"Mae, naayos ko na yung schedule ni Mr. Facultad and Mr. Lobaton sa tuesday na yun." tinapik ko ang balikat ni Cherry.
"Okay i'll check it."
"Nga pala may nabinbin na Event si Kesha, sa Friday na rin yun."
"Huh? Sino hahawak nun? Ang alam ko Sunday pa balik nya ah?"
Si Kesha ay isa sa Event Host, naka leave ito dahil may emergency sa probinsya nila.
"Yun na nga, hindi ka rin pwede eh." napakamot ng noo si Cherry. "Hindi ka naman pwedeng lumagare sa mga event na dapat sa iba kasi punuan karin, kung ipapasa ko naman sayo sigurado lantang gulay ka na pagdating sa ibang Hosting event mo." problemadong sabi nito.
"Tsk. Relax ka nga ask Aaron..." tinutukoy ko ang Event Organizer rin na si Aaron ang alam ko kasi sanay din ito sa Hosting.
"Hay, nagawa ko na...tinanggihan lang ako, dahil may sideline daw sya bilang camera man ni Haley." Haley is also a Event Host.
"Ano ba yan, bakit ngayon pa tayo kinulang ng tao? Ang daming Event na nakaline up." sinabayan ko sa paglakad si Cherry.
"Ganyan talaga pag Ber months na, Business Conference dito at Engagement Proposals doon." nagbuklat ito ng dalang folders. "Eto talagang mayayaman ang hilig sa Engagements galore."
Natawa ako. "Wag kang mag reklamo dahil dyan kaya nagkakalaman ang wallet natin."
"Hmp, if i know sayo nag uumapaw na! Dami mong Event at indemand ka ah." pinalo nito ang balikat ko.
"Alam mo naman kung saan napupunta yun..." nakangiti kong sabi.
"See an Angel..." tumango ako kay Cherry. "Nga pala naipasa ko na ang request mong electric fans kay Mr. Lamaite sa susunod na linggo malalaman na natin kung maaaprubahan na yun."
"Salamat Che, ah...malaking tulong yun..lalo na na mas lumalaki na ang pamilya ng See an Angel."
Tinitigan ako nito. "Wala ka bang balak lumagay sa tahimik Mae?"
"Naku yan ka na naman, I'm happy. Okay na yun." nakangiti kong sabi.
Nagbuntong hininga ito. "Two years ago ng mapadpad ka sa opisinang ito, ni minsan wala akong makitang naghatid o sumundo sayo...wala ka parin bang boyfriend?"
"Im happy nga." iwas ko at inagaw ang folders na hawak nya.
"Naku tigilan mo ako sa "im happy status mo. Wala ba kahit naghihintay sayo o may hinihintay ka?"
Napatigil ako sa pagsuri sa client information sa folder. Ni minsan hindi ko nakalimutan ang isang tao na yun.
Wala man akong naging balita sa kanya nitong huling dalawang taon pero hindi tumigil sa pagtibok ang puso ko sa kanya. Mahal ko parin sya.
Balak kong bisitahin sya sa Friday, kaya hindi ko din ipinursige kay Cherry na akuin ang Event na naiwan ni Kesha. Matagal ko ng pinagplanuhan at pinag iisipan. Alam ko masyado akong naaliw sa Foundation kaya hindi agad ako nakabalik.
Sana nandoon pa sya.
Sana naman naghintay sya.
"Mae!" napatuwid ako ng tayo ng pumitik sa harap ko si Cherry.
"Ha?"
"Anong iniisip mo? Lutang ka ah."
"W-wala...naantok lang siguro ako." bahagya akong ngumiti at ibinalik sa kanya ang folder.
"Oh sige, wala ka naman kailangan gawin dito umuwi kana at magpahinga."
"Mabuti pa nga...Salamat mauna na ako." paalam ko.
Tumalikod na ako at naglakad palayo.
"Mae!" lumingon ako kay Cherry. "Problema talaga itong Event ni Kesha, baka kako...." napakagat ito sa labi.
"Yes?!"
"Si Brix..."
Kumunot ang noo ko.
"Ano si Brix?"
"MAe!!" napapadyak si Cherry. "Pwede bang paki usapan si Brix na sya nalang ang mag Host! Please...mapapahamak talaga tayo nito."
"Ayoko. At higit sa lahat not in a good relationship kami no, kaya you talk to him..dahil never ko syang papakiusapan." sabi ko at tinalikuran na si Cherry.
Yep. I know a lot of secret of Brix. At ayaw ko ng balikan yun. Simula din naman ng araw na sinabi nya sakin ang lahat kinabukasan din ay umiwas ito sakin.
Naiintindihan ko kaya hindi ko na pinilit pa. Hanggang sa tumagal nga ng dalawang taon na naging casual ang pakikitungo namin sa isa't isa.
Maybe he has issues.
At meron din ako. Pero alam ko na kaya ko na, ng mga panahong nasa foundation lang ang buhay ko. Naisip ko sya. Mas masakit pala knowing na nandyan lang sya, the right come has arrive pero pilit ko itong tinaguan.
Dasal ko sa tuwina, huwag sana syang lumimot dahil babalik na ako malapit na.
****
"Napakatigas ng ulo ni Mae! Paano na to? Sino ang mag ho-Host sa Fontane-Maravalles Engagement?"
Muli nitong pinasadahan ng tingin ang client information. Kung sabagay ang gwapo ng guy.
Fontane? Sya ba yung may ari ng Trippinz radio station? Wala naman kasing pangalan ang nakalagay lang ay yuong Fontane-Maravalles Engagement at picture ng couple.
"Joy, halika tingnan mo to..." pinakita ko ang picture sa kanya. "Diba sya yung may ari ng Trippinz?"
Kinuha ni Joy ang picture at sinipat ng mabuti. "Hindi naman kahawig pero hindi e..."
"Ano ka ba, kalat ang picture nong Fontane na yun sa social media kaya kilala ko to eh." sabi ni Cherry.
"Ganun? Hindi nga yan si Trip Fontane...nagkakamali ka." sabi pa ni Joy.
"Aba'y parang sigurado ka ah?"
"Oo naman...oh ayan kilala mo ba yung Maravalles?" lumingo ako.
"Yan si Ann Maravalles, tagapagmana ng Valles Homes, yung Fun Fontane na cousin ni Trip ang balitang Boyfriend nya. Kaya malabong si Trip Fontane yan." Joy.
"Ganun ba?" bigla itong may naalala. "Diba galing sa Fontane GC si Mae? Malamang kilala nya ito..."
Napangiti naman si Joy, "Tama! Kaya gawan mo ng paraan para mapunta ang Event kay Mae!"
Napangiti na talaga ako ng malapad sa naisip. Kumindat ako kay Joy at tumuloy na sa opisina ko.
*****
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)
Ficção GeralDont leave me, dahil oras na malaman kong may balak kang iwan ako, uunahan na kita. Nanigas si Trip habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit. Dinig ko rin ang malakas na tibok ng Puso nya. Iiwan kita Trip bago pa ako ang una mong iwan. ...