Chapter 27

4.6K 209 37
                                    

Jillian Fuentes

Nakaupo ako dito sa couch nang lapitan ako ni Anne, katatapos naming magdinner.

"Okay ka lang ba, Jillian?" nag-aalalang tanong niya.

"Yes, babe."

"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Hindi naman. Naisip ko lang, dito muna tayo magsimula sa bahay mo babe, pwede rin sa condo, kung saan ka komportable. And then, maghahanap tayo ng magandang lugar at doon tayo magpatayo ng dream house natin. Asawa na kita kaya gusto ko lagi tayong magkasama. Babawi ako sa mga panahon at oras na hindi ko naibigay sayo." Hinalikan ko ang likod ng palad niya at hinila ko siya dito sa tabi ko.

"Yan ang gusto kong marinig sayo, Jillian. Yong ako naman ang unahin mo."parang may pagtatampo sa boses ng babe ko kaya kinabig ko siya para yakapin.

"Ito na nga po Misis ko, kaya nga todo pakiusap ko kay Wendy na tulungan niya ako sa kompanya, maku-kumbinsi ko rin siya."

Tumango siya. "Masaya ako dahil nandito ka, Jillian. Namimiss kita lagi, ang lungkot kapag mag-isa ko lang dito sa bahay."

Naku, mukhang kinokonsensya ako ng babe ko. At hindi ko kayang tiisin ang paglalambing niyang ito sa akin.

"Hindi lang ikaw ang masaya, babe, ako rin. Hindi ako aalis ngayon kaya solong-solo mo ako. Okay ba?"

"Babawi ka sa akin, Jillian?" Nakangiti niyang tanong. At habang nagsasalita siya pinipisil-pisil niya tong tagiliran ko. Naglalambing talaga ang babe ko, halatang-halata sa kanya.

"May napipisil ka bang bilbil sa tagiliran ko, babe?"

"Wala, ang sexy mo. Patabain kaya kita, Jillian?"

"Ikaw kaya ang patabain ko, babe?"

Kiniliti ko yong tagiliran niya. Hinawakan niyang maigi ang kamay ko habang tawang-tawa siya. "Ayoko baka ipagpalit mo ako kapag tumaba ako."

"Hindi, ah. Kahit tumaba ka mahal pa rin kita."

"Aysus, gusto ko sexy ako para lagi kang maglaway sa akin."

Yong utak ko automatic na inimagine ang Misis ko na hubad. Hindi ko tuloy mapigilang halikan yong braso niya. "Babe, mula ngayon pangako ko, lagi tayong magkasama."

"Talaga? Masaya ako, Jillian." parang maiiyak ang babe ko. Hindi ata siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Masaya ka ba, babe? Bakit nakasimangot ka?" Hinawakan ko yong chin niya para dampian ng halik ang mga labi niya.

"Ngingiti ako basta bukas dito ka ulit uuwi at matutulog."

"Opo, mahal kong misis. Kung nasaan ka doon ako uuwi."

Hindi maitago yong ngiti niya, alam ko kung kailan kinikilig ang babe ko at hindi niya maikakaila ito sa akin. At masaya ako dahil kahit ilang taon na ang lumipas, mahal na mahal pa rin niya ako at lagi niyang hinahanap ang presensya ko.

Niyaya ko na siyang humiga pagkatapos naming maligo. Nakasuot siya ng nighties. Suot ko ang maiksing shorts at maluwag na sando.

Nauna siyang umakyat sa ibabaw ng kama pero hindi pa siya matutulog, kumuha siya ng mababasang libro.

"Siya nga pala babe ano sabi nong Luwi nong pumasok ka sa opisina?"

"Wala naman siyang sinabi, pero alam na nilang lahat sa office na nagpakasal ako sayo."

"Hindi ba siya nagalit na ilang araw kang nawala sa trabaho?"

Umiling siya nang hindi tumitingin sa mga mata ko.

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon