PART NINE

4.2K 81 5
                                    

Maaga akong nagising sa pambubulabog ni Irene. Ewan ko ba sa babaeng yan at ayaw maghanap ng ibang business. Kundangan ba naman isangkalan ang sarili ko sa iba?

Here i am again, looking sophisticated walking to a highly honored resto in the city.

Etong Irene na to like ko din minsan bongga makipag set ng date ko at palaging busog lusog ako pagkatapos ng meet ups.

I check my bag, tiningnan ko kung ilang panyo ang dala ko. Expected na kasi babaha ng drum-drum at kukulog ng atungal. I hate to advice kong ang ka meet up ko ay isang feeling pretty-looking gaggy. Nakakainis feeling lang pala nila girlfriend na sila nung guy, yun pala inalok lang ihatid sa bahay kasi wala lang syang masakyan.

"Good morning Madame." bati nung guard.

Napakunot noo naman ako. Eh, nang iinsulto. Hindi ko alam kong Madame Auring o Madame Claudia Buenavista ang tinutukoy nito. Kaya ayaw ko ng tawaging Madame ang creepy. Nginig to the ngala-ngala.

"I have an lunchdate with Mr. Callier." sabi ko sa sumalubong na attendant.

"You must be Miss Veloso." sagot nya at tumango ako. "This way Madame."

Nakakainit ng ulo ah. Nauna na akong maglakad pansin ko lang bakit wala ako sa mood? Mahirap maging si Heart Healer kung hindi ako panatag at magulo ang isip ko.

Imbes mapayuhan ko ang aking ka meet up ng mga pagbangon after the heartache e mapayuhan ko silang maghanap ng pinakamataas na building at tumalon kung mabuhay kapa worth it kang magmahal at mahalin ulet. Yun ang pinakamadaling sabihing advice.

Sampung baitang ata ng hagdan ang inakyat namin bago marating ang second floor. Maganda. Yun na yun. Wag masyado mag imagine, baka di nyo makuha ma frustrate lang kayo. At saka diba sabi nga not in the mood ako mag analize at mag enumirate?

"Maam, Mr. Callier is in a private room. Walk straight to that corridor and Third room, your guest is waiting." nakangiting sabi ng babae.

Tinanguan ko sya at naglakad na. Madali kong nakita ang Private room ni Callier.

Hindi na ako kumatok alam nyang darating ako.

Isang lalaking nakatalikod banda sa pinto at nakatingin sa glass wall. Kitang kita ang traffic. Bangasan ko kaya, pa mystery effect pang nalalaman.

"Eherm." i cleared my throat to get his attention.

Dahan-dahan itong lumingon, napa "O" naman ako at napahawak sa dibdib. Kaloka problema ng isang to?

"So? Mr. Callier?" dumiretso ako sa couch.

"Youre late." sabi nya sabay inom ng brandy sa hawak nyang baso.

"Nope. Advance lang yang relo mo. At pwede ba ayaw kong umiinom ang ka meet up ko. Mamaya payuhan kita wala namang pumasok sa kukute mo." ako.

"Yeah. Try me. Kahit Naka threesome ako, basta mahalagang bagay maiintindihan ko." ngumisi naman ang loko.

"Shut up!" binato ko sya ng chicken legs o chicken joy ba to.

Umupo sya sa harap ko at may mapang asar na ngiti.

"Bakit ka namumula? Parang di nyo ginawa ni Trip." tumawa na naman sya.

Nag iwas ako ng tingin.

"H-hoy nirerespeto ako ni Trip." sabi ko.

"WHAT?!"

Napamulagat ako dahil sa lakas ng sigaw nya.

"Problema mo Dong?" sabi ko.

"Sorry nagulat. Seriously? Nothing happen between you and Trip?" ungas talaga.

"W-wala nga." nahihiyang sabi ko.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon