Anne Del Rio"Congrats Babe, I love you!" Iyon ang paulit ulit na kataga ni Jillian nong araw ng graduation namin. Masaya pero sa kabilang banda medyo malungkot dahil hindi na katulad dati na araw-araw kaming magkakasama.
Ngayon kasi....
Hay di bale na nga! Mamaya magkikita na ulit kami. Ayokong malungkot. Birthday ko ngayon. Kahit ngayon man lang gusto kong maging masaya at makasama siya.
Pumasok ako ng kwarto ko saka ako humiga. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at hindi naman ako nabigo. Mabilis akong nakatulog at paggising ko ay madilim na, alas-sais na ng gabi.
Nag-ayos ako ng sarili ko at pagkatapos kong maligo isinuot ko ang dress na binili ko nong nakaraang linggo para sa date naming ito ni Jillian. Tamang tama, pagpatak ng alas syete lumabas ako ng bahay. Nagtaxi ako papuntang Makati, hindi ko na dinala ang kotse ko dahil for sure may dalang sasakyan si Jillian.
Saktong 8PM ako nakarating ng greenbelt dahil matraffic. Ang nakakapanglumo lang ay late na naman siya.
Para namang hindi pa ako nasanay.
Umupo ako dito sa pina-reserved kong table para sa aming dalawa.
[Jillian, nasaan ka na? Nandito na ako.]
Iyon ang unang text ko sa kanya pagkarating ko rito sa restaurant. Ilang minuto ang pinalipas ko bago ko siya tinawagan kaso hindi siya sumasagot.
Nagugutom na ako. Wala pa rin siya. Isa pa nakakahiya dahil mula pag-upo ko rito paulit-ulit akong tinatanong ng mga waiter kung ise-serve na daw ba yong order ko.
Hay naku Jillian! Nasaan ka na?
Ilang text at tawag ang ginawa ko pero hindi sumasagot ang bakulaw na iyon. Halos dalawang oras na rin pala akong naghihintay sa kanya pero hindi pa rin siya dumadating.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Hindi na siguro siya sisipot.
Birthday ko pa naman.
Tinawag ko yong waiter saka hiningi yong bill ko.
"Ma'am hindi pa kayo kumakain. Baka gusto niyo munang kumain may oras pa naman po. I-serve na po namin yong order niyo para makakain na po kayo. Sayang po yong inorder niyo."
"Salamat pero hindi na. Sanay akong magutom kahihintay sa isang taong mukhang wala namang paki-alam sa akin." medyo malalim ang pinanghugutan ko ng sagot ko pero nagawa ko pa rin namang ngumiti kay Kuya waiter.
Medyo naiiyak nga lang ako. Buti pa yong waiter concern sa akin pero si Jillian. Napailing na lang ako sa pagkadismaya.
Pagkatapos kong magbayad lumabas na ako ng restaurant. Mukhang magsasara na rin kasi sila. Nakakahiya naman kung tutunganga lang ako roon para maghintay kay Jillian.
Naglakad-lakad ako. Hanggang sa matapat ako rito sa isang fastfood restaurant. Sayang naman ang outfit ko kung uuwi lang ako nang luhaan. Pumasok ako saka ako dumiretso sa counter.
"Hi Ma'am Good evening. Ano pong order nila?"
"Good evening, Isang burger at isang fries tsaka large iced tea."
Ilang saglit lang akong naghintay pagkatapos kong magbayad, inabot agad sa sa akin ang in-order ko. Pag upo ko tiningnan ko ulit ang phone ko, malapit na itong ma-low bat. May dalawang message na dumating at agad ko itong tiningnan.
Text ng mga kapatid ko.
Sheena: [Ate! Happy birthday! Naghanda kami ng spagetti at barbeque para sayo. I love you, Ate!]
Mara: [Ate happy birthday, mula sa amin nina Sheena, Nanay, Tatay. Bleh!]
Napangiti tuloy ako.
[Thank you] reply ko sa kanila kaso pagkatapos ng text kong iyon ay biglang nag off ang cp ko. Lalo akong nanlumo. Hindi na siguro kami magkikita ng bakulaw na yon. Paano pa nga ba kami magkikita?
Dumampot ako ng isang fries saka ko itinusok sa gitna ng burger.
"Happy birthday to me." saad ko saka ko hinihipan yong fries na nakatusok sa burger. Inimagine kong kandila iyon saka ako pumikit para sa isang kahilingan. Pagkatapos non ay saka ako sumubo ng fries at sumipsip dito sa hawak kong iced tea.
Tahimik akong kumakain habang nakatuon ang paningin ko sa labas. Dahil salamin ang wall ng fast food restaurant ay kitang kita ko ang unti unting pagpatak ng ulan mula sa kalangitan hanggang sa palakas ng palakas ang pagbuhos nito.
Ang sabi nila kapag umulan ay bumubuhos din ang biyaya mula sa kalangitan. Pero sa pagkakataong ito, iniisip ko na baka dinadamayan ako ng langit sa nararamdaman kong kalungkutan at ang mga ulap nito ay umiiyak rin katulad ng pag-iyak ng damdamin ko.
Mag isa ko lang na nag-celebrate ng birthday ko ngayon.
Thirty minutes din akong umupo bago ako lumabas. Iniwan ko yong burger na may nakatusok na fries sa table na kinainan ko.
Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Kung sinuswerte nga naman. Wala na nga akong ka-date wala pa akong payong. Ito ang napapala ng mga magagandang katulad ko. Sugod nang sugod dahil sa pagbabakasakaling makikita ulit ang taong mahal pagkatapos ng ilang linggong hindi pagkikita, pero wala rin pala.
Kaya ayokong na-e-excite madalas ang kapalit ay pagkadismaya.
Napatingin ako sa relo ko. Mag aalas dose na pala. Patapos na ang birthday ko. Gusto ko tuloy umiyak.
Ang daya mo talaga Jillian!
Hinayaan kong bumuhos ang ulan habang nakasilong ako rito sa harap ng fastfood restaurant. Kaso parang hindi naman ito titigil sa pagbuhos.
'Tumigil ka na ulan. Pagbigyan mo na ako. Hindi pa tapos ang alas dose kaya birthday ko pa rin.' hiling ko habang nakatingala sa langit. Naghintay ako ng ilang sandali hanggang sa humina ang ulan.
Tatawid ako ng kalsada. Iyon ang biglang pumasok sa isip ko. Kung hihintayin ko pang tumigil ang ulan baka dito na ako abutan ng susunod na birthday ko. Sinimulan kong humakbang para tumawid sa pedestrian lane nong bigla akong masilaw ng matinding liwanag. Bigla akong napatigil at hindi na nakagalaw pa.
Beep!!Beep!!Beep!!
"Hoy Miss! Magpapakamatay ka ba?!"
Isang malakas na busina ang narinig ko na halos ikabingi ko kasunod non ang pagsigaw sa akin nong driver ng sasakyan. Sinesermonan ako nito pero nanatili lang akong nakatayo.
Lumakas ulit ang ulan, nabasa tuloy ako. Kung bakit hindi ko magawang tumakbo para tumawid, nakatayo ako habang yakap ang katawan ko.
"Hindi ka ba talaga tatabi?! Tignan mo traffic na dahil sayo?!"sigaw pa rin ng driver pero para akong bingi dahil ayaw sumunod ng katawan ko para humakbang para makaalis na sa gitna ng daang ito.
"Babe?!"
Naramdaman ko na lang na may humaltak sa braso ko para dalhin pabalik sa gilid ng kalsada. Muntik tuloy akong masubsob buti na lang hindi sa kalsada kundi sa dibdib nong taong humaltak sa akin. Namanhid na ata kasi ang katawan ko dahil sa lamig na dulot ng ulan.
Unti unti kong inangat ang mukha ko. Dahil sa patak ng ulan ay hindi ko agad namukhaan ang taong halos yakapin ako. Pero unti unti ring naging malinaw ang lahat sa paningin ko.
Jillian....
BINABASA MO ANG
Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Jillian Fuentes and Anne Del Rio love story. Book 1 Forbidden Flower Book 2 Flares of Dawn Book 3 Forever with you