"Until what time ka dyan?"
Napahikab ako nang mabosesan ko si Irene. Anong oras na ba at ang aga nito mambulabog? Hinawi nya ang Blinds sa kwarto ko at napatakip ako ng kumot dahil sa sinag ng araw.
"Nakikita mo yang araw? Nagsisigaw na ang liwanag nakahiga ka pa rin." sabi nya.
Diniin ko ang unan sa tenga ko. Ayoko munang makinig sa ritual nya.
Bakit ba kasi ako na late ng gising? I wish wala lang yun.
FLASHBACK:
Ipapasok ko na sana ang susi sa pinto ng building ng may maagap na humawak sa kamay ko.
"T-TRIP?"
"Yes Honey?" ngumiti sya sa akin.
"A-nong ginagawa mo dito?"
"Gusto kasi sana kitang ihatid kaya lang ayaw mo. Kaya nag i-stalk nalang ako." nakangusong sabi nya.
"Stalk? Nababaliw kana Mr. Fontane, your my client. Hindi pa oras ng meet up natin kaya pwede lang huwag mo akong gambalain." medyo naiinis kong turan.
"Hindi naman ako nakakaistorbo diba?..." sinundot-sundot nya tagiliran ko. "DIBA?" tumaas-baba pa yung kilay nya.
"Ugh! Trip, may stalker ba na hindi nakakaistorbo?!" napatampal ako sa noo.
Medyo dumistansya sya sakin at waring napapaisip. Naguguluhang nakatingin lang ako sa kanya.
"Kung liligawan kita, maiistorbo parin ba kita?" sya.
"H-ha?"
"Oy...bingi-bingihan...kunwari hindi narinig pero kinikilig naman." nakaloko ulet itong tumawa.
"Pwede ba Trip! Stop Trippin on me." sabi ko sabay roll eyes.
"Uy...rhyming..." sya.
"Eh, ano ngayon?" pagtataray ko.
"Sige na, liligawan na kita." sya.
"Akala ko ba kaya ka nagbayad para pagalingin ni Heart Healer yang pagiging heart broken mo? E, bakit parang hindi ka na naman broken hearted? Mabuti pa sabihin ko nalang kay Irene na ibalik ang bayad mo para wala na rin tayong meet ups? At nang maiwasan na kita." ako.
Bigla naman nanlaki ang mga mata nya. Parang hindi alam ang gagawin. Unti-unti parang nanghihina itong napasandig sa posti habang nakahawak ang kamay sa dibdib at madramang nagpadausdos.
"Hoy, Trip!" sabi ko.
"A-ang...shakit...ng p-puso ko..T-ta.la.gang na saktan ako...kailangan ko ang magpapawala nito...I.Need.You.Heart.Healer." nakatanga ito sakin.
"Your okay. You're not in need." nakaismid kong sabi.
"Bakit?" napaatras ako noong tumayo sya at muntik ng magkatama ang aming ilong.
"Bakit alam mo ba kong kailan ako okay at hindi? Ikaw ang kailangan ko at kahit bayaran pa kita hanggang Forever gagawin ko!" nakasigaw na sabi nya.
"S-sandali anong pinagsasabi mo?"
Tumalikod sya at napasabunot ng anit. Nagpalakad-lakad din sya sa harap ko habang nakatulala lang ako sa kanya.
"Ewan!" sya.
Mukhang mainit ang ulo nito at kung makataas ng boses ginawa akong bingi.
"Hindi ko alam kong bakit parang mababaliw ako sayo. Katatapos ko lang ng isang failed relationship tapos ginugulo mo ang isip ko. Nakakainis alam mo yun. Pero hindi ko mapigilan." sabi nya.
BINABASA MO ANG
THE VIRGIN'S MISTAKE (completed)
General FictionDont leave me, dahil oras na malaman kong may balak kang iwan ako, uunahan na kita. Nanigas si Trip habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit. Dinig ko rin ang malakas na tibok ng Puso nya. Iiwan kita Trip bago pa ako ang una mong iwan. ...