Anne Del Rio
Nandito kami sa bahay na binili ko nong dalaga pa ako. Nakalipat na rito sina nanay at tatay. Pati na ang dalawang kapatid ko, dito na rin mag-aaral.
"Jian, bati na tayo, ha?" si Sheena.
"Nah Hmp!" si Jian.
"Hala nagsusungit na?"reaksyon ni Sheena. Pati ako nagulat. Nagsusungit na ang baby ko.
"Ayaw na niya sa iyo forever. Bad ka kasi tita." sabi ko kay Sheena.
"Sorry na baby. Bati na tayo please? Di na kita kakagatin at kukurutin, love love ka ni tita."
Ayaw siyang pansinin. Nakayakap sa batok ko si Jian.
"Love ka raw ni Tita Sheena." saad ko.
"Ah-waw." umiiling iling siya.
"Oh, ayaw daw." saad ko. Kahit anong gawin ni Sheena hindi niya mapaamo si Jian, pero kapag si Mara kusang sumasama.
"Uyyy love love ako ni Jian, ayaw niya kay Tita Sheena." si Mara, karga niya si baby.
"Ahm-dah-dah." tinuturo niya si dada Jillian niya nang makita niya itong pumasok ng pinto. Mukhang tapos na silang magusap ni tatay.
"Hi baby, did you miss me?" si Jillian at agad na sumama sa kanya si baby.
Nag-stay kami ng ilang oras dito sa bahay ng pamilya ko. Dito na rin kami naghapunan.
Bago kami umalis sinilip ko muna ang mga kwarto sa taas.
Nakakamiss rin ang bahay na ito dahil dito kami nagsimula ni Jillian bilang mag-asawa. Yong dating kwarto namin ang kwarto na ngayon ni Mara, sa kabila kay Sheena.
Nangako naman si Jillian na ipapaayos niya ang kwarto ng mga magulang ko na nasa ibaba at ganon din sa pag aayos ng garden.
Six PM na kami nakauwi rito sa bahay namin ni Jillian. Pagod na pagod kami.
"Oh babe, parang dalawang araw tayo na busy 'no?"
"Oo nga kaya magpahinga muna tayo."
Si Jian nakatulog na pagdating namin. Pinunasan ko muna ng basang bimpo ang mga kamay at mukha niya bago ko siya ipinahiga sa crib.
Kami naman ni Jillian ay nagpahinga muna dito sa sofa. Kasya naman kaming dalawa rito habang nakahiga at naka-unan ako sa braso niya.
"Ito yong pagod na masaya, babe. Kasi andito na ang pamilya mo, nakasama rin natin ang pamilya ko at mga kaibigan natin, at isang taon na si Jian."
"Jillian, salamat ha?"
"Salamat saan?"
"Sa lahat."
"Mhmm babe, ako dapat ang magthank you sayo. Dahil maalaga ka sa amin ni Jian. Siguro kahit anong pagsusumikap ko kung hindi mo kami minamahal at inaalagaan balewala lahat. Pero thank God, binigyan ako ng maganda at mapagmahal na asawa."
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romansa[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you