Anne Del Rio
BAGO ang byahe namin papuntang Pilipinas ay kinausap ako ni Jillian na isekreto ang pag-uwi namin, dahil nagsabi ang mga relatives at mga kaibigan niya, ang mga media na sasalubungin daw ang pag-uwi namin.
Pumayag ako na maging sekreto ang pag-uwi namin, at kahit ang side ko ay hindi alam na pauwi na kami. Ayoko rin na ma-shock ang anak ko kapag maraming tao ang papalibot sa kanya.
Ganon pa man, nakaka-excite umuwi kahit alam kong walang sasalubong sa amin. Ang mahalaga naman kasi sakin ay kasama ko ang anak ko at ang asawa ko.
MANILA Airport
Gabi na nang makarating kami dito sa Pilipinas at gising na gising si baby Jian, karga-karga siya ng dada niya.
Habang palabas kami ng airport ay kakaibang ligaya ang nararamdaman ko.
Nagkatinginan kami ni Jillian at napangiti kami sa isa't-isa.
"We're here, naiuwi na natin siya, oh."
Nakagat ko ang labi ko dahil para akong maiiyak habang pinagmamasdan si Jillian at karga ang baby namin.
"Masaya ako Jillian..."naiiyak kong saad.
"Me too---masayang masaya ako."
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at matinding saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Salamat sa dalawang taong ito na bumuo ng buhay ko.
Dalawang Van ang sumundo sa amin.
Isa para sa aming pamilya kasama ang mga bagahe, isa para sa mga kasambahay at mga bagahe nila.Akala ko sa bahay na iniwan namin kami tutuloy o di kaya sa condo ni Jillian pero pumasok ang sasakyan dito sa malaking gate at isang malaking bahay ang bumungad sa amin.
Hindi naman ito ang bahay ng parents niya.
"Karga niya si Jian pagbaba namin ng van."
"Welcome Jill and Anne."bati sa amin ng lalake na parang nasa edad kwarenta. Mukhang bata pa.
"Salamat Attorney sa pag aasikaso ng lahat."si Jillian.
"My pleasure. I'm sure pagod kayo sa mahabang byahe."
"Just a little bit tired."nakangiting sagot ni Jillian. Habang ako naman ay hindi pa alam ang nangyayari.
Kung bakit kami naririto.
"Magpahinga na kayo. Paalis na rin ako."
"Sige salamat. Tatawagan kita in the next few days."
"Okay Jill."
Umalis na si Attorney.
"Manang, kayo na bahala sa mga gamit pakipasok na lang at isa pa, kayo muna ang makakasama namin dito sa bahay."
"Yes Mam, Jill."
Mukhang walang balak magsabi itong asawa ko kung anong nangyayari.
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you