Chapter 30

4.8K 188 19
                                    

Jillian Fuentes

"Babe akin na yang hawak mo."kinuha ko kay Anne yong dala niyang plastic na may laman na mga groceries at nilagay dito sa push cart.

"Jillian, napakarami nating binili."

Punong puno kasi tong cart.

"Babe, kapag kasama kita malakas akong kumain. Syempre lagi mo akong pinapagod sa kama kaya dapat akong magpalakas."

"Sira ka, Jillian! Baka marinig ka." natatawa siya. Palinga-linga siya pero wala namang tao sa paligid.

Nandito na kami sa parking lot ng mall, naglalakad kami papunta sa sasakyan.

"Kelan ba natin kukunin sila Nanay dito, babe?" tanong ko sa kanya habang nilalagay ang mga pinamili namin dito sa trunk ng kotse.

"Mukhang hihintayin pa na maka graduate ng college yong dalawa. At gusto nina Sheena at Mara dito magtrabaho."

"Babe, kukunin ko na lang sila sa company. Malay mo magustuhan nilang magtrabaho sa atin."

"Pero si Mara, gustong magtuloy ng Law after ng kinukuha niyang business course. Bata pa lang siya pangarap na niya iyon. Si Sheena naman ewan ko sa batang yon may boyfriend ata."

Natatawa ako. "Nagmana sayo, babe."

Natatawang kinurot niya ang tagiliran ko. "Kainis ka, Jillian."

"Babe, nong naging tayo nagkaroon ka na ng dalawang boyfriend, di ba?"

"Oo, pero nag-aalala ako kay Sheena kasi yong batang yon laging lalake ang iniisip. Jillian, baka mamaya bumigay yon sa boyfriend, ang bata bata pa."

"Buti na lang ang babe ko hindi bumigay sa mga naging boyfriend, sa akin lang siya bumigay."

"Jillian, pinilit mo lang ako kaya ako bumigay sayo."

"Wow! Ang babe ko. Ikaw ba yan? Patingin nga kung may lagnat ka?" Dinampi ko ang kamay ko sa noo niya at sa leeg niya. Tawang tawa siya na hinampas ang braso ko.

Nag-aasaran kami habang nandito kami sa likod ng sasakyan.

"Kainis ka, Jillian."

"Babe, minsan hindi kita pinipilit alam mo yan sa sarili mo. Di ba? Kusa kang bumibigay kahit wala akong gawin. Ganon mo ba talaga ako kamahal o talagang yummy lang ako?"

Pulang pula ang mukha niya habang natatawa. Guilty kasi, hehe!

"Mahinhin ang babe ko pero minsan nangangalabit din yan, aminin mo. Ayiieee, swerte ko naman!"

Araay kinurot na naman niya ako, ang sakit!

"Tama na, Jillian. Hindi ko na kaya, tawang-tawa ako sayo."

"Sakit non, babe. Grabe ka magkakapasa na naman ako." Hinimas-himas ko yong balat ko na namumula dahil sa kurot niya

"Jillian, kainis ka kasi inaasar mo ako." reklamo niya.

"Babe, hindi kita inaasar, at okay lang yon. Mag asawa na tayo kaya okay lang na ikaw ang mag initiate minsan sa kama."

"Baliw ka, Jillian."

Tumahimik na siya pero nakangiti pa rin. Gusto ko kapag siya ang nag-iinitiate. Kinikilig kasi ako sa totoo lang.

"Babe, titigil na ako promise. Balik tayo sa mga kapatid mo, kaya ata hindi pinayagan ni Tatay yong dalawa na dito sa Manila mag-aral kasi baka maging pasaway kagaya mo."

"Akala ko titigil ka na? Jillian, hindi ako pasaway, alam mo yan." natatawang sagot niya.

"Babe, pasaway ka kasi nakipagrelasyon ka sa akin."

"Ipaalala ko lang, ha? Paano pa ako makakawala sayo noon lagi mo akong binabantayan at kapag wala ka yong mga kaibigan mo naman ang nakabantay sa akin."

"Syempre, babe. Ganon ako bumakod. Papakawalan pa ba kita, in love na in love ako sayo."

"Eh di, inamin mo rin na patay na patay ka sa akin."

"Nahalata mo ba yon, babe? Na patay na patay ako sayo noon?"

"Oo, kasi binabantayan mo ako lagi kaso bigla ka rin naman nang-iiwan."

"Asus ayan na naman po ang babe ko. Mailagay na nga lahat ng 'to at nang makauwi na." Isa isa kong dinampot ang mga plastic at nilagay dito sa trunk. Naramdaman kong natatawa siya saka siya yumakap sa likod ko.

"Jillian, huwag mo na gagawin sa akin yon, ha? Lalo na ngayon mag-asawa na tayo."

"Babe, hindi na po kita iiwan ulit." sabi ko, saka ko siya hinarap at hinalikan ang tip ng ilong niya.

Nilambing-lambing ko muna ang babe ko baka kasi isipin na naman niyang iiwan ko siya. Pagkatapos ko mailagay ang mga napamili namin dito sa loob ng kotse, pumasok na kami at nagbyahe pauwing bahay.

"Sabihin mo kay Mara, ipush niya yong balak niyang mag law. Tutulungan natin siya, babe. Si Sheena, kung may gusto siyang gawin suportahan rin natin."

"Thank you, Jillian. Kausapin ko si Mara. Mahilig yon mag aral."

"Babe, nasa lahi niyo ang matatalino at magaganda kaya hindi nakakapagtaka yon."

"Alam mo Jillian, narealiaze ko, na kaya ata ako nahulog sayo kasi...."

"Kasi? Ano babe?"

"Ang galing mong mangbola!"

Natawa ako. Kung hindi lang ako nagmamaneho naku baka niyakap-yakap ko na naman siya at pinupog ng halik sa pisngi at leeg niya.

"Ibig sabihin babe kahit binobola lang kita noon kinikilig ka pa rin sa akin, tama?"

Nahuli ko na naman siya. Natatawa kaming pareho. Hay ang babe ko. Sarap huliin, kinikilig pala yan siya sa akin kahit nangbobola lang ako.

Nag-aasaran kami dito sa loob ng sasakyan habang pauwi. Pagdating ng bahay inayos ko ang mga pinamili namin.

"Babe, tingin ko kailangan natin ng mas malaking refregirator. Hindi na kasya tong iba, oh?"

"Oo nga, Jillian. Ang dami kasi natin pinamili. Parang pang isang taon tong hinakot mo. Mas takot ka pa atang magutom kesa iwan ako, 'no?"

Natatawa na naman ako. Pumasok na lang kaya ako dito sa loob ng ref at huwag nang lumabas?

"Babe, tara nood tayo ng movie, baka sakaling kiligin ka ulit."

Kapag gusto akong asarin ni Anne yon lang ang keyword niya yong iniwan ko siya, tiklop agad ako. Pero hindi ko na gagawin ang iwan siya.

Nauna siyang umupo sa sofa at binuksan yong TV, naghanap siya ng panonoorin na movie. Kumuha naman ako ng mga snacks at iinumin. Tumabi ako sa kanya at binuksan ang hawak kong snack. Nakatutok siya sa pinapanood niya.

"Babe oh, chips."

Kumuha siya at ibinalik yong tingin niya sa pinapanood niya.

"Jillian, every Sunday mag-grocery tayo tapos manood ng movie, matulog, kumain. Bumawi ka sa akin, ha?"

"Oo babe, at saka magsex." bulong ko sa kanya.

Natawa ako nong sikuin niya ako. Dumukot ako ng chips at tumingin rin sa TV. Kunyari pa ang babe ko. Hindi naman tumatanggi kapag nilalambing ko siya sa kama.

"Pero Jillian, kapag may time kang makapag leave uwi tayo sa amin sa probinsya?"

"Oo babe, siguro i-schedule natin ng Thursday hanggang Sunday. Okay lang ba?"

"Yeah, kasi malabo pa na makapunta sila rito."

"Ayusin ko ang schedule ko. Kausapin ko rin si Wendy na magleave ako."

"Salamat, Jillian." yumakap siya sa bewang ko maya-maya pa humiga na siya at nag-unan sa lap ko. Akala ko nanonood pa siya, mukhang nakatulog na. Hinayaan ko siyang matulog habang ako itinuloy ko ang panonood ng movie.

Mukha namang masaya ang babe ko. Masaya rin ako na nakakabawi sa kanya at nakikita siyang masaya kasama ako.

....

Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon