Jillian Fuentes
"Jill."
"Yes, Wendz. Anong kailangan mo?"
"May ipapakilala ako sayo. Binabalaan kita, pakitunguhan mo 'to ng maayos, ha!"
Kumunot agad ang noo ko. May ipapakilala siya? At kailangan ko raw pakitunguhan ng maayos. Bakit?
"Sino ba yan?"
May tinawag siya sa labas ng pinto at pumasok ulit siya kasama ang isang lalake. Nagtaka agad ako nang mapansin ko na magkahawak sila ng kamay. Oh my goodness!
"Jill, boyfriend ko si Stan. Stan, kapatid ko si Jill. Siya ang CEO at Presidente ng kompanya."
Parang biglang tumigil ang mundo ko. Bakit parang imbis na matuwa ako ay para akong naalibadbaran.
"Oh hi Jill, nice to meet you."sabi nitong lalake at saka niya inilahad ang kamay niya.
Napansin ko agad ang hikaw sa gitna ng dila niya nang magsalita siya, parang silver na hugis perlas. Tumayo naman ako at inabot ang kamay ito.
"Same here. Maupo kayo."
Bakit parang ako ang magulang ni Wendy na kumikilatis sa lalakeng ito. Palihim ko siyang pinagmasdan.
Nakatali ang mahaba nitong buhok, may itsura naman, may tattoo ang kaliwang kamay, at parehong may black plug tunnels ang dalawang ear lobe niya, parang kasya ang daliri ko sa butas ng earlobe niya.
Rock and roll na ba ito?
Umupo ulit ako. Binigla ata ako ng kapatid ko, hindi talaga ako ready, ni hindi man lang niya sinabi muna sakin na may boyfriend na siya. Hindi ko rin maintindihan kung tattoo artist ba itong dinala niya o rakista.
"Pumunta lang ako rito Jill para ipakilala ang boyfriend ko sayo."
Tumango ako. "Saan kayo nagkakilala? At kelan pa naging kayo?"hindi ko naiwasang itanong.
"One week palang kaming magkarelasyon pero nine months na kaming magkakilala, meron din siyang banda, siya ang lead guitarist nila."
Parang sumasama ang pakiramdam ko. Ganito siguro ang pakiramdam ng mga magulang kapag ayaw sa mga kasintahan ng mga anak nila. Hindi naman sa pagiging judgemental pero, ganito pala ang taste ng kapatid ko.
Tumango-tango ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko?
"Isa lang naman ang ipapaki-usap ko sayo Stan, huwag mong sasaktan ang kapatid ko kundi-----."
"Jill!" pagsita sakin ni Wendy.
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you