"Game! grabi ang gwapo mo na. Tapos ang laki na ng muscle mo!" kinilig na sabi ko.
Kumapit ako sa braso ni Game habang naglalakad, naasiwang tumatango naman ito sa bawat kakilalang makakasalubong namin.
Si Game at Play Lizares ay mga dati kong kalaro at kuya-kuyahan. Mommy nila ang bagong wife ni Dad. Nagkalayo kami dahil kinuha din sila ng kanilang Ama na nakabase sa Greece. Ngunit ang pagsama ng magkapatid sa kanilang Ama ay may mabigat ding rason kaya pinili nilang lumayo. At pabor sakin yun.
Naglalakad kami pabalik sa loob ng simbahan. Sinundot-sundot ko ang tagiliran ni Game Titingin ito sakin at ngingiwi.
"Ba't gumwapo ka?" kunot noo kong tanong.
Napahinto naman sa paglalakad si Game at tiningnan ako ng naka awang ang bibig.Tinaas-baba ko ang kilay ko.
Inismiran ko ito at pinisil sa pisngi. "Cute mo talaga." sabi ko.
Tinanggal nya ang kamay ko na naka kapit sa braso nya. "Buntis ka ba Mae?" sabi nya.
"Huh?" ako.
"Tss." at iniwan na din ako.
Nakatulala lang ako sa likod nyang unti-unting lumabo sa paningin ko. What was that? Did the Lizares Twin turn their back on me? Loko ah.
"Ang yayabang talaga, yung isa kuminis lang ang mukha isnabero na, yung isa naman nagka muscle lang naging man of few words na." salita ko habang naglalakad mag-isa.
"At hindi mo talaga maipagkakailang magkapatid dahil parehong walk-out King!" patuloy ko.
"Yung si Play..."..."Aayy! Ano BA!" hinampas ko si Game noong hatakin ako.
"So buntis ka nga?!" naka cross arms nya akong tinitigan.
"Tumigil ka nga! Yang bunganga mo!" ako.
"Pinaparusahan mo talaga ang kapatid ko ano?" sya.
"Hoy! Excuse me. Kinalaman ko sa inyong magkapatid?" umirap ako sa kanya.
"Enough na si Mommy lang Mae, huwag naman pati si Play." seryoso at nagbabanta nyang sabi.
Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Hinarap ko sya, nanginginig ako sa galit, anong karapatan nyang pagsabihan ako na pinasasakitan ko ang kapatid nya?
"Unang-una lang Mr. Game Lizares, matalik ko kayong kaibigan, para ko na kayong kapatid. Nagalit ako sa Mommy nyo dahil naging kasintahan nya ang Daddy ko kahit alam nyang kakahiwalay lang ng magulang ko. Bilang isang anak na gusto ng buong pamilya nagalit ako kasi paano magkakabalikan ang parents ko kung may relasyon ang Mommy nyo sa Daddy ko?" nakakuyom ang palad kong sabi.
"They fall in love." sagot ni Game.
Binaliwala ko ito.
"Pinasakitan si Play? Bakit Game? Inakit ko ba sya? Sinabi ko bang bigyan nya ako ng higit sa kapatid na pagturing? Hiningi ko ba yun! Ha!" tumulo ang luha ko at tinulak ko sa dibdib si Game. "SABIHIN MO! PINILIT KO BA SYA! NANGHINGI BA AKO!" sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.
Naalala ko noong 3rd year high school ako at nasa kolehiyo na si Play, hindi ko inaasahan ang pagtatapat nya ng pag-ibig sakin.
Dahil sa kabataan ay naging masama ang pagtanggap ko sa pag-ibig ni Play, tahasan ko syang tinaboy at sinabing wala itong aasahan sakin.
Dumagdag pa ang galit ko noong naging kasintahan ng Daddy ko ang Mommy nila. Mas lalo akong nainis at nagalit kay Play. Naiinis din ako kay Game dahil kinampihan nito ang kapatid. Young mind nga naman bakit ano ba ang dapat kong asahan?
BINABASA MO ANG
THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)
General FictionDont leave me, dahil oras na malaman kong may balak kang iwan ako, uunahan na kita. Nanigas si Trip habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit. Dinig ko rin ang malakas na tibok ng Puso nya. Iiwan kita Trip bago pa ako ang una mong iwan. ...