Chapter 11

30.5K 875 404
                                    

Jillian Fuentes

NAPANGITI ako habang isinusuot itong rubber shoes na napili ni Yana para sa akin. Pareho kaming nakaupo habang nakaharap sa salamin.

"Bagay ba ito sa akin, Yana? Tingnan mo nga."

"May hindi ba bumabagay sa iyo? Kahit ata sapatos ng kabayo bagay sa iyo."

"Kumag ka talaga."sagot ko.

Natawa lang siya.

Pagkatapos naming bumili ng sapatos dumaan na rin kami sa isang flowershop at bumili ng isang bouquet na may lamang isang daang pirasong pulang rosas. Sumakay kami sa kotse niya at nagbyahe ulit.

"Alam mo Jill, huwag mo masyadong inaabuso yang katawan mo. Lalo na yang utak mo na mukha namang walang laman. Maawa ka naman sa sarili mo."

"Yong totoo, Yana? Nasapian ka ba ni Jean?"

"Gusto ko nga sapian ako ni Ellaine. Para masubukan ko naman kung paano magdala ng malaking hinaharap."

Pareho kaming natawa. Parang walang nangyaring habulan kanina. Close na ulit kami.


"Seryoso ako, Jill. Huwag ka masyadong focus sa iisang bagay. Dapat marunong kang tumimbang ng mga bagay na mahalaga sayo. Katulad ng mga kaibigan mo, pamilya mo at syempre si Anne."

Napasandal ako rito sa kinauupuan ko habang nakikinig sa sermon ng Madre este ni Yana na kasalukuyang nagmamaneho ngayon.

"Kung pwede lang, Yana. Gusto ko ring huminga nang walang iniisip na obligasyon pero paano?"

"Jill, parang hindi na nga ikaw iyan. Minsan natanong mo ba si Anne kung kilala ka pa niya?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Panay nga ang pagtatampo sa akin ni Anne ngayon dahil hindi ko siya nabibigyan ng oras.

"Hay! Yana, anong gagawin ko?"

"Patiwakal ka na para maka move on agad si Anne at makahanap na siya ng iba."

"Walangya ka naman, eh. Seryoso nga ako!"

"Ahh seryoso ka pala? Sorry naman. Akala ko wala ka nang sineseryoso. Ay! Meron naman pala yong trabaho mo."

Mukhang nangaasar lang itong si Yana sa mga sinasabi niya.

"Alam mo, Jill. Tingin ko takot ka lang magfail kaya masyado kang nakatutok sa negosyo niyo. Bakit? May kailangan ka bang patunayan? Sa parents mo? Sa ibang tao o kay Anne?"

Tama si Yana. Takot ako sa failure. May iniingatang pangalan ang pamilya ko at ayokong ako ang dahilan ng pagkasira non. Pero sa kabilang banda si Anne naman ang lagi kong nadi-disappoint ngayon.


"Jill, walang masama kung magfailed ka. Dahil doon ka matututo. Wala kang dapat na patunayan sa sarili mo o sa iba, dahil alam naming mabuti kang tao at ayaw namin na lalaki yang ulo mo at lalong lalo na, ayaw naming nasasaktan mo si Anne. Naiintindihan mo ba? Tama na yong minsan mo na siyang sinaktan noon at kapag inulit mo pa iyon. Nakow! Hindi lang sapak ang matitikman mo sa akin! Magkakamatayan na tayo!"

"Aray!!!" Bigla ba naman niya akong siniko sa sikmura. Bwisit na gurang!


Forever with You (Jillian Fuentes Book 3) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon