PART 29

1.9K 35 6
                                    

"Mom? Ate? Saan na daw sila?" lumapit si Trip sa Ina at Kapatid.

Nanlalamig na ang kamay ni Trip, higit labin walong minuto na delayed ang kanyang kasal.

Nagtinginan ang Mommy nya at si Dare, mahigpit na hawak ni Dare ang kanyang cellphone.

"H-hintayin mo nga si Mae, Trip. Huwag ka ngang kabahan dyan
..paparating nayun. Baka sobrang paghahanda lang ang ginawa." lumapit ang Ina sa kanya at hinawakan ang pisngi ni Trip. "Everybody deserve a happy life..." hindi nakaligtas kay Trip ang luhang tumulo sa mata ng Ina.

Pinunasan ni Trip ang pisngi ng Ina gamit ang kanyang daliri. "Mommy oh, iyakin..." nakagat ng Ina ang labi at natawa. "Mahal mo talaga ako Mom, ano?"

"Oo, naman. Mahal na mahal ko ang Baby Boy ko. Be strong Baby Boy...be strong." hindi na nakapagpigil ang Ina at humagulgol ng yakap kay Trip.

Nag iwas ng tingin si Dare, hindi nya nakayanan ang pag luha ng Ina para sa kapatid.

"Mom...Mom...nalulukot ang barong ko oh...tahan na.." hinimas ni Trip ang likod ng Ina. "Sige ka, baka hindi na ako pakasalan ni Mae pag hindi na maayos ang barong ko." natatawang sabi ni Trip.

Humiwalay ang Ina sa kanya, nakayuko ito.

"D-dare?" Ina.

"Y-yes Mom?" Dare.

"Call Franny again, ask her kung bakit wala pa si Mae." utos nito.

"Okay." naglakad sa gilid si Dare.

Bago di-nial ang kanyang cellphone ay nilingon nya si Trip. Ang Saya at kinang sa mga mata nito ay hindi matatawaran. Kaya pikit matang dinial nya ang number ni Franny.

Ilang ring pa bago nito nasagot ang tawag nya.

"F-frannn..." nanginginig ang boses ni Dare.

Hikbi ang narinig nya sa kabilang linya.

"F-frannn..." tinakpan ni Dare ang bibig para mapigilan ang paghagulgol iniiwasan nyang makuha ang atensyon ng mga bisita lalong-lalo na ng kapatid.

"Where is she?" Dare.

"S-she's ...g-gone." sagot nito.

"A-ANONG GONE?!! Hanapin nyo sya please....please..Hindi pwede yun? Kawawa yung kapatid ko." napalingon ang lahat sa direksyon ni Dare.

Puno ng pag aalala ang mukha na lumapit si Trip sa Ate nya.

"Ate? What was that? Sino bang kausap mo?" tanong nya.

Napapadyak si Dare, sa frustration. Tatalikod ito at iiling-iling. "Ate?" hinawakan ni Trip ang balikat nito. "What is it?" nag aalalang tanong ni Trip.

Nangingig ang kamay na inabot ni Dare ang cellphone kay Trip. Naka maang lang si Trip. At dahil naguguluhan bago sinagot ay tiningnan nya muna ang caller.

Si Franny. Ang nag ayos at kasama ni Mae sa Hotel.

Mae. Biglang sinalakay ng kaba ang dibdib nya.

"Fran?"

Katahimikan ang nadinig nya sa kabilang linya. "Fran? Fran, bakit wala pa si Mae? Asan na kayo? Traffic ba? Sige, sasabihin ko sa mga bisita na hintayin nalang kayo. Makiki usap din ako sa Pari na natraffic lang kayo..." tahimik parin ang kabilang linya. Kahit ang mga tao sa paligid ni Trip.

Nalingunan nya ang Inang yakap ni Dare at umiiyak na naman. "Ma,stop crying!" sabi nya. "Hihintayin namin kayo Fran...basta...basta, sabihin mo kay Mae na huwag syang mag alala hihintayin ko sya. Pangako." hindi alam ni Trip kung bakit naiiyak sya.

THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon