PART SEVEN

4.9K 100 6
                                    

"Nasasaktan ka dahil nagmamahal ka o Nasasaktan ka dahil nakokonsyensya ka?"

"Magkaiba kasi yun, yung nagmahal ka kaya ka nasasaktan yun yung alam mong sya na pero nagkasakitan pa kayo. What hurts the most when people you trust is the one who tore you apart. Hindi masakit kung kaaway mo ang nagsabi ng masasakit na salita sayo dahil minsan mas nababatuhan mo sila ng mas masasamang salita. Pero pag ang mahal mo ang nagsabi ng masamang salita laban sayo, mapapayoko ka nalang, tatakpan ang tainga pero tatagos at tatagos sa puso mo."

"Nasasaktan ka dahil nakokonsyensya ka. Minsan na aaply to sa mga taong mang gagamit. Dahil sabi nila, bet nila, nadinig mo at utos ng laman mo kaya nilapitan mo."

"Most of the time, sisisihin mo ang magulang, kaibigan at kinalakhan kaya nagkanda letse-letse ang buhay mo. Pero naisip mo bang, sino bang katawan yan o isip yan. People live and develop by 30.1 by there sorroundings and 69.9 by themeselves.Kaya anong karapatan mong sisihin kami bakit ka naging ganyan. At the end of the day you'll stand by your own. At maiisip mo nalang bakit ko ba kasi ginawa yun?"

Nilingon ko sya, nakayuko ito at pilit pinapakalma ang sarili. Sa buong pagsasalita ko puro hikbi ang aking nadidinig. Why would she cry? Dahil alam nyang nasasaktan sya sa isang bagay.

"So alin ka dun?..." sabi ko.

Nag angat ito ng tingin sa akin. Pulang-pula ang mga mata nito.

"A-anong...ibig mo sabihin?" sabi nya.

"Yung nasaktan ka kasi tunay kang nagmahal o nasaktan ka kasi nakonsyensya ka kasi hindi mo pinaglaban?" sabi ko.

"Lahat!...l-lahat yun....napakalaki ng pagkakamali ko. At kung mabibigyan ako ng pagkakataon mamahalin ko sya. Ibibigay ko ang lahat, hindi ako matatakot." sabi nya.

Tahimik lang akong nakikinig.

"There are times in mylife na mapapaisip ako, kung ipinaglaban ko ba ang meron kami ako kaya si Shera Tancinco. The famous VS angel? Am i worth it? Noong una napakakinang ng lahat, ngiti dito-ngiti doon." bahagya itong napangiti at natawa sa kwento nya.

"Gimik dito at rampa doon. Ang saya-saya ko." matabang nitong pagkakasabi.

Bigla itong napaiyak.

"P-pero pag ako nalang mag-isa naalala ko sya. Lahat ng nakasama ko sa buong umagang yun nawawala at isang tao lang ang buhay na buhay sa alaala ko. Kahit hindi ko sya pinili sya at sya parin. Sinubukan ko, dahil ayoko na syang balikan. Nasaktan ko na e, ang kapal din naman ng mukha ko diba after 3 years? Ang kapal. Ang kapal...kapal ng mukha ko." tumigil ito dahil nahihirapan itong magsalita.

Habang sinubukan nya ulet huminahon nagsalita ako.

"May mga taong karapat-dapat balikan at may taong karapat dapat na huwag ng bumalik." nagulat ata ito sa sinabi ko.

"A-anong....?" sya.

I drink my water and look straight in her eyes.

"Noong iniwan mo sya, naalala mo ba ang mukha nyang umiiyak at nagmamakaawa?" sabi ko.

Lumingo ito.

"Hindi. Hindi sya nagmakaawa. Pero Oo, iniyakan nya ang pag alis ko." sya.

"Alam mo ba kung bakit hindi sya nagmakaawa?" ako.

Patuloy sa paglandas ang luha nya. People wants to listen, wether its painful or not. Truth hurts, yun ang alam nating lahat, kaya kahit masakit kailangan mong makinig. Dahil after you endure the pain you can find your way out.

"Hindi sya nagmakaawa sayo, kasi kong karapat dapat ka sa pagmamahal nya sya mismo ang babalik sayo. Sya mismo ang hahanap ng paraan para bumalik ka. Ngayon tatanungin kita ulit, anong ginawa nyang paraan para balikan mo sya?" ako.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon