PART 23

2.3K 43 1
                                    

"Are you sure na hindi na kita sasamahan?" tanong ni Trip.

Nakayakap sa beywang ko ang braso ni Trip, tumango ako at ikinawit sa leeg nya ang braso ko.

"Yup, kaya ko." inayos ko kwelyo nya. "Titignan ko lang naman ang Wedding gown ko and to check na rin sa catterer. No need you to be there, at saka may trabaho ka pa two months from now kailangan mo na mag leave, kaya hindi ka dapat umabsent ngayon." mahabang sabi ko.

Napa Chuckle naman si Trip.

"Wow, Misis na Misis Fontane na talaga ang asta mo ah?" tinaas baba nya pa ang kilay nya.

"Bakit ayaw mo?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Not that i dont want but..." he kiss me on my forehead. Napangiti ako at isinandal ko ang mukha ko sa dibdib nya. "Ang sarap pala ng feeling na bukod sa Secretary ko may taga ayos ako ng schedule." at napatawa naman sya.

"Ah, ganun?!" nag cross arms ako.

"Exactly! Hahaha..."

"So cancel nalang natin ang Wedding and ill be your Secretary nalang?" kunot noo kong tanong.

"Hey..." he cup my face. "Sa lahat naman ng Secretary ikaw lang yung naiba. Tell you why? Kahit ako ang boss pagdating sayo, lalapit ako sayo na naka luhod, ako ang boss na titiklop pag ikaw ang nagsabi." pokerface lang ako sa harap nya. "Kiligin ka please?" pag papacute nya.

"E kung kuryentehin kaya kita para manginig ka sa kilig?" tampu-tampuhan mode ko.

"Ampupu, Lady Jam ang galing mong magpakilig pero bakit ikaw walang kilig Hormones?" frustrated na sabi nya.

Tinalikuran ko sya at kinuha sa couch ang Black Leather bag nya na gamit sa opisina. "Meron kaya..." mahina kong sabi.

"Talaga?!" narinig pala nya. Hinarap ko sya at binigay ang bag. "Kung ganun kinikilig ka sakin?"

"Aish, umalis kana your talking nonsense!" tinulak tulak ko sya patungo sa pinto.

"Anong nonsense, masama ba malaman kung kinikilig ang soon to be Mrs. Trip Fontane sa hirit ni Mr. Trip Fontane?" sabi nya na kahit pinupush ko patungo sa pinto e nakalingon ang ulo sakin.

"Bakit ba kailangan mong malaman?" sabi ko.

"Importante kaya yun." binuksan nya ang pinto pero hindi parin lumalabas. Hinarap nya ako. Tinaasan ko sya ng kilay. "Mahalaga yun, yung kilig factor sa bawat couple kasi doon mo malalaman na kahit sa maliit na gestures o bagay na nagagawa ng partner mo kinikilig ka doon mo malalaman na the Love is still there, the fire is still there." he is looking me straight on the eyes.

"Oh, aba-aba..huma-Heart healer kana ah?!" nginisihan ko sya.

"Oh ano?" kinagat nya ang lower lip nya. "Kinilig ka?"

At napatawa na talaga ako! Oh my, ang Gwapo kong Fiancee nagpapacute sa harap ko tapos tatanungin ako kung kinikilig ako sa kanya? Hustisya!

"Oo naman, naakit narin ako sayo eh.." i push him towards the open door.

Nanlaki naman ang mata nya.

Nag lipbite din ako. "At nag-iinit ako..." natulala na si Trip.

"Gusto kong maghubad ng aking damit and get naked around the room..." bumaba ang tingin ni Trip sa dibdib ko at napalunok.

"Its gettin' hot in here...gusto kong maligo na walang saplot..." lumayo na ako kay Trip. "Bye Babe, maliligo lang ako."

And before he could utter a word i slam the door on his handsome face. Natatawang naglakad ako patungo sa kwarto ko para maghanda narin sa lakad ko.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon