Chapter 40

6.6K 221 50
                                    

Jillian Fuentes

Mainit ang ulo ng misis ko sa akin dahil nalaman niya yong ginawa ko. Wala talagang sekreto na hindi nabubunyag.

Ma-pride talaga siya. Kahit noong nag-aaral pa kami, ayaw niyang tumanggap ng tulong mula sa akin. Hanggang ngayon dala-dala pa rin niya ang ugali niyang iyon.

Pinagsaraduhan niya ako ng pinto ng kwarto. Ano pa ba dapat kong gawin kundi ang magmakaawa na patawarin niya ako, kinatok ko ang pinto. "Babe, pwede ba akong matulog diyan sa kwarto? Kahit sa sofa o kaya sa sahig na lang?"

"Hindi!" rinig kong sigaw niya. Ang saklap!

"Uuwi na lang ako sa condo." pananakot ko sa kanya.

"Eh di, umuwi ka. Pakialam ko sayo!"

Hay naku! Ang tapang talaga. Dito na lang ako sa sala. Ayoko matulog sa kabilang kwarto. Nakakatakot talaga siya kapag nagalit. Hintayin ko munang lumamig ang ulo niya, bukas susuyuin ko ulit siya. Wala akong nagawa kundi matulog dito sa sofa.

Paggising ko ng umaga naamoy ko yong niluluto niya. Bumangon ako, ang sakit ng buong katawan ko. Pagpasok ko ng kusina nakangiti agad ako sa kanya kaso pagtingin niya sa akin inirapan niya ako. "Babe, galit ka pa rin ba?"

"Akala ko ba uuwi ka sa condo mo?" Pagsusungit niya.

"Hindi babe, joke ko lang yon. Ayokong umalis at iwanan ka mag-isa rito."

Hindi siya umiimik. Mamaya siguro iimik na siya. Naligo muna ako at nagbihis dahil pupunta ako sa office. Pagkatapos, lumabas ako ng kwarto at pagbaba ko kumakain na si Anne.

Ano ba naman yan! Hindi man lang ako niyaya na kumain. Nalulungkot ako kaso paano ako magtatampo, ako ang may atraso sa kanya. "Babe, papasok ka ba?"

Tumango siya pero hindi pa rin niya ako iniimik. Tiningnan ko ang relo ko malapit na pala dumating yong sundo ko.

"Kumain ka na dito." sabi niya.

Napangiti ako. Kanina ko pa gustong kumain kaso nahihiya akong magsabi kasi hindi niya ako pinapansin. Umupo ako at kumain.

"Mauna na akong papasok, ikaw na bahalang maglock ng bahay at ng gate."

Napatingala ako at napatitig sa kanya. Aalis na ang babe ko pero galit pa rin siya sa akin. Tumayo ako para pagbuksan siya ng gate. Bago siya lumabas sakay ng kotse kinatok ko ang bintana na nasa tapat niya. "Babe ingat ka, ha? I love you."

"Okay." sagot niya.

Hay! Ano ba naman yan. Ito ang mahirap kapag may sariling sasakyan ang asawa mo. Kapag nagtampo aalis na hindi man lang mag I love you!

Bumalik ako sa dining area at ipinagpatuloy ang kain ko. Sakto pagkatapos kong kumain narinig ko nang bumusina ang sasakyan sa labas. Lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto ng bahay at ang gate.

Pagdating ko dito sa office nagmessage agad ako kay Anne, na hintayin niya ako mamayang uwian magpapahatid ako sa driver ko sa office niya at sabay na kaming uuwi pero wala siyang reply.

Mukhang malalim ang galit niya sa akin. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos. Ganon pa man pinilit kong ayusin ang trabaho ko para makauwi ng maaga at masundo siya sa office niya.

Pagdating ng four-thirty lumabas na ako ng office ko at dumaan dito sa office ni Wendy para sabihing mauuna na akong uuwi dahil susunduin ko si Anne.

Kumatok ako dito sa pinto ng office niya saka ako pumasok. "Mauna na akong uuwi, Wendz."

Tumingin siya sa akin. "Okay, mamayang 5PM uuwi na rin ako." saad niya.

"Sige, ba-bye." Lumapit ako sa kanya saka ako humalik sa pisngi niya at lumabas na ako.

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon