you