Jillian Fuentes
Kasama namin ang buong barkada dito sa isang resort na ni-rent ni Jo. Nong huling beses ko silang nakausap ni Jean nasabi ko sa kanilang dalawa na gusto ko silang makasama bago kami umalis ni Anne papuntang ibang bansa.
May isang buwan kami para maghanda ni Anne, dahil kailangan pa niyang magrender ng thirty days sa trabaho niya. Iyon ang sabi niya sa akin. Kahit ako ay may mga aayusin pa at mga ituturo kay Wendy dahil habang wala ako, siya ang hahawak ng kompanya.
Nag-aya na ang mga kaibigan namin na maligo sa pool after namin magdinner kaya pumasok muna kami sa kwarto ni Anne. Nauna akong nagbihis ng panligo, two-piece bikini na kulay blue ang isinuot ko.
"Jillian, okay na rin ako."si Anne. Lumabas siya ng banyo na naka white two-piece bikini. Dinampot niya ang mga robe at lumabas na kami ng kwarto.
"Akin na yang hawak mo babe." kinuha ko ang robe at isinampay ito sa balikat ko. Hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami papunta sa pool. Pagdating namin dito sa function hall isinampay ko sa backrest ng upuan yong mga hawak ko na robe. Dalawa iyon, tig-isa kami ni Anne. Para after mag swimming iyon ang isusuot namin.
Nasa pool na ang mga kaibigan namin kaya hinila ko na rin siya papunta roon. Pagbaba namin ng pool ladder ramdam ko ang pagka-warm ng tubig. Buti na lang hindi gaanong malamig. Lumublob na kami at nakayakap agad si Anne sa batok ko, hawak ko naman ang bewang niya.
"Ang sarap ng tubig napaka-warm, Jillian."
"Oo nga babe."
Lumapit kami sa mga kaibigan namin na nandito rin sa pool.
"Jillian, saglit lang ha puntahan ko muna si Mira kausapin ko lang siya."
"Okay, babe."
Hinawakan niya ang mga pisngi ko bago siya bumitaw. Nilapitan niya si Mira at nag-usap silang dalawa, lumapit naman sa akin si Atasha at Frances.
"Jill, magtatagal ba kayo ni Anne sa ibang bansa?"si Atasha.
"Mga isa o dalawang taon."sagot ko.
"Ang tagal pala. Siguradong mamimiss namin kayo pero excited na rin kami makita ang magiging baby niyo."
"Mamimiss din namin kayo ni Anne."
"Totoo ang sabi ni Atasha. Excited kami na makita ang magiging baby niyo ni Anne. Hayaan mo Jill kami na lang ang dadalaw sa inyo doon sa States." si Frances.
"Salamat sa inyo." saad ko. Lumapit rin sa amin si Wendy. Mukhang iniiwasan niya si Jean, nagbabadya na naman kasi ang pang-aasar sa kanya.
"Jill, kapag may pamangkin na ako hihiramin ko siya, ha?"
Napangiti ako. "Mahilig ka sa bata, Wendz?"
"Oo basta mabango at hindi madungis."
Natatawa ako sa sinabi niya. Mukhang malayong mangyari na maging madungis ang anak namin ni Anne lalo na malinis siya sa bahay. Sigurado ako na ganon din siya sa magiging baby namin.
Lumangoy ulit si Wendy palayo, nilapitan niya si Yana at Ellaine. At nong madikit siya kay Jean, siya ang napagbalingan na asarin. Kung sino talaga ang madikit kay Jean inaasar talaga niya. Pero hindi naman uubra si Jean kay Wendy.
Lumapit na ako kay Anne habang kausap niya si Mira.
"Jillian, kapag nagpakasal si Jean at Mira, nandon na tayo sa States."
"Oo nga, babe."
"Baka buntis ka na Anne kapag ikinasal kami ni Jean."
"Sana nga Mira. Magkita-kita na lang tayo roon."sagit ni Anne.
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you